Meanieyah POV,
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nagluto. May biglang bumusina sa labas kaya pinuntahan ko ito. At si harold lang pala
Binuksan ko sya sa gate at sabay na kaming pumasok sa loob
"Bakit kanga pala naparito?"
Tanong ko sa kanya"Para ipaalam sayo na pwede kanang magsimula ngayong Gabi sa iyong trabaho"
"Ahhh ganon ba,sige"
"Bakit nga pala hindi mo sinagot yung mga tawag ko?"
"Ahh nasira kasi yung phone ko,kaya pano ko sasagutin?"
"Bakit naman nasira?"
Nagtataka niyang tanong"Bakit mo naman gustong malaman?"
Baling na tanong ko sa kanya"Sagutin mo nalang"
"Kasi ng dahil kay mondraine---"
"Ano!"
Biglang sigaw niyaGrabe naman ang reaksyon nito
"Patapusin mo muna ako ,pwede?"
Tumango naman ito"Binunggo niya kasi ako kaya nahulog yung phone ko at ayun nasira"
Kaya ang kanina niyang mukha na masaya ay napalitan ng galit"Walang hiya talaga yung mondraine nayun! Binubully kapa ba niya?"
"Hindi na gaano"
"Wag kang mag-alala kakausapin ko sya na titigilan kana sa pagbubully"
Hindi nalang ako sumagot"Halika na,sabay na tayong kumain"
Yaya ko sa kanya"Sige,at nang maihatid kita sa bago mong tratrabahuan"
Nginitian ko na lamang sya. At nagsimula na kaming kumain"Wag kang mag-alala,bibilhan kita ng bagong cellphone" Kaya nabulunan ako
"Ito tubig"
Sabay abot niya sa akin. Kaya ininum ko agad ito"Wag na,mag-iipon nalang ako para sa aking pambili"
"Wag na,ako nalang.Ipunin mo nalang ang iyong pera para sa tuition mo sa school...Pero maliit nalang ang babayaran mo na tuition kasi fourth grading kana nakapagtransfer eh"
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Ang bait niya talaga
"Sige salamat"
"Sa linggo tayo bibili ng bago mong phone"
"Sige salamat"
Pagpapasalamat ko muli"Ano kaba ,walang anuman"
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa keshua restaurant
Pagdating namin don ay ang daming costumers. Tinignan ko ang mga table at halos lahat ay puno
Sikat din pala tong restaurant nato. Umupo kami ni harold sa isang table
At sa di kalayuan ay natanaw ko si Kenneth at Joshua na naglalakad papunta sa table namin
At nang makarating na sila sa table namin ay nginitian niya ako. Shit ang gwapo ng dalawa
Trabaho ang ipinunta mo Dito meanieyah hindi ang humanap ng gwapo
"Hi meanieyah"
Nakangiting bati sa akin ni Kenneth at joshua
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
ActionIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...