Chapter 9

4.8K 111 5
                                    

Pagdating namin sa garden ay binitawan kuna si nerd.

May nakita akong mahabang upuan malapit sa may puno kaya naglalakad ako papunta don at sumunod naman sa akin si nerd.

Pagkaupo ko ay umupo din sya sa tabi ko

"Salamat pala sa pagtulong sa akin"
Napaka sincere niyang sabi

"Walang anuman"
Walang emosyong sagot sa kanya

"Jelen Fidabe pala"
Sabay lahad niya sa kanyang kamay

"Meanieyah weille"
Sabay abot sa kanyang kamay at nag shake hands kaming dalawa

"Pwede ba kitang maging kaibigan?"
Nagulat ako sa sinabi niya dahil wala kasing may gustong makipagkaibigan but this time there's someone who wants to be friends with me

I smiled her, then she smiled back

"Oo naman"
Nakangiti ko pading sabi

"Alam mo ang weird mo"

"Bakit?"

"Kasi minsan ang cold mo tas minsan lang din tumatawa at palaging walang reaksyon ang iyong mukha"
Natawa naman ako sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin

"Anong grade kanga pala?"
Tanong ko sa kanya

"Grade 10,ikaw?"

"10 din pero nasa kabilang section ako"

"Sino ba ang heartrob Dito sa school nato?"
Curious lang kasi ako

"Ahh yung apat... sina harold,mondraine,Joshua,at Kenneth"

Ahh si Kenneth at Joshua pala ang pangalan nung dalawa

"Si harold ay mabait sya kaklase ko yan,Palagi niya akong pinagtatanggol noon sa kanila ni angel. Sa kanilang apat sya Ang pinakamabait.Nung grade 9 sya ay may naging jowa sya si Beille.Napaka sweet nila tas palagi silang nagdadate.Pero namatay ang kanyang nobya dahil sa car accident kaya ayon naging miserable nayung buhay niya.Palagi nalang syang hindi pumapasok sa school at minsan ay nagcucutting,palaging malungkot ang mukha pero ngayon ay tumatawa mukhang naka move-on na sya dahil tumatawa na sya minsan.Napakayaman nilà harold kasi marami silang negosyo na sikat.Dancer sya at matalino at maganda din ang kanyang boses at higit sa lahat basketbolista"

"Noon ka pa palaging binubully nila angel?"

"Yes, since grade 7"
Malungkot na sabi niya.

"Bakit hindi ka lumaban?"

"Dahil kaya nyang pumatay ng tao,ganon sya kademonyo"
Kaya nagulat ako sa naging sagot niya pero diko yun pinahalata sa kanya

"Meron na ba syang napatay?"
Tumango sya

"Oo,kaklase namin noon"

"Bakit pinatay niya?"

"Hindi ko alam"

"Bakit hindi sya nakulong?"

"Dahil walang sapat na ebidensya at kaya din syang protektahan ng kanyang ama,dahil mayor ang kanyang ama---pero wag mo yang sabihin kay angel na sinabi ko sa iyo huh...baka kasi anong gawin niya sa akin"
Medyo natatakot niyang sabi

"Oo--diko sasabihin sa kanya"
Nakangiti kung sabi

"Ahhh...Sino naman si Joshua?"

"Si Joshua naman ay anak artista,ang kanyang ama't ina ay mga negosyante din.May pagka bipolar din yan.Dancer sya at matalino, at basketbolista.Sa kanilang apat ito ang napaka ingay, at minsan ay nambubuyo din ng estudyante.May jowa na yan"

Bumuntong hininga muna sya

"Si Kenneth naman ay anak mayaman din.Abogado ang kanyang ama't ina.Dancer din at matalino,marunong syang magpiano, basketbolista,tas ito ang napakalakas tumawa sa kanilang apat.Wala yang jowa"

"Si mondraine naman ay anak mayaman din ang kanyang ina ay doctor tas ang kanyang ama ay engineer.May sarili silang hospital.Itong si mondraine ay campus bully,sya din ang MVP sa basketball, guitarist,singer,dancer, at matalino.Halos nasa kanya na lahat pati pagiging bully.
May jowa na yan si Jamilla.Napaka sweet nila sa isa't isa.Naging jowa niya si jamilla noong grade 9 palang kami"

"I see"

"Ang common lamang nilang apat ay pareho silang basketbolista,matalino,at dancer"

Nakangiti niyang sabi

Medyo magaan ang loob ko sa kanya

"Salamat sa pagpapakilala sa kanila"
Nakangiti ko ding sabi

"Diba ikaw yong transfere?"

"Oo"maikling sagot ko

"Bakit ka nga pala nagtransfer?"

"Mahabang kwento"

"Edi paikliin mo"

Ang kulit naman nitong nerd nato

"Tara na? Baka late Na tayo sa susunod na class"

"Sige"

Sabay kaming naglalakad

Pagdating ko sa pinto ng room namin ay nagpaalam na ako sa kanya

Pagkatapos ay pumasok na ako.

Sa dulo pa kasi yung room nila

Sa pagpasok ko ay wala pang maestra kaya pumasok na ako at umupo sa aking upuan

Wala pa sila angel kaya walang makakadistorbo sa akin

Nagulat ako ng biglang pumasok si mondraine sa room namin

At kasunod niya ay sina maam at ang grupo nilang angel

"Class, dito na pala na si mondraine sa section na ito"

Nagulat ako sa sinabi ni maam. Peste talaga magkaklase na kami

"Okay mondraine umupo kana ng makapagsimula na ako sa aking klase"

"Yes ma'am"
Sagot niya

Tumingin muna sya sa akin at ang lawak ng kanyang ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon