Chapter 73

2.7K 37 0
                                    

Meanieyah POV,

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ni mondraine at namalayan ko nalang na sinagot ito ni mondraine

Nakikinig lamang ako sa kanilang pag-uusap

Mukhang si yashira ang tumawag

At namalayan ko nalang na bumangon si mondraine kaya iminulat ko ang aking isang mata at tinignan sya

Minabuti niyang wag gumawa ng ingay at nang tuluyan na nga syang makalabas ay bumangon nadin ako at lumabas

Sinundan ko si mondraine pero di ako nagpahalata sa kanya patuloy lang sya sa kanyang paglalakad palabas

Pagdating ni mondraine sa pinakadulo na bench ay Huminto sya at nandon si yashira nakaupo sa isang beach chairs..dalawa ang beach chairs at ang gitna nito ay ang malaking umbrella at umupo si mondraine sa isa

Nandito lang ako ngayon nakatago sa isang niyog

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin"
Panimula ni mondraine

Heto ako nakikinig lamang sa kung ano ang sasabihin at pag-uusapan nila..

"Wala"
Maikling sagot ni yashira habang nakangisi na animoy may binabalak na masama

"Ehh kung ganon aalis na ako"
Ani mondraine

"Wag mondraine!"
Sabay pigil ni yashira sa braso ni mondraine

"Panira ka ng tulog ko"

Ngunit hindi na sya sinagot pa ni yashira bagkus ay hinalikan sya kitang-kita ko sa mukha ni mondraine ang pagkagulat

Biglang tumulo ang aking mga luha at muling naikuyom ang aking mga kamao

Peste ka kahit kailan yashira!

Galit na galit na ako pero imbis na mag eskandalo ay umalis nalang ako

Hindi kuna hinintay pa ang sunod na gagawin nilang dalawa bagkus ay nagmamadali akong umalis

Bumalik ako sa nilalakaran ko at napadpad ako sa tabing dagat malapit sa may kalakihang bato

Biglang may mga yabag ng paa na papalapit sa akin kaya nagulat ako kung sino ito

Agad kong pinahid ang aking mga luha

Kaya nilingon ko ito upang makita kung sino at si harold lang pala ito

"Bakit nga pala gising kapa?"
Bungad na tanong ko kay harold

"Ahh nagising ako ehh kaya naisipan ko nalang na pumunta Dito sa tabing dagat at natanaw naman kita dito kaya pinuntahan kita"
Saad niya sabay tanaw sa nagniningning na tubig

"Ang ganda"
Walang sariling sambit niya

Oo ang ganda nga

"Ehhh ikaw bakit kanga pala nandito?"

"Ahhh gusto ko lang magpahangin at tignan ang buwan sa kalangitan"
Pilit na ngiti kong turan at sabay tingin sa buwan

"Ahhh--- are you a selenophile?"

"Uhmmmm"
Napatango kung sabi

"Ako naman ay thallasophile,a person who loves sea or ocean"
Nakangiti niya pang sabi

"Ahh si mondraine nasan?"

"Nandon natutulog
Pagsisinungaling ko

"Ahhh okay"



The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon