Chapter 17

4.1K 88 1
                                    


Maaga akong nagising at agad na bumangon at pumunta sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay nagbihis agad ako

Pumunta ako sa salamin at nagsuklay sa aking buhaghag na buhok

Maganda naman ako ahhh...

Mukha nga lang manang manamit at ng dahil sa aking buhok mas lalong mukha akong manang.

Lumabas na ako galing sa aking kwarto at agad pumunta sa kusina upang magluto

Inihanda ko agad Ang aking mga niluto sa lamesa. At agad akong umupo sa isang silya. Kumain lamang ako ng tahimik

Pagkatapos ay agad akong naghugas ng aking mga pinagkainan

Pagdating ko sa school ay agad ko namang pinarada ang aking motor sa labas ng gate

Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Jelen. Buti nalang at sinagot niya

"Hello jelen"

"Oh bakit?"

"Nandito kana ba sa school?"

"Ahh wala pa"

"Ahh sige mamaya kita nalang tayo sa canteen"

"Sige"

At agad kong inend call

Ilalagay kuna sana sa bulsa ang aking cellphone ng may biglang bumunggo sa akin

Kaya natumba ako kasabay ng pagkahulog ng aking cellphone

Shit ,,,,

Tinignan ko kung sino ang nakabunggo sa akin at hindi nga ako nagkamali si mondraine ito

Si mondraine na kinaiinisan ko

Kaya kinuha ko ang aking cellphone at sh*t hindi na gumagana

Lagot ka ngayon sa akin mondraine!

"Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo huh!?"
Sigaw ko sa kanya pero ngumisi lamang sya na syang mas kinaiinis ko

"Oo"
Nakangising sagot niya.

Pesteng mondraine to. Pero imbis na makipag-away ay umalis nalang ako dahil ayoko ng gulo

Peste sira nayung araw ko ng dahil sa mondraine nayun

Pagdating ko sa classroom ay agad akong umupo at kinuha ang aking cellphone

Shit hindi na talaga gumagana hindi na ma open ...

Nasira na. Wala pa naman akong pambili ng bago, wala pa naman akong pera, put*inga talaga

Agad naman syang dumating at umupo sa aking tabi. Nakangisi padin ito pero hindi ko nalang pinansin

Dumating na ang teacher namin

Sa kalagitnaan ng discussion ni maam ay may biglang dumating na lalaki

"Excuse me maam,ngunit pwede po bang I excuse si mondraine? May meeting po kasi sila ng kanilang coach"

"Oo naman"
Sagot ni maam

Kaya agarang tumayo si mondraine at sumunod don sa isang lalaki

Haystttt salamat at wala nang mang-iinis sa akin

"Bakit nakangiti ka dyan?"

Nagulat ako sa nagsasalita ,shit may katabi pa pala ako at si Drake ang aking katabi na isa

"Ano bang paki mo?"
Mataray kong sabi

"Hahahaha"
Biglang tawa niya

Baliwwwwww,,,,

Agad akong pumunta sa canteen at doon ko nalang hihintayin si Jelen. Ngayon lang ako nakalakad ng mapayapa at matiwasay

Pagdating ko sa canteen ay nakita ko agad Ang grupo nila angel sa isang table

Kaya agad akong pumunta sa counter para mag order. Hindi gaano kahaba ang linya kaya mabilis akong naka order

Agad akong naglalakad dala ang aking order papunta sa isang table

Nang may biglang bumangga sa akin at nang tinignan ko kung sino ay si angel

Kaya ang binili kung spaghetti at lemon juice ay tumilapon sa sahig at kasabay non ang pagbagsak ko din sa sahig kaya napunta sa aking damit ang aking binili na spaghetti at nabasa din ito dahil sa aking lemon juice

Pesteng angel to

"Hahahaha,ang lampa mo girl"
Tumatawang sabi niya

"Hahahaha"
Tawa ng kanyang mga kaibigan

Kaya tumayo naman ako at yung mga spaghetti sa aking damit ay kinuha ko ito at ibinato kay angel at sa kanyang dalawang kasama na sina irene at jamich naging madumi din ang kanilang damit

Para fair...

Merong dalang juice si angel kaya kinuha ko ito sa kanyang kamay at ibinuhos ko iyon sa kanyang ulo

Mukhang nagulat pa sila sa aking ginawa

"Walang hiya ka!"
Sabi ni angel sabay sampal

Shit ang sakit non huh!

Lintik lang ang walang Ganti

"Mas walang hiya ka!"
Sabi ko sabay sampal din sa kanya ng ubod ng lakas

Kaya napahawak sya sa kanyang pisngi

"Hindi kaba natatakot sa akin huh!?"
Galit na sigaw niya

"Hindi"
Maikling sagot ko

"Dapat mo syang katakutan"
Seryosong sabi ni Irene

"Tskkk ...ilang ulit niyo na yang sinabi sa akin na dapat ko syang katakutan..eh wala naman akong paki"
Mataray na sabi ko

"Wag mo akong tarayan dahil pangit ka"
Saad ni irene

"At wag mo din akong laitin dahil mas lalong pangit ka"
Sabi ko sabay talikod

Pagdating ko sa aking locker ay agad ko itong binuksan at kinuha don àng isa kong T-shirt na color black

At agad akong nagtungo sa cr para magbihis

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon