*kinabukasan*
Maaga akong nagising kaya bumangon agad ako at naligo
Pagkatapos ay nagsuot lamang ako ng cotton short at gray T-shirt
Agad akong bumaba at nakita ko naman si papa sa labas na naglilinis sa kanyang sasakyan si mama naman ay tumulong kay manang sa pagluto si bronwyn naman ay naglalaro lamang sa kanyang cellphone
"Good morning everyone!"
Maligayang bati ko sa kanilaKaya tumingin sila sa akin maski si papa
Medyo napalakas kasi ang aking boses
"Mukhang maganda gising natin nak huh?"
Pang-aasar ni mama
"Oo ma...nakatulog kasi ako ng maaga"
"Sabi mo eh"
"Ma...may naluto na po ba kayo?"
"Nagluto ako ng paborito mo anak, brownies..."
Oo paborito ko talaga Ang brownies simula bata palang ako. Kaya kinuha naman ni mama ang kanyang nilutong brownies
"Ito oh"
Sabay abot sa akin ni mama. Kaya agad ko itong kinuha. Umupo ako sa isang silya at kumain. Biglang lumàpit sa akin si bronwyn"Kuya pahingi"
Medyo nakapout nyang sabiButi pa sya cute pero ako gwapo lang.Hahahaha
"Oh ito isa lang"
Sabay abot ko sa kanya ng isang brownies"Bakit isa lang...ang unfair mo kuya,ang dami ng sayo tas sakin isa lang"
"Ako ang kuya mo kaya mas marami ang sakin"
Pagdadahilan ko"Mama...itong si kuya ohh isa lang ang binigay sakin"
Pagsusumbong ni bronwyn"Bigyan mo mondraine...wag kang madamot"
Tskkk kaya no choice ako...binigyan ko sya ng tatlo at tatlo nalang din ang sa akin
"Oh ayan fair na tayo!"
Medyo inis na sabi ko. Ngunit tumawa lamang syaAbnoy!
Pagkatapos kung kumain ay namaalam agad ako sa kanila na pupunta ako sa keshua restaurant
Di ko sinabi sa kanila ni mama na anniversary namin ngayon ni jamilla
Tinawagan ko sila Joshua,kenneth,at harold na papuntahin Dito para tulungan ako
Hinanda ko ang mga gamit para sa gagamitin sa pag set. Dumating na si harold
"Heyyy bro"
Biglang sabi niya"Hey"
"Magpapatulong sana ako sa inyo sa pagset-up ng date namin ni jamilla ehh"
"Oo naman game ako dyan"
Nakangiting sabi ni haroldAt sabay na dumating si joshua at Kenneth
"Anong maipaglilingkod namin mondraine?"
Nakangising tanong ni Joshua sa akin"Magpapatulong kasi sana ako sa inyong tatlo sa pagset-up ng date namin"
"Walang problema"
Nakangiting sabi ni Kenneth"Sino paba ang magtutulungan? Ehh tayong mga magkakaibigan lang din"
Sabi naman ni JoshuaKaya agad naming sinimulan ang pag set-up. Hapon na kaming natapos sa pagset-up. Agad akong pumunta sa CR at nagbihis
Pagkatapos ay agad ko namang tinawagan si jamilla
"Hello babe"
Nangibabaw ang boses ni jamilla sa kabilang linya"Pumunta ka dito sa keshua restaurant"
"Bakit babe?"
Tanong niyaWag mo sabihing nakalimotan niyang anniversary namin?
Tskkkkkkkkk
"Basta pumunta kalang Dito"
Malumanay na sabi ko"Sige"
Pagkatapos ng pag set-up namin ay namaalam na ang tatlo na umuwi
"Bro,uwi na kami"
Pamamaalam ni harold"Sige bro ,salamat pala sa inyong pagtulong"
"Ano kaba walang anuman,maliit na bagay"
Nakangiting saad ni joshuà"Sige bro alis na kami"
Ani Kenneth"Sige"
At agad na silang umalis papalabas kaya ako naman ay nag hintay lang din kang Jamilla
Nung may huminto na kotse ay alam kung ka jamilla iyon kaya napangiti nalang ako ng wala sa oras. Bigla syang bumaba
Shit ang ganda niya, subra
Naka blue dress sya na above the knee kaya kitang-kita ang mga mapuputi niyang hita
At nang makarating na sya dito sa aking kinatatayuan ay agad ko syang binati
"Hi babe"
Nakangiti kong Bati sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha"Hello"
Mukhang walang gana niyang sabiBakit hello lang?
Bakit nawala ang tawagan namin na babe?
Tskkkkkkkkk
"Tara na?"
Nabalik ako sa reyalidad ng magyaya sya sa akin na pumasok naKaya agad kong kinuha ang tela Dito sa aking bulsa at agad tinakpan ang kanyang dalawang mata
"Babe! Ano bato? Bakit tinakpan mopa ang mga mata ko?"
Biglang inis na sabi niya kaya nagulat ako sa reaksyon niya"Basta babe"
Yan nalang ang nasabi koHindi na sya nagsalita pa kaya nagsimula na kaming naglalakad. Inaalalayan ko sya papunta sa may garden
At nang makarating na kami sa mismong table ay bigla kong kinuha ang takip sa kanyang mga mata
"Babe? Ano bang meron?"
Pinigilan kong wag tumulo yung mga luha ko"Happy anniversary babe"
Nakangiti kong sabi kahit may kirot sa aking puso"Haluhhh babe,nakalimotan ko sorry"
Hindi nga ako nagkamali nakalimotan niya nga
"Okay lang babe"
Pilit na ngiting sabi koPinatugtug na ang theme song namin na ikaw lang ang mahal ko
"Sayaw tayo?"
Yaya ko sa kanya"Wag na"
Nagulat ako sa sinabi niya"Bakit babe?"
Nag-alalang tanong ko"Kasi may gusto sana akong sabihin sa iyo"
Pagkatapos niya yung sabihin ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso
"Ano ba ang sasabihin mo?"
Kinakabahan kong tanongTo be continued...
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
ActionIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...