Chapter 11

4.4K 112 1
                                    

Nagulat ako sa ginawa niya

"Hindi niya kasi sinagot ang aking tanong"
Inis na sabi ko sa kanya

"Tskkkk"
Singhal sa amin ni meanieyah

Kaya nagulat kaming lahat

"Wala kayong karapatan na umupo don kasi pwesto namin yon!"
Sigaw ni angel

Kaya nilingon ni meanieyah si angel sabay mapang-asar na tawa. Si Jelen naman ay tahimik padin

Nagulat kami sa kanyang pagtawa. You can still see the calmness in her face.

"Walang karapatan? Nagbibiro kaba? May karapatan kaming umupo don kung kailan namin gusto.At isa pa,bakit may nakalagay ba na pangalan niyo don? Wala naman diba? Kaya wag kayong umasta na para sa inyo lang yong table nayun.Kaya ikaw ang walang karapatan na sabihin yun sa amin.Bakit rules kaba na kaylangan naming sundin?"
nang-aasar na sabi ni meanieyah.Kaya mas lalong nainis si angel.Akmang sasampalin sana ni angel si meanieyah nang sinalag niya ito

"Diba sinabi ko na sayo na don't you ever dare to touch your dirty hands on my pretty face?" malamig na sabi ni meanieyah

"Ilang ulit ko ba yang dapat sabihin para malinawan ka ha" dugtong niya

"Babe tara na?"
Yaya ko kang Jamilla

"Sige" maikli niyang sagot

Kaya hinawakan kuna ang kanyang kamay at sabay kaming naglalakad papunta sa canteen

Pagdating namin sa canteen ay ang haba ng pila kaya pinaupo ko muna si Jamilla sa aming pwesto

At ako naman ay naglalakad na papunta sa may mahabang pila

"Guys pwede bang ako ang umuna sa pila!?"
Sigaw ko kaya lahat sila ay lumingon sa akin

"Plsssssssss gutom na kasi yung girlfriend ko" kaya lahat sila ay mukhang kinilig sa aking sinabi

Sa campus kasi na ito ay kami ang pinakasikat na loveteam

At supurtado din nila ang aming loveteam

"Sige"

"Okay lang sa amin"

"Ayieeee Sanaol ganyan ang boyfriend"

Yan nalang ang aking mga narinig kaya naglalakad na ako sa unahan. Pagdating ko don ay agad akong nag order

"Dalawang Choco strawberry cakes,at dalawang hot chocolate"

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago dumating yung order ko

Naglalakad na ako papunta sa aming pwesto dala ang aking order

Sa di kalayuan ay natanaw ko si Jamilla na tumatawa at mukhang busy sa kakapindot ng kanyang cellphone

Kaya mas binilisan kopa lalo ang aking paglalakad

Pagdating ko sa aming table ay agad kong inilapag sa lamesa ang aking order

At agad na umupo sa isang silya na kaharap ni jamilla

"Bakit ka tumatawa babe?"

"Natawa lang ako sa nabasa kng meme's sa Facebook"

"AHH ganon ba...sige kain na tayo"

Walang emosyong sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya at nagsimula nang kumain

Tahimik lamang kaming kumakain

Pagkatapos ay hinatid ko muna sya sa kanilang room tsaka ako pumunta sa aming room

Hmmm limang section pala ang grade 10

Ang pangalan ng first section ay LONDON

Sa second section naman ay AMERIKA

Sa third section naman ay KOREA

Sa fourth section ay JAPAN

Sa fifth section naman ay AUSTRALIA

At ako ay na belong ako sa section na Korea

Si Jamilla naman ay na belong sya sa section na AMERIKA

Ang aking mga barkada naman ay na belong sa LONDON

Pagdating ko sa aming classroom ay agad akong pumasok. At nandon na pala si maam

Tuluyan na akong pumasok at ang sama ng tingin ni maam sa akin na kulang nalang siguro ako ay kainin

Math subject na ngayon. Naglalakad na ako pumunta sa aking upuan

Pagdating ko don ay umupo agad ako

"Bakit late ka mondraine?!" inis na sigaw ni maam

"Ahh maam nag snack pa kasi ako"
Malumanay na sabi ko

"Anong nag snack! Anong oras na oh!?"

"Ahh maam sinabihan ko naman si meanieyah na kapag dumating ka ay ipasabi sayo na mag snack muna ako"

Kaya inangat ni meanieyah ang kanyang ulo

Hahahaha....natawa ako sa reaksyon niya

"Totoo bayun meanieyah?!"
Inis na sigaw ni maam

"Hindi po maam"
Walang emosyong sabi niya

Shit hindi pa talaga nakisabay sa akin

"Anong hindi! Baka nagka amnesia kalang"
Inis na sabi ko kay meanieyah

"Baka ikaw ang nagka amnesia"
Nang-aasar na sabi niya

"Tumahimik nga kayo! "
Sigaw ni maam kaya tumahimik na kaming dalawa

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon