Chapter 54

3.1K 58 0
                                    

Pagdating namin sa mall ay agad hininto ni jelen ang kanyang kotse. Agad akong lumabas

"Tara na?"

Tumango na lamang ako at nagsimula na kaming pumasok

Merong dalawang guard na nakabantay pero pinapasok naman kami nito

Pagpasok namin ay agad namang kumuha si jelen ng cart

"Kumuha kadin ng iyo"
Malumanay nyang sabi

"Wag na"

"Kumuha kana...para may kalalagyan kadin---Kunin mo lang lahat ng gusto mo...at ako lang ang magbabayad"

ayyy lahat talaga? Baka maubos pera mo teh HAHAHA

"Sige" at kumuha nadin ako ng sa akin

At agad na kaming naglalakad

Una kaming pumunta sa mga chocolates

Marami nang nilagay si jelen na ibat ibang klase chocolates sa kanyang cart

Nakalimotan ko chocolates lover pala to

"Kumuha kadin ng sa iyo"

Kaya kumuha nadin ako

Pero hindi marami ang kinuha ko di kagaya sa kanya na ang rami

Sumunod naman kaming pumunta sa mga drinks

Kumuha na sya at ganon din ako

Last naming pinuntahan ang mga prutas

Kumuha sya ng Apple,orange,grapes,at iba pa...

Ang aking kinuha lamang ay grapes,at Apple

Puno nayung cart ni jelen samantalang sa akin ay hindi pa, nakakahiya din kayang punuin to tas sya ang magbabayad, diba?

Medyo nahihirapan na sya sa kanyang cart kaya nakipagpalitan ako sa kanya at sumang-ayon naman sya

Agad na kaming naglalakad papunta sa linya

Hindi naman gaano kahaba ang linya

"4,736 po maam"
Sabi ng cashier kay jelen

Kaya agad namang kumuha si jelen sa kanyang wallet ng pera

Agad niya iyong ibinigay sa cashier. Agad naman syang sinuklian ng cashier

"2,503 po maam"
Sabi naman ng casher sa akin kaya binayaran agad iyon ni jelen

"Ikaw po ang magbabayad sa kanya maam?"
Tanong ng cashier kay jelen, kaya medyo napayuko ako

"Oo"
Maikli niyang sagot

"Ahh okay po"

_________

Agad nang pinaandar ni jelen ang kanyang kotse

"Nasan ba ang iyong bahay?"
Tanong sa akin ni jelen

"Basta ipagpatuloy mo nalang ..sasabihin ko nalang sayo pag malapit na tayo basta pula ang gate"

Tumango na lamang sya

Agad niyang inihinto ang kanyang kotse

Kaya nagtaka ako kung bakit

"Yun ba?"
Kaya tinignan ko naman kung saan sya nakatingin

Nakatingin lang pala sya sa may pulang gate

"Oo"

At binuhay niya ulit ang makina ng kanyang kotse

Itinigil niya ito sa Tapat ng gate

Kaya lumabas agad ako

Kinuha ko agad yung mga binili ko sa mall ay este mga nilibre niya pala

"Sunduin nalang kita mamayang mga alas dose y medya---para sabay tayong pupunta sa heighn university"

"Sige...salamat nga pala sa iyong libre"
Nakangiti kong sabi

"Ano kaba,maliit na bagay"
Nakangiti niyang sagot

Iba talaga pag may pera!

"Sige alis na ako"
Pamamaalam niya

"Pumasok ka muna at kumain muna tayo"
Ngunit umiling-iling lamang sya

"Wag na-- -doon lang ako kakain sa bahay"

"Okay"

"Sige alis na ako---bye"
Sabi niya sabay wagayway sa kanyang isang kamay

Kaya tango na lamang ang tanging naiganti ko sa kanya

At tuluyan na nga syang pumasok sa kanyang kotse at Pinaandar na niya ito

Kaya nagsimula na din akong pumasok dala ang kanyang mga binili sa akin

Agad kong nilagay ito sa lamesa

Nagluto muna ako ng pagkain Pagkatapos ay kumain

Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay biglang tumunog Ang aking cellphone

Kaya agad ko itong kinuha. Si mondraine lang pala

Kaya sinagot ko Agad ito

"Hello---bat napatawag ka?"
Tanong ko sa kanya

"Eh nasan kanaba? Bakit nawala ka dito?"

Shit ang ipinaalam ko pala sa kanya ay pupunta lang kami ng canteen

Pero ano namang paki niya? Tskkkk

"Ohh bat di ka makasagot?"

"Niyaya kasi ako ni jelen----"

"At pumayag ka naman?"
Inis na tanong nito

"Malamang---ehh ano bang paki mo?"

"Tskkkk---manonood paba kayo ng laro namin ngayong ala una?"

"Depende--"

"Anong depende!?"

Ehh galit?

"Tskkkkk"

"Hoy meanieyah! Anong depende! Dapat manood ka sa akin ay este sa aming laro kung hindi may parusa ka talaga sa akin"

May nalalaman pang parusa ang gunggung

"Tatanggapin ko nalang ang iyong parusa"

"Ano!?"

"Pwede ba wag kang sumigaw!"
Inis kong sabi

"Basta kaylangan mong manood,susunduin kita ngayon dyan"
Malumanay na nyang sabi

"Hindi pwede"

"Wala kanang magagawa dahil susunduin talaga kita"

"Wag na,dahil si jelen ang susundo sa akin"

"So manonood ka talaga?"
Halata na nakangisi na ito ngayon

"Dapende padin"
Nakangisi kong sabi

"Haystttt...napaka walang kwenta mo talagang kausap"

"Ang kulit mo ehh"

'Bro tinawag ka ng iyong ina'

'sige'

Dinig ko sa kabilang linya

"Sige na meanieyah ---tinawag na ako nila mom at dad"

"Sige"
At agad kunang ibinaba ang linya

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon