Chapter 12

4.4K 110 0
                                    

"So ang topic natin ngayon ay about Quartiles"

Sabi ni maam

Tahimik lamang kami

Tinignan ko si meanieyah at nakatingin lamang ito kay maam

"Sino ang may alam sa inyo kung ano ang quartiles?"

Tanong ni maam pero wala man lang nagbalak sumagot

"Wala talaga? Kung ganon ay ako ang pipili kung sino ang sasagot sa aking tanong!"

Kaya nagsimula akong kabahan

"Ikaw mondraine tayo,sagutin mo ang aking tanong tutal late ka naman"

Kaya mas lalo akong kinabahan

Hindi ko kasi alam ang sagot

Kaya unti-unti naman akong tumayo

"Ah eh maam"
Utal kung sabi

"Oh ano!?"
Inis na sabi niya

"Hindi ko po alam ang sagot"
Nahihiya kung Saad

Kaya tumawa naman ang aking mga kaklase

"Class tumahimik kayo! Tumatawa kayo,Bakit alam niyo ba yung sagot!?"
Sigaw ni maam

Kaya tumigil sila sa kakatawa

"Remain standing mondraine"

Haystt mukhang wala na akong magawa

"Drake stand up!"
Sigaw ni maam

Kaya dali-daling tumayo si Drake

"Tutal ikaw ang pinaka malakas tumawa,sagutin mo yung tanong ko!?"

"Ah eh maam hindi ko din po kasi alam"

Tskk ang yabang eh hindi din pala alam ang sagot

"Sige remain standing,hindi kayo makakaupo hanggat walang makasagot"

Shit nangangalay na yung tuhod ko

"Meanieyah stand up!"

Kaya tinignan ko muna si meanieyah at ang peste ay napakalmado lamang at mukha syang walang pake kay maam

"Answer my question!"

"Can u please repeat your question maam?"

Malumanay ngunit madiin nyang

"Ano ang quartiles!"

"Hmmm ah ehh maam"
Mahinang sabi ni meanieyah habang yumuyuko

Wag mo sabihing hindi mo din alam?

"Ano!? Sasabihin mo naman sa akin na hindi mo alam ang sagot!?"
Subrang galit na talaga si maam

"Maam,wag kang advance mag-isip"
Nang-aasar na sabi ni meanieyah

"Ano!?

"Maam,sa totoo lang alam ko ang sagot.Ang sasabihin ko kasi sana sa iyo ay kunng makakasagot ba ako ay makakaupo ako?"
Naka smirk niyang sabi

"Malamang makakaupo ka"

"Ehh alam mo naman ang sagot ehh...Bakit hindi nalang ikaw ang sumagot?"
Mapanghamon niyang sabi kay maam

Sumasagot-sagot pa talaga sya

"Ganyan kaba pinalaki ng iyong magulang ang sumagot-sagot at mamilosopo?!"
Galit na sigaw ni maam

"Ano bang paki mo?"
Shit wala syang galang

"Pwede ba sumagot ka nalang!?"

"Sige, ang quartiles ay divided into 4 parts,which is the first quartile,second quartile and the third quartile.First quartile is the lower quartile it is 25% ,second quartile is the median it is 50% and the third quartile is the upper quartile it is 75%"

Kaya napanganga ako sa kanya

Hindi ko akalain na matalino pala sya

Hindi kasi halata sa kanyang hitsura

Umupo na sya

Sana ay makakaupo nadin ako

"Salamat meanieyah"
Nakangiting sabi ni maam

May pagka bipolar din pala tong si maam kanina subrang galit tapos ngayon ang amo na ng mukha.

Tinignan lamang sya ni meanieyah

"Totoo talaga yung sinabi ni meanieyah class.Na ang ang quartile ay divided into 4 equal parts.So ang first quartile ay ang lower quartile ito ay 25%, ang second quartile naman ay ang median ito ay 50% ,at ang last ay ang upper quartile ito ay 75%. Merong formula ang quartiles class.Sige umupo muna kayong dalawa "

Kaya umupo agad ako

Sinulat ni maam yung furmula

Kaya kinuha ko din ang aking notebook at nag take notes

____
Pagkatapos ng math subject namin ay may natutunan naman ako

Natutunan ko kung ano ba talaga Ang quartiles

Tumayo na si meanieyah at nagsimula nang maglakad ng iniharang ko ang aking paa kaya natumba sya sa sahig

Tumawa naman ang aking mga kaklase

And expected na si angel talaga ang mas pinakamalakas tumawa

"Hahahaha...Ang lampa mo naman girl"
Tumatawang sabi ni angel

Unti-unting tumayo si meanieyah at nagtama ang aming paningin

Nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit,at inis

Tinignan niya ako ng masama kaya iniwas ko nalang ang aking tingin sa kanya at tumingin nalang ako sa iba

"Bakit mo ginawa yon?"
Walang emosyong sabi niya sa akin

"Dahil yan sa ginawa mo kanina"
Inis na sabi ko

"Bakit ? Ano bang ginawa ko sayo kanina?"

"Dahil hindi ka nakisabay sa aking plano"

Tumingin lamang ang aming mga kaklase sa aming dalawa

"Bakit ano bang plano mo?"
Walang emosyong niyang tanong

"Basta about don sa pagkalate ko"

Ang hirap niyang kausap

"Bakit ano bang meron sa pagkalate mo?"

"Hindi ka nag-isip ng dahilan kung bakit nalate ako.Kaya nakatayo ako kanina sa math"
Inis kung sabi

"Hindi yun ang dahilan kung bakit pinatayo ka"

"Ehh ano!?"
Medyo napataas ang aking boses kaya medyo nahiya ako don kasi may mga nanonood pala sa amin

"Dahil hindi ka nakasagot"

"Tskkk! Pagbabayaran mo yun.Ng dahil sayo nangangalay ang aking tuhod!"
Sigaw ko mismo sa mukha niya

"Wala akong paki"
Sabi niya sabay talikod sa akin

Kaya naiwan akong nakatulala

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon