Chapter 79

2.9K 46 1
                                    

Agad naman syang umupo sa sofa at ako naman ay agad ding nilagay ang binili kong cake sa ref at pagkatapos ay Pumasok na ako sa kwarto

Paglabas ko sa kwarto ay nandon padin sya habang nakapandekwatrong upo at busy sa kakapinpindot-pindot sa kanyang cellphone

At nang namalayan niya naman siguro ang presensya ko ay bigla itong tumingin sa akin

"Hindi kapaba uuwi?"
Walang emosyon kong tanong sa kanya ngunit natawa lamang sya at umiling-iling

"Hindi kapaba magluluto?"
Baling na tanong nito sakin

"Hindi"
Sagot ko sa kanya

"Okeyyy"
Sagot nito habang nakatingin na naman sa kanyang cellphone

Kaya tinabihan ko sya sa sofa medyo nanlaki pa ang kanyang mata ngunit nginitian ko lamang sya

"Kailan kapa uuwi?"
Saad ko Habang nakatingin lamang sa kusina

"Kapag nakakain na ako"
Kaya nanlaki ang aking Mata at agad napatingin  sa kanya

"Sige ba...magluluto na ako nang makaalis kana"
Kaya natawa nalang sya sa aking inakto

Agad akong tumayo at dumiretso sa kusina

Agad akong nagluto Pagkatapos ay hinanda ko agad ito sa lamesa

Tinawag ko naman sya ng makakain na kami kaya heto kami ngayon kumakain

Nasa harap ko sya Habang titig na titig lamang sa pagkain at nagsimulang sumubo

"Ang sarap"
Walang sariling sambit niya habang nakatingin sa'kin

"Tsh!"
At nagpatuloy na sa pagkain...tinupad naman niya ang kanyang sinabi na pagkatapos niyang kumain ay uuwi na sya

Kaya heto ako ngayon humihiga na sa aking kama Habang hinintay ang tawag ni mondraine ngunit dumaan nalang ang ilang oras hindi padin sya tumawag kaya naisipan ko na ako ang tumawag

Nakailang missed calls muna ako bago niya sinagot

"Oh bat ka napatawag?"
Nangibabaw niyang boses sa kabilang linya

Subrang miss na kasi kita

Ngunit iba ang aking nasabi

"Gusto ko lang kasi bumati sayo na Happy birthday"
Nakangiti kong saad

"Bukas pa ang birthday ko kaya bukas ka bumati"
Nagulat ako sa naging sagot niya..ngunit diko lang pinahalata ..Hindi ko ito inaasahan

"Ah ehh Sige...Anong oras nga pala magsisimula ang iyong birthday party?"

"7:00 pm"

Ang ikli na talaga ng mga sagot niya...Tuluyan na nga syang nagbago

"Okeyyy"
Walang gana kong saad sabay baba ng telepono

Ang sakit lang isipin na ang dating mondraine na nakasanayan ko ay unti-unti nang naglalaho at nagbabago

Natulog na naman ako ng malungkot

KINABUKASAN ay maaga akong nagising kaya nagluto agad ako ng makakain, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang humiga lamang sa kama hanggang  maghapon

_____
Hapon na kaya agad akong nagbihis ng dress na kulay black na hapit na hapit sa aking katawan hanggang tuhod lang ito agad din naman akong naglagay ng mumunting make-up sa aking mukha

Agad kong itinali ang aking buhok upang malinis tignan ang aking mukha pinarisan ko naman ang aking dress ng flat shoes

Tinignan ko ang aking relo at 6:35 pm na pala kaya agad na akong lumabas sa bahay habang bitbit ang cake at ang aking regalo

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon