Chapter 6

5.4K 136 11
                                    

Harold POV,

Naawa ako kay meanieyah kaya doon ko nalang sya pinatira sa aking bahay.

Oo bahay ko talaga yon,Pinagawan kasi ako ni papa kaya minsan naman ay doon din ako tumira kaya ang ref nayon ay may mga laman.

Nasarapan talaga ako sa niluto ni meanieyah.

Napaka cold talaga niya.Namamansin tapos ay hindi naman namamansin basta ang weird niya.

Tapos ang kanyang buhok ay buhaghag mukhang hindi sya nagsusuklay tapos ang kaniyang suot ay mga malalaki na damit.

Kaya medyo baduy sya tignan.

Kaya siguro yon ang dahilan kung bakit palagi syang binubully ng mga estudyante.

At hindi din sya naglalagay ng make-up sa kanyang mukha.

She's so simple.

Kung maayusan lang siguro sya ay napakaganda siguro niya

Paglabas namin sa principal office ay wala padin syang imik .

Hindi sya mahilig magsalita

Kaya tahimik lamang kami na naglalakad pauwi sa kanyang bahay na titirahan

Tinignan ko lamang ang orasan at 3:23 pm na pala.

Bumilib ako sa kanya kasi marunong syang magmotor at ang astig nya pa talagang tignan.

Pagkarating namin sa bahay ay agad ko munang pinark Ang aking kotse at nakita ko nadin sya na pinarada niya ang kanyang motor.

Nagsimula na akong maglakad at mukhang sumunod naman sya.

Sa pagpasok namin ay agad akong umupo sa sofa at sya naman ay dumiretso sa kanyang kwarto.

Biglang tumunog Ang aking cellphone kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Bakit napatawag ka?"

"Bakit hindi ka pumasok?"

"AHH kasi sumakit yung tyan ko"pagdadahilan ko at mukhang naniwala naman sya

"Harold sino yang kausap mo?"
Nagulat ako kasi bigla nalang sumulpot sa harapan ko si meanieyah

Ngunit hindi ko na lamang sya sinagot. Kaya umalis nadin sya sa harap ko

"Oyy pre sino yong babaeng yon pre? May tinatago kapala sa amin ni Joshua at Kenneth"

"Anong babae?"

"Sino yong babaeng nagsasalita kanina?"

"Wala baka imahinasyon molang yon"

"Basta may kasama ka dyang babae"
Sabi niya sabay baba ng kabilang linya.

Yung tumawag pala ay si mondraine isa syang bully or sya Ang campus bully sa aming paaralan.

Kapag meron syang gustong bullyhin ay nabubully nya ito.

Pero kapag si meanieyah ang kanyang bubullyhin ay hindi ako papayag.

Hindi dahil sa gusto ko sya pero basta ano,basta. Basta tinuring ko na ding kaibigan ang babaeng yan.

Kaya pinuntahan ko si meanieyah sa kusina at nakita ko sya doon na nagluluto.

Saktong paglagay niya sa hotdogs ay biglang tumalsik ang edible kaya napa atras sya.

"Hahahahaha"
Tawa ko pano ba naman kasi nakakatuwa yung reaksyon ng kanyang mukha.

Kaya napatingin sya sa gawi ko pero wala kaman lang makikita na reaksyon sa kanyang mukha.

Bigla niyang iniwas ang kanyang tingin kaya iniwas ko din ang tingin ko sa kanya.

Haluhhh kaylangan ko na palang umuwi sa amin.

"Ahhh ehhh meanieyah,uwi na ako"
Pamamaalam ko sa kanya

"Mamaya na,kakain muna tayo"
Malamig na turan niya

"Sige" kaya bumalik nalang ako sa sala at umupo ulit sa sofa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tinawag na niya ako.

"Harold halika na!"

Hindi ko nalang sya sinagot bagkus ay naglalakad na lamang ako papunta sa kanya.

Natanaw ko na sa lamesa ang mga niluto niya.

Umaalingawngaw ang amoy ng kanyang mga niluto, ang bango.

Takam na takam na ako kaya umupo agad ako sa silya at kakain na sana ako pero naalala ko si meanieyah kaya tinignan ko sya at tumango lamang sya.

Mukhang alam niya ang gusto kung sabihin sa kanya.

Kaya naglagay agad ako ng pagkain sa aking plato.

At nagsimula agad akong sumubo hanggang sa nagsubo ulit ako

"Hoy! Maghinay-hinay kalang sa pagsubo mo baka mabulunan ka"
Kaya napatigil ako sa pagkain ko at tinignan ko lang sya ng masama pero mahina lamang syang tumawa.

Pagkatapos naming kumain ay namaalam na ako sa kanya na uuwi na.

"AHH meanieyah,uwi na ako"

"Sige" kahit kailan maikli talaga yong mga sagot niya

"Salamat nga pala talaga na pinatira mo ako dito"  sa pagkakataong to nasilayan ko ang mga maganda niyang ngiti na agad na nagpatibok sa aking puso.

"Walang anuman yon maliit na bagay,friends na tayo huh?"
Nakangiti kong sabi

"Oo naman,sino ba naman ako para tanggihan ka"
Sabay tawa niya, at heto ako natulala sa kanya.

Nabalik ako sa aking ulirat ng biglang tangayin ng hangin yung buhaghag niyang buhok

"Nagsusuklay kaba?"
Biglang tanong ko sa kanya kaya medyo nagulat sya pero hindi niya yon pinahalata

"Ahh-ehhh nagsusuklay naman sadyang ganito lang talaga yong buhok ko"

"Okay,sige alis na ako" tinanguhan lamang niya ako kaya habang papalabas na ako ay kinawayan ko muna sya.

Pumasok agad ako sa kotse ko at agad na nagdrive

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon