Level 054

127 15 0
                                    

Eureka's POV

"Players, are you ready for your last game?"

Nagkatinginan kami.

Mukhang handa na nga sila.

Ako ba, handa na? Syempre!

"But before we start the game, let me tell you a short story first."

Aba, nag-kuwento pa!

Pero teka, nasaan ba sila Yana at Crystal?

Bakit hindi namin sila kasama?

Part ba 'yun ng laro?

"Once upon a time, there was a beautiful young lady named Ellyana."

Narinig ko ang mahinang mura ni Zetrix.

Uy bat nag-mumura? Kinikilig lang, eh!

"On the other hand, there was an evil queen watching her all the time. The evil queen always felt envious and jealous of the young lady because of her beauty."

Oww!

"One day, the evil queen came up with a great idea. Because of enviousness, she hid the beautiful young lady somewhere inside this school... and no one knows what is happening to her right now."

Mukhang alam ko na kung anong lalaruin namin.

"But that's not how the story will end. The ending will depend on you, players. In this game, you must find Snow White and save her from the evil queen. And just to remind you, the evil queen is very impatient. She will only give you one hour to save the princess."

Biglang nag-on yung screen ng loptop na nasa table. Nilapitan agad namin 'yon.

Nakita ko si Ellyana pero in fairness! Ang ganda niya sa costume niya!

Naka strapless Snow White gown ito na medyo fit sa kanyang baywang. Royal blue ang itaas na bahagi ng dress niya tapos nag mi-mixed na yellow sa baba. Nakalugay naman ang mahaba at itim na buhok niya at naka suot ng headband na red na may malaking ribbon sa gitna n'yon.

Sinulyapan ko si Zetrix at nakitang nakatitig siya sa screen. Mukhang in love na naman ang pare niyo!

Syempre hindi naman nakatakas sa akin si Vanz na nakatitig din sa screen. Shemay! Love triangle!

Binalik ko ulit yung tingin ko sa screen.

Wala pang malay si Yana dahil nakapikit siya at mukhang naka-upo ito at nakatali ang dalawang kamay sa lubid na nasa itaas niya. Mula sa kamay niya na nakataas hanggang sa kaniyang baywang lang ang nakikita namin sa screen tapos sobrang dilim na sa likod niya kaya hindi namin malaman kung nasaan talaga siya.

Pagkatapos nun ay biglang nag-black yung screen. Bastos lang?

"Wala namang sanang gawin si Crsytal kaya Yana." Narinig ko si Matthew.

"Sana nga." Napatingin ako kay Fatima.

"Please get the camera on the table. Each of you should have that."

Nasa akin na yung akin kaya hindi na ako kumuha. Masyadong excited.

Parang nagda-dalawang isip pa si Breanna kung kukuha ba siya.

"Kunin mo na," sabi ko.

Napatingin siya sa akin bago kuhanin yung natitirang Osmo pocket camera sa table.

"Just to remind you, players, you only have one hour to save your friend. If that time runs out, Princess Snow White will be drawn in a pool filled with boiling acid and some poisonous apples."

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon