This chapter is dedicated to melcerilliana13 and
cortescyraMeanieyah POV,
Biglang dumating si harold sa bahay
"Meanieyah handa kana ba?"
Saad niya"Bakit Saan ba tayo pupunta?"
Nagtatakang tanong ko"Sa mall bibili ng bago mong cellphone"
Oo nga pala,nakalimutan ko
"Sige magbibihis muna ako"
Tumungo lang sya kaya agad akong pumunta sa aking kwarto at nagbihis agad ang sinuot ko lang ay Isang Jogger pants na black tas jacket na white tas pinarisan ng rubber shoes na white
At agad ko namang tinali ang aking medyo mahabang buhok. At agad na akong lumabas
"Tara na?"
Yaya ko sa kanya"Ang init kaya tas mag jajacket ka?"
Pakialamero masyado
"Tskkkk"
At umuna nang lumabas. Sumunod naman sya"Sumakay ka nalang sa kotse ko"
Turan niya"Wag na may motor naman ako"
"Sumakay ka nalang para makasave ka sa gasolina"
"Sige na nga" Sabi ko sabay pasok sa kanyang kotse. Sa back seat ako sumakay
At agad naman syang sumakay at sinimulan ng pinaandar
Nakatingin lamang ako sa mga view na aming madadaanan
"Bakit ka nga pala natagalan?"
Sabi ko kasi hapon na kasi eh"Ahh tinulungan pa kasi namin si mondraine sa pagset-up para sa kanilang date"
Malumanay na sabi niya"Kaya pala"
Yan nalang ang nasabi ko. Pagdating namin ay agad akong lumabas. Kaya agad kaming pumasokDumiretso kami sa mga cellphone
Ang gaganda
"Nakapili kanaba?"
Umiling-iling lamang ako"Pumili kana kasi mag-gagabi na"
"Sige"
Merong isang cellphone na nakakaagaw ng aking atensyon hindi sya gaano lalaki yung sakto lang talaga. Ang kanyang kulay ay blue
"Harold nakapili na ako" biglang sabi ko
"Saan dyan ang Napili mo?"
"Ito oh"
Sabay turo sa cellphone na blue"Magkano bato miss"
Tanong ni mondraine sa isang babae"10,999 po sir"
Sh*t ang mahal
Kaya kinuha agad ni harold ang kanyang wallet na nasa kanyang bulsa. Agad syang kumuha ng pera
"Ito miss"
Sabay abot ni haroldKaya kinuha agad nung babae ang cellphone na nagustuhan ko. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang sinabi nung babae
"Ang swerte niya noh? Binilhan sya ng kanyang nobyo ng cellphone...sana ganyan din ang aking boyfriend"
Sabi nung isang babae at mukhang kami ang kanyang tinutukoy
"Oo nga ehh pero ang pangit niya tas ang gwapo ng kanyang nobyo...ano bang nagustuhan ng kanyang nobyo sa kanya? Tas tignan mo nga yang suot niya oh halatang pang mahirap kaya hindi makabili ng bagong cellphone"
Sagot naman nung isang babae"Wag mo nalang silang pakinggan"
Malumanay na sabi ni haroldTskk napagkamalan pa talaga kaming magjowa
Mga issue maker masyado
Tinignan ko ang dalawang babae na nag-uusap at sinamaan ng tingin pero tinarayan lamang nila ako
"Ito na yung phone mo oh"
Sabi ni harold sabay abot ng binili niyang cellphone"Salamat"
"Walang anuman"
Nakangiti Nyang sabi"Bilhan muna natin yan ng sim card"
"Sige"
Maikli kong sagotAt agad naman kaming bumili ang binili niya na sim card ay TM at kinuha naman niya ang number ko at sinave iyon sa kanyang cellphone
"Tara na?"
Yaya niya sa akin"Sige" at agad na kaming lumabas. At pagkalabas namin ay pumasok agad kami sa kotse
Agad naman niyang pinaandar. Pagkarating namin sa bahay ay agad akong lumabas dala ang cellphone na kanyang binili
"Salamat talaga"
"Ano kaba,walang anuman"
Nakangiti niyang sabi. Ang bait talaga niya kahit kailan"Sige alis na ako"
"Kumain muna tayo"
"Wag na,doon kasi ako kakain sa bahay ehh umuwi kasi sila mama at papa eh"
"Sige..."
"Sige alis na ako"
Nakangiti niyang sabi kaya tinanguhan ko na lamang syaKumaway muna sya sa akin bago tuluyan nang pumasok sa kanyang kotse. At ako naman ay tuluyan nading pumasok sa bahay
Agad ko namang inilagay sa lamesa ang cellphone na binili ni harold. At agad akong nagluto ng pagkain. Pagkatapos ay kumain na ako
Agad kong kinuha ang aking cellphone at pumasok sa aking kwarto. At sinimulan ko nang iopen ang aking cellphone
Pero walang Facebook na apps kaylangan ko pang magdownload
Nang may biglang tumawag sa akin
"Oh hello harold"
Sabi ko"Pwede bang puntahan mo muna si mondraine sa bar? Ang lasing nadaw kasi ehh..."
Shit ang kaaway ko pa talaga at hindi kopa talaga mahihindian si harold kasi binilhan niya ako ng cellphone
"Bakit hindi sila joshua o si Kenneth ang papuntahin mo?"
"Tinawagan ko nà sila kaso busy daw sila sa keshua restaurant kasi madami daw na costumers kaya ikaw nalang ang tinawagan ko, wala na kasi akong mapagkakatiwalaan na iba"
"Sige pupunta ako don,saang bar nga pala sya?"
"Sa fidabe's bar"
"Sige"
Sabay end callShit hindi nga pala ako pumasok sa trabaho. Kaya kong pinalitan ang aking damit na suot
Agad akong lumabas at sumakay sa aking motor at pinaharorot iyon papunta sa fidabe's bar.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
ActionIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...