Sila na naman ito. Yung nakasuntukan ko kagabi dito. Binalikan pa talaga ako ng mga hayop nato
Pero ngayon ay may mga dala na silang kutsilyo
"Angel bakit kasama mo Yan?"
Biglang tanong ng isaKilala niya si angel?
Kasali din ba si angel sa gang?
"Kasi kaibigan ko sya" nagulat ako sa kanyang sinabi. Naski yung lima ay nanlaki yung mata sa sinabi ni angel
"Kaibigan? Diba sya yung sinasabi mo sa aming kaaway?"
Posible kayang si angel ang nag-utos sa kanila na bugbugin ako kagabi?
"Pero kaibigan ko na sya ngayon ardo"
So ardo pala ang pangalan ng mayabang na iyan
"Kaya wag niyo syang saktan...Umalis na kayo" mautowridad na sambit ni angel
"Alam mo ba? Na binugbog niya kami kagabi?"
Tanong ni ardo kay angel kaya nagulat si angel"Binugbog mo sila?"
Baling na tanong sa akin ni angel"Manyak kasi ehh"
Walang gana kong sagot ng hindi man lang inalis ang aking tingin sa nagngangalang ardo"Kaya din pala eh...Hindi padin pala kayo nagbago sa pagiging manyak niyo"
Ani angel sa kanila...di ko alam kung nagbibiro lang ba sya O anoNgayon ko nakikita ang good side ni angel
"Kasi angel ehh...Ang pangit nga niya pakipot pa"
Sabi ni ardo"Ehh ikaw gwapo kaba?"
Tinaasan sya ng kilay ni angel"Medyo"
Kaya napatawa kami at lalong-lalo na ang kanyang kasamahan na apat
"Anong tinatawa-tawa niyo?"
Medyo naiinis na niyang sabi"Kahit kailan napakasinungaling mo talaga"
Medyo natatawang sabi ni angel"Ikaw nalang ang umalis angel kasi gusto pa naming maghiganti sa kanya...Kasi mas lalo kaming ginaganahan ehh"
Nakangising sabi ni ardo"Wait lang"
Sita ko sa kanila"Bakit natatakot kaba?"
Nang-aasar na sabi ng kanyang isang kasamahan"Para sabihin ko sa inyo wala syang kinatatakutan...nakalaban ko na nga yan ehh"
Seryosong sabi ni angel"Hahahaha...Basta pangit pala wala kang kinatatakutan?" Tumatawang sabi ni ardo
"Ehh bakit ikaw may kinatatakutan?"
Nakangisi kong sabi. Kaya nainis ito"Ano!?"
"Sino nga pala ang leader ng gang na sinalihan niyo?"
Seryoso kong sabi sa kanila"Bakit gusto mo bang sumali?hahahaha"
Peste talaga tong si ardo
"Tinatanong ko lang...."
"Hindi namin alam eh...kasi kapag pumapunta sya sa aming head quarters ay hindi niya pinapakita ang kanyang mukha...kaya wala pang nakakilala sa kanya kung sino sya"
Sagot naman ni angel sa akin kaya tumango-tango nalang din ako
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
ActionIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...