Chapter 1

10.9K 307 7
                                    

Maaga akong nagising dahil sà aking alarm clock.

Dahil sabado ngayon ay magshoshopping nalang ako.

Kaya bumangon agad ako at naligo.

Pagkatapos ay nagsuot ako ng oversized T-shirt na color white tas ripped jeans at white shoes.

Bumaba agad ako at nakita ko agad si manàng na Naghahanda na ng pagkain.

Kaya umupo agad ako.

"Sabay nalang tayo manang"
Walang emosyong sabi ko sa kanya

"Ah wag na iha"

"Sabay ka nalang manang tutal wala naman sila mama"

"Sige na nga,ikaw talaga"
Nakangiti niyang sabi kayà ningitian ko nalang din sya.

At tahimik lamang kaming kumain hanggang sa natapos na kami .

Niligpit naman agad iyon ni Manang at naghuhugas na sya ng mga pinggan.

"Manang"

"Oh bakit?"

"Aalis muna ako"
Tila nagulat sya sa sinabi ko

"Ahh eh saan ka pupunta?"

"Magshoshopping lang po manang"

"Hindi pwede iha,sabi kasi ng mama mo ay hindi ka pwedeng lumabas ng bahay"

"Manang,wala naman sila Dito manang ehh.At isa pa atin lang tong dalawa na lumabas ako ng bahay"

"Ikaw talagang bata ka.Sige na nga,kawawa ka naman palagi ka nalang nakakulong Dito sa bahay na ito.Kaya papayagan na kita"

"Salamat Manang"
At Mabilis akong lumabas ng bàhay.

At agad ko namang sinuot ang aking helmet at agad na nag drive at pinaharorot iyon.

Pagdating ko sa Gaisano ay ang dami ng tao kaya pinark ko muna ang motor ko .

Sa pagpasok ko palang ay naghalo-halo na ang amoy ng mga tao.

Kaya binilisan ko nalang ang aking paglalakad ng may nabangga akong lalaki

"Ano ba miss! Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo huh!?"
Sigaw niya sa akin kaya halos ang mga tao ay nakatingin sa gawi namin.

"Tskkkk....Ehh,ano bang paki ko?"
Walang emosyong sabi ko sa kanya

Kaya mukhang mas lalo itong nainis

"Argghhhhhh...pwede ba magsorry ka nalang?"

"Ehh bakit ako magsosorry?"

"Dahil Nabangga mo ako"

"Ehh bakit hindi ka umiwas?"
Ang kulit ng lalaking to

"Dahil hindi kita nakita"

"Bakit hindi moko nakita?"
Mukhang mas lalo itong nainis dahil sa mga sagot ko sa kanya

"Dahil maraming tao na nakaharang!!"
Sigaw niya

"Bakit may maraming taong nakaharang?"
Walang emosyon ko pading sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo!!!!"
Sigaw niya sa akin sabay alis.

Buti nga umalis na HAHAHA

Matapos kung mamili ay pumunta agad ako sa counter.

Ang haba ng linya.

Kaya pumila nadin ako, ang nasa unahan ko ay ang lalaking nakasombrero ng black.

Sa paglingon niya ay nagulat ako pero di ko yon pinapahalata sa kanya kasi sya yun,sya yung nakabangga ko.

"Ikaw na naman!!"
Sigaw niya sa akin

Pero hindi ko nalang sya pinansin.

"1804 po maam"
Sabi ng cashier kaya kumuha agàd ako ng pera at Binigay yun sa casher.

Sa paglabas ko ay agad akong pumunta sa motor ko.

Agad akong nagdrive at pinaharorot ko iyon papunta sa bahay.

Agad kong kinuha ang aking pinamili at agad na pumasok sa aking kwarto.

Nagbihis naman agad ako kasi pupunta ako ngayon sa bookstore kasi gusto ko na namang bumili ng libro or nang wattpad books.

Nakita ko si manang na naglilinis pero hindi nalang ako namaalam bagkus ay nagdrive nalang ulit ako at pinaharorot iyon sa national bookstore.Malapit-lapit lang din kasi dito sa aming bahay ang national bookstore.

Sa pagkarating ko don ay agad akong pumasok.

"Bakit nandito ka?"
Nagulat ako sa nagsasalita sa aking likod.

Kaya lumingon ako at laking gulat ko ng sya na naman ito pero meron na syang kasamang babae na mukhang jowa niya.

Hindi ko nalang sya pinansin at tinalikuran ko na lamang sila

"Babe sino yon?"
Dinig ko na tanong ng babae sa kanya

"Hindi ko alam babe"
Sagot naman ng lalaki.

Mabilis akong naglalakad at nang makarating na ako ay agad akong namili ng librong gusto kong bilhin.

Ang Napili ko na gusto kong bilhin na libro ay ang HE'S INTO HER 1,2,and 3.
HELL UNIVERSITY and CHASING HELL.
TASTE OF SKY.
THE FOUR BAD BOYS AND ME,THE GOOD GIRL REVENGE.
TASTE OF BLOOD.
I LOVE YOU SINCE 1892.

yan ang mga Napili kong libro
Ang nabayaran ko sa casher ay 3041 pesos.

Kaya pagkatapos ay umuwi agad ako sa amin.

Habang papasok palang ako ay nakita ko agad si manang na nakangiti lamang.

Kaya ningitian ko nalang din sya.

At agad akong pumasok sa aking kwarto .Meron akong Library Dito sa aking kwarto pero maliit lang ito kaya doon ko nilagay ang aking binili na mga libro.

Hapon na pala kaya bumaba agad ako at kumain.

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon