Nagising ako dahil sa may bumusina sa labas
Kaya nagmamadali kong binuksan ang gate
Nagulat ako sa aking nakita
Bakit nandito tong gunggung nato?
May nalalaman pa syang 'mukhang distorbo lang pala ako kaya sorry....
Oo distorbo talaga sya! Distorbo sa aking tulog
"Ohh wag mo sabihing natulala ka sa aking kagwapuhan?"
Mas mayabang pa pala to sa akin ehh
"Tsskkkk...Ba't kanga pala nandito?"
Inis kung sabiSinira niya yung tulog ko ehh
"Kasi susunduin ka"
Nakangisi nitong sagot"Sino bang nagsabi sayo na sunduin mo ako?"
Kaya ang kaninang maliwanag nitong mukha ay biglang nag-iba
"Bakit hindi kaba manonood ng laro namin?"
Malungkot nitong sambit"Hindi"
Maikli kung sagot"Bakit naman?"
"Dahil pagod ako"
"Sige na,manood kana sa laro namin...para naman maging maganda ang laro ko...plsss"
Pagmamakaawa nito"Tskkkk----Hindi mo ako madadala sa mga ganyang kadramahan mo ---mondraine"
"Ano bang gusto mo? Halik?"
Nakangisi nitong sabi"Tskkkk----umalis kana baka hindi kana umabot sa laro niyo"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka manonood"
Ano na naman bang kadramahan to?
"Sige...hintayin mo nalang ako dyan--maliligo muna ako at kakain"
"Sasabay ako"
Kaya nagtaka ako
"Saan?"
"Sa pagligo mo"
Nakangisi nitong sabi"Manyak!---gusto mo nito?"
Sabi ko sabay pakita ng aking kamaoNgunit ngumisi lamang ito
tskkk
Hindi ko na sya nilingon pa at nagpatuloy nalang sa aking paglalakad papunta sa banyo
Agad akong naligo. Ang aking sinuot ay Short na panlalaki at malaking T-shirt
Pagkatapos ay agad akong kumain
"Hindi mo ba ako yayayain na kumain?"
Pumasok pala to kala ko maghihintay lang to sa labas
"Hindi, kasi alam ko naman na tapos kanang kumain"
At nagpatuloy nalang sa pagkain
"Hahahaha"
Tawa niyaAgad kong hinugasan ang aking kinainan
"Tara na?"
Yaya niya sa akinKaya tumango naman ako
Umuna syang naglakad papalabas at sumunod lang din ako
Bakit ba napasama ako ng lalaking to?
Tskkkkk
"Sumakay ka nalang sa aking kotse"
"Sige"
Agad akong sumakay sa kanyang kotse. At agad Niya itong pinaandar
Agad kong kinuha ang aking cellphone na nasa aking bulsa at agad dinial ang number ni jelen
Sinagot din niya naman agad ito
'Hello meanieyah,bakit napatawag ka?'
Bungad na tanong niya sa kabilang linya'Gusto kasi sana kitang yayain na manood ng laro nila Kenneth'
Sinadya kong si Kenneth ang sinabi ko kasi may gusto nga ito kay jelen
Gusto ko na mapalapit ang dalawa kasi support lang din naman ako sa kanila
'Sige---San ba gaganapin ang laro?'
'Sa heighn university'
'sige---Hintayin mo nalang ako don....Tatawagan nalang kita pag nakarating na ako para masundo mo ako---di ko pa kasi kabisado yang paaralan nayan ehh'
'sige'
At agad na niyang ibinaba ang kabilang linya
"Nandito na tayo"
Kaya inilibot ko agad ang aking paninginAng dati kong paaralan. Agad na akong lumabas at ganon na din si mondraine
Agad na kaming naglalakad papasok. Wala pading pinagbago, kagaya parin ito ng dati.
Tinignan ko ang mga dati kong estudyante at mukhang diring-diri ito sa akin
"Girl ang gwapo nong boy oh...
Tas si meanieyah ang kasama---Ang pinakapanget... Hahahaha"
Tumatawang sabi ng isang babaeHindi ko nalang pinansin bawat sabi-sabi nila bagkus ay nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad
Agad kaming dumiretso sa pwesto nila ni harold
Sa di kalayuàn ay natanaw kuna sila harold na nagprapraktis ng pag shoot ng bola
Pagdating namin sa kanila ay agad nila kaming binati
"Oh hi mondraine---hi meanieyah"
May halong pang-aasar ang tinig ni Joshua kaya sinamaan sya ng tingin ni mondraine ngunit tumawa lamang ito"Hello"
Nakangiti kong sabi"Mag praktis muna kayo habang hindi pa nagsisimula"
Sabi ni coach kaya agad silang naglalakadNagpraktis lang sila ng free throw
Umupo nalang din ako sa isang bench
Biglang vibrate yung cellphone ko kaya agad ko itong tinignan dahil baka si jelen na ito
Pagtingin ko ay si jelen nga.
Text lang pala. Kaya binasa ko agad ang textAt nandyan na pala sya sa labas kaya namaalam muna ako kay mondraine at sa iba pa na lumabas muna upang sunduin si jelen
Agad akong naglalakad palabas. Di parin nakaiwas sa aking pandinig ang bulong-bulungan ng mga estudyante.
Pagdating ko sa labas ay agad kong nakita si jelen
"Oh sorry kung natagalan ako sa pagsundo sayo...namaalam pa kasi ako sa kanila ehh"
"Okay lang... Tara na?"
"Sige---at mukhang excited kanang makita si Kenneth huh..."
Pang-aasar ko sa kanya"Tskkkkk" singhal niya pero imbis na sumagot at nginisihan ko na lamang sya, at naglalakad na kami papasok
To be continued...
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
ActionIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...