Chapter 41

3.3K 63 1
                                    

Pagdating niya sa harap ko ay agad niya akong hinampas pero nasalag kodin ito gamit din ang aking Walis

Ginawaran ko sya ng pekeng ngiti. Agad niya akong sinipa sa tyan kaya natumba ako

Tatadyakan na sana niya ako ng bigla akong nagpagulong-gulong sa damuhan. At nang makakuha ako ng tyempo ay tumayo agad ako

Tumakbo nanaman sya papunta sa akin. At nang malapit na sya sa akin ay bigla akong umupo at iniharang ang isa kung paa kaya napahiga sya. Agad naman akong tumayo at tumalon sa kanyang tyan

Kaya heto ako ngayon nakapatong sa kanyang tyan at sinakal sya sa leeg. Namimilipit nasya sa sakit pero hindi padin ako umalis sa pagkakapatong

"Ano ba! Umalis kana nga sa pagkakapatong sa akin...halos hindi na ako makahinga" medyo pahina ng pahina ang kanyang boses

Pero imbis na umalis ay mas lalo kung binigatan ang pagkakapatong sa kanya. Bigla akong natumba ng bigla syang naging malikot. At agad naman syang tumalon sa aking tyan

At sya naman ngayon ang nakapatong. Ramdam ko ang kanyang bigat at sakit. Sinakal niya din ako kagaya ng ginawa ko sa kanya. Mas binigatan niya pa lalo kaya mas lalo ding sumakit. Halos hindi nadin ako makahinga

Sinubukan kung gumulong sa sahig ngunit di ko magawa. Kaya hinawakan ko ang kanyang hita na nasa aking tyan at pilit na inalis sa pagkakapatong sakin

"Ano? Masakit ba? HAHAHAHA"
Mukha syang demonyo na tumatawa. Hindi ko nalang sya sinagot

May biglang sumigaw kaya nagulat kami kaya biglang umalis si angel sa pagkakapatong sakin

"Hoyyyyy!"
Sigaw sa amin

Shadow lamang ng isang lalaki ang aming nakikita ni angel nandon kasi ang lalaki sa madilim na parte kaya di namin makita ang kanyang mukha at katawan

Pero tila unti-unti itong naglalakad hanggang sa mapunta na sya sa liwanag. Nagulat ako ng mapagtanto kung sino ito

Si mondraine


Mondraine POV,

Habang humihiga ako sa aking kama ay bigla kong naalalala ang aking wallet

Tskk patay naiwan ko pala ito sa court

Patay ako kapag nawala yun...lagot talaga ako kay mama at papa at nandon din ang aking pera

Kaya agad akong nag jacket at nagmamadaling bumaba. Nakità ko sa baba si manang na umiinom ng tubig

"Oh saan ka pupunta iho? At tila nagmamadali ka"

"Naiwan ko kasi ang aking wallet sa court sa school namin manang"

"Ahh ganon ba iho,sige mag-ingat ka"

"Salamat Manang"

At lumabas na agad ako at nagmamadaling  pumasok sa aking kotse at Pinaandar agad iyon

Pagdating ko sa school ay mukhang wala nang tào. Lumabas agad ako sa aking kotse at maliwanag naman sa labas pero pagpasok ko ay madilim na

Sa di kalayuan ay natanaw ko si angel at meanieyah

Nandito lamang ako sa dilim pero nakita ko sila kasi maliwanag ang canteen. Nakapatong si angel kay meanieyah

At tila namimilipit na si meanieyah sa sakit at subrang pawis na niya kaya sumigaw ako

"Hoyyyyy!"
Pagkatapos kung sumigaw ay dali-daling bumaba si angel sa tyan ni meanieyah

Kaya agad akong naglalakad papunta sa kinaroroonan nila

Tila si meanieyah ay gulat na gulat nang makita ako at ganon din si angel

"Anong ginagawa niyo....At bakit kayo hindi pa umuwi?"

"Tskkk...pakialamero"
Mahinang sabi ni meanieyah pero dinig na dinig ko ito

"Ehh, ikaw ano ding ginagawa mo Dito?"
Mataray na sabi ni angel

"Naiwan ko kasi ang aking wallet kaya kukunin ko" napakamot nalang sa ulo si meanieyah

"Umuwi na kayo kung ayaw niyong masumbong kang maam nica na nag-aaway na naman kayo...gusto niyo ba isumbong ko kayo?"

"Sinong tinatakot mo?"
Malamig na sabi ni meanieyah

Diba dapat ay magpasalamat nalang sya kasi kung hindi ako dumating ay nalagutan na sya ng hininga

"Kayo...alangan naman ako"
Pamimilosopo ko sa kanya. Nakakainis talaga ang babaeng ito

Hindi kuna sila pinansin

Bahala na sila dyan kahit magkamatayan pa sila

Ang aking Wallet ang ipinunta ko dito

Haystttt

Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad lumingon ako muli ngunit wala na sila

Pagdating ko sa court ay agad kong kinuha ang aking wallet na nasa sementong upuan

Pagkatapos ay nagmamadali na naman akong lumakad papunta sa gate

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon