Level 017

152 16 5
                                    

Fatima's POV

I'm totally freaking out!

Nagising ako kanina na nasa classroom pa rin namin. Same chair, same position, same room. But the only difference is that some of us are gone.

Wala sila Ellyana, Eureka, Tyler, Matthew, at Vanz. Wala rin ang iba sa mga kaklase ko pati si Zetrix. Bakante ang mga upuan nila. Kami lang nila Crystal, Denrick, Steeven, Obreeh, Patricia, Quirah, Rhiana, Urice, Winna, Ylona at Xander ang nandito.

I tried to recall what happened to us before we fell asleep. May pumasok na usok sa room kanina, akala namin nasusunog then after that nawalan kami ng malay. It's a sleeping gas, for sure!

Nagkagulo kami nang maya-maya ay biglang umuga ang sahig. Nahati sa gitna yung pader na dinidikitan ng blackboard namin. Bumungad ang isa pang room at nakita namin ang dalawang kahon sa gitna na parang malaking regalo. May malaking mga grid na nakaguhit sa sahig na mukhang dugo ang ginamit.

Ew!

Nagulat kami nang makita ang isang creepy Minnie Mouse mascot na nasa unahan. She let out a creepy laugh that echoed inside our room.

She explained why we're here, to play this damn death game. Sinabi rin niya na isa sa amin ang tumanggap ng invitation kaya nandito kami ngayon. We will all suffer and play this game dahil sa kanya.

Naguguluhan pa rin kami sa nangyari dahil kanina lang ay nasa room kami ngunit nang magising kami ngayon ay parang ibang mundo na ang napuntahan namin.

Then I remember what Miss Luna said about the incident happened ten years ago. Kung ganoon, ito ang nangyari sa kanila? naglaro sila ng tinatawag na Danger Game at isa-isang namatay?

Nagulat kami nang makarinig kami ng putok ng baril. Napahawak si Crystal sa braso ko dahil doon. Inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi dito nanggagaling ang putok, parang sa kabilang room.

Pagkatapos ay biglang tumawa ng malakas 'yung mascot sa unahan.

"Ano yun?" tanong ni Xander.

"One of the player's game is over. Sayang naman!"

Napatingin kami sa unahan nang magsalita ang mascot na nandoon.

"So, let's start the game!" She sounds excited like we're playing a birthday party game.

I gulped in nervousness.

"Who wants to volunteer?" tanong nung malaking daga.

Walang sumagot. Lahat ay natatakot.

"No one?" Nagkibit-balikat pa ito.

Naglakad ito papalapit sa malaking kahon na nasa tabi ng pinagtaguan niya kanina. Umawang ang bibig ko nang buksan niya ang malaking kahon at nakita kung sino ang nasa loob.

"No one wants to play?"

"Shit!" I heard Denrick.

Hindi ako makapagsalita. I saw our friend Luke, nakaupo sa bangko, walang malay. Nakatali ang buong katawan nito. It's not just a rope, it's like a cord na may maliliit na tusok-tusok. Namumula na at may mga sugat ang balat nito dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kanya lalo na ang leeg niya na ilang beses na pinaikot ang tali doon.

"If you don't want to play then-"

"Wait!"

Naglakad si Denrick papunta sa kabilang roon. Huminto siya bago matapakan ang kulay pulang grid na nasa sahig.

"Maglalaro ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. No way! Mapapahamak siya pag naglaro siya!

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon