Epilogue

4.1K 49 5
                                    

LUMIPAS ang segundo,minuto,oras,araw at buwan na wala na akong balita kay mondraine...Minsan ay bumibisita din naman dito sa bahay si harold,joshua,kenneth,at jelen.Mas iginugul ko nalang ang aking oras sa pagtratrabaho....Medyo naka move-on nadin ako kay mondraine...Ehh sa hindi nga kami nakaabot ng isang buwan sa aming relasyon ehh...Kung hindi ako nagkakamali ay 27 days lang sa pagiging kami, pero marami na kaming memories na nagawa. Kaya I'll just treasured those memories that we created.

Nagmamaneho na ako ngayon pauwi sa aming bahay...At nang nasa di kalayuan pa lamang ako sa aming gate ay tanaw na tanaw ko ito na bukas ngunit hindi na ako nagtaka pa kung bukas ito kasi minsan ay bubuksan lang ito nila jelen,at harold kapag nandito sila..

At nang nasa Tapat na ako ng aming gate ay agad kong pinarada ang aking motor at dumiretso na sa Pagpasok sa pinto

Nagulat nalang ako ng wala akong kahit na isang taong makita na nakaupo sa sofa

Kaya nagtaka ako...dumiretso nalang ako sa aking kwarto nang makapagpahinga ako tutal busog pa naman ako, ang kaylangan ko lang talaga ay pahinga dahil subrang pagod ko ngayon dahil ang daming costumers

Pagbukas ko sa aking kwarto ay nanlaki nalang ang aking mata nang makita si yashira,angel,jamich,at irene na nakaupo ng pandekwatro sa aking kama Habang magkakrus ang mga braso

Kaya nagsimula na akong kabahan

"Ang tagal mo naman---kanina pa kami naghihintay dito"
Biglang saad ni yashira habang naglalaro sa kanyang daliri

"Anong ginagawa niyo dito?"
Walang emosyong tanong ko kaya tumawa sila

Anong tinatawa-tawa nila?

At bakit kasama nila angel si yashira?

"Upang bisitahin ka"
Tumatawa pang ani angel

"Bakit kasama mo si ate?"
Tanong ko sa kanya kaya lumingon naman sya kay yashira habang nakangisi

"Ate daw oh.... Hahahaha"
Yan lang ang naging sagot ni angel sa akin

"Hindi mo ako ate...kaya dont call me ate..."
Seryosong ani yashira

"Ano Queen...Simulan na nating bugbugin?"
Nakangising ani jamich

Kaya biglang nanlaki yung mata ko

So si yashira pala ang kanilang sinasabi na Queen?

Di kaya'y sya yung Ms.Devil?

Lumingon naman sa kanya si yashira sabay tango

Kaya biglang tumayo silang tatlo

Unti-unti silang naglalakad papunta sa aking gawi kaya ako naman ay todo atras

Sumunod naman sa kanila si yashira

Nanlaki nalang ang aking mata ng lamesa na ang aking naatrasan kaya napangisi sila ng wala sa oras

"Ano ba tong ginawagawa mo angel?"
Kinakababahan kong sabi ngunit pinilit kung wag mautal

Huminto muna silang tatlo at ganon din si yashira

"Bakit tila takot na takot ka?"
Nakangisi padin niyang sabi

"Diba magkaibigan tayo?"
Walang sariling sambit ko

Kaya ng dahil sa aking sinabi ay bigla nalang syang humahalaklak at ganon din sila jamich at irene

"Magkaibigan? Kailan ba kita tinuring na kaibigan?"

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon