Chapter 43

3.4K 69 1
                                    

Mondraine POV,

Hindi ko din alam kung bakit nasabi ko yung mga salita nayun sa kanya. Bigla nalang iyong lumabas sa aking bibig

"Pwede ba wag mo akong pagtripan!"
Inis na sabi niya

Bakit ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko?

"Hindi kita pinagtripan,totoo yung mga sinabi ko sayo depende nalang yun kung paniniwalaan mo" p*ta unexpected talaga tong mga sinasabi ko sa kanya

Haystttt ano ba tong nangyari sa akin? Baliw na yata ako

"Wag ako ang pagtripan mo dahil kaya kitang sabayan sa mga trip na gusto mo"
Malumanay ngunit makahulugan niyang saad

"Kung trip lang ito para sayo, sabayan mo...hanggang sa magkagustuhan tayo"

"Tskkkk...umalis ka na nga"
Walang gana niyang sabi

"Pwede bang wag mo munang sabihin sa kanila kung ano ang mga sinasabi ko sayo?"
Biglang sambit ko

"Bakit naman?"
Medyo naguguluhan pa niyang turan

"Hindi pa ako handa ehhh....baka asarin lang nila ako"

"Okay"

"Sige alis na ako" Tumango lamang sya. Kaya agad akong pumasok sa aking kotse. Pagdating ko sa bahay ay napapangiti nalang ako sa ginawa ko na parang boang

"Mukha kang timang na nakangiti dyan iho" nagulat ako kay manang dahil akala ko kasi ay tulog na ito

"May nangyari bang maganda sa pagkuha mo ng iyong pitaka?"

"Wala manang...sige akyat napo ako" at nagmamadali na akong umakyat. Baka may masabi pa akong iba.Humiga agad ako sa aking kama

Shit hindi ko nga pala nahingi number niya

Ayaw ko munang sabihin sa aking barkada itong nararamdaman ko para sa kanya kasi di pa ako sigurado kung gusto koba talaga sya

Pero totoo yung mga sinasabi ko sa kanya kanina

Arghhhhhh! Nakakalito

Inaantok na ako kaya agad akong natulog

*Kinabukasan*

Huwebes na ngayon, agad akong naligo. Pagkatapos kung kumain ay dumiretso ako sa school

Kasi kagaya nga ng kanyang sinabi ay wag ko syang sunduin kaya mabuti nadin yun para di magtaka ang mga estudyante kung bakit kami magkasama. Agad akong dumiretso sa court

Pagdating ko don ay wala pa ang aking mga ka teammates. Kaya umupo lang muna ako at nagselfie


Meanieyah POV,

Pagdating ko sa aming room ay nandoon na sila angel. Pagkalipas ng 18 minutes ay dumating na si maam. Nagdiscuss lamang ito about El filibusterismo

Nakikinig lamang din ako about sa kanyang discussion. Ng bigla itong magtanong

"Bakit pumunta si isagani kay ginoong pasta?" Agad na itinaas ni drake ang kanyang kamay

Buti alam niya

"Yes drake?" Kaya tumayo agad sya

"Upang humingi ng payo para maaprubahan ang pagapapatayo nila ng wikang kastila"

"Okay good,pwede kanang umupo" kaya umupo naman agad si Drake

"Bakit gusto ng mga estudyante na magpatayo ng wikang kastila?" Tanong na naman ni maam. Dahil alam ko ang sagot ay itinaas ko ang aking kamay

"Yes meanieyah?" Tumayo naman agad ako

"Gusto ng mga estudyante na magpatayo ng wikang kastila kasi hindi nila Maintindihan ang mga itinuturo ng kanilang guro" sabi ko sabay upo

Pagkatapos ng kanyang discussion ay inihanda kona ang aking sarili para sa long quiz namin sa math

Wala pang isang minuto ng dumating na si maam lily

"Good morning class"

"Good morning ms.lily it's nice to see you this morning"
Sabay naming bati sa kanya. Pagkatapos ay umupo na kami

"One set apart"
Agad niyang sabi

Hindi na kami nagtaka pa sa one set apart kasi sanay na kami sa kanya kasi kapag meron kasi syang summative test or quiz ay one set apart talaga kami. Kaya agad kaming nag one set apart

Binigyan nya agad kami ng tig-isa-isang test papers at kumuha naman ako ng papel

Madali kulang natapos ang exam kasi hindi din naman ito gaano kahirap

Ang mga nadiscuss lang din kasi ni maam ang kanyang pinaquiz sa amin

"Maam pwede napo ba akong magrecess?"
Tanong ko kay maam

"Tutal tapos kanaman kaya pwede na"
Kaya agad akong lumabas


Mondraine POV,

Binigyan muna kami ni coach ng 3 minutes para sa pagpapahinga. Kaya umupo agad ako,tumabi naman sa akin si joshua

Sa di kalayuan ay nakita ko si meanieyah na naglalakad papunta sa canteen

"Oyyyy!! Ayieeee palagi nasyang nakatingin kay meanieyah"
Panunukso sa akin ni Joshua

Peste talaga tong joshua nato palagi nalang nanunukso

"Nahahalata kuna talaga na may gusto ka kay meanieyah" may halong pang-aasar padin ang tono ng pananalita nito

"TSKKKKKK"

"May gusto kaba don?"
Turo niya kay meanieyah

"Kanino?"

"Tinuro ko na nga ehh....gusto mo talaga mention? Ehh sino paba ehh kay meanieyah"

"Hindi ko alam"

"Bakit hindi mo alam?"
Tanong niya habang napakamot pa talaga sa kanyang ulo

"Kasi minsan kapag makikita ko sya ay biglang bumibilis ang tibok ng aking puso"
Kaya tumawa naman sya

"May gusto ka nga siguro sa kanya"

"Hindi ako sigurado"

"Siguro karma mo na yan"

"Kung karma man ito tatanggapin ko ito ng buong puso"

"Woahhhh! So gusto mo talaga sya?" Hindi ko nalang sya sinagot

pisty ano ba tong mga sinasabi ng bibig ko, mukhang ito ang ikakasira ko.

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon