Chapter 31

3.6K 70 1
                                    

Sa paglapit sa isa ay agad ko itong sinuntok sa tyan at agad din niya akong nasuntok kaya tumama din iyon sa aking tyan
Kaya natumba ako

Nang akmang papatungan niya ako ay pinatid ko ang kanyang mukha. Lumapit naman sa akin ang lima kaya agad akong bumangon

Suntok,tadyak,at patid lamang ang nagawa ko

Napatumba ko ang pito at tinignan ko si manyakis at nanlaki ang mata nito

Nginisian ko ito. Ngunit hindi ko na ito ginalaw pa, wala na akong oras.

Umalis na ako at hinanap si mondraine

Tinignan ko ang counter at doon ko nakita si mondraine na nakaupo at mukhang tulog na iyon at merong maraming babae ang nakapalibot sa kanya

"Ang gwapo niya noh?"

"Akin sya ngayong Gabi"

"Hindi,akin sya"
Yan ang mga narinig ko sakanila. At tuluyan na akong lumapit

"Tapos niyo naba syang pagpantasyahan?"
Tanong ko

Kaya tumingin sa akin ang mga babae

"At sinoka naman?"

Sinoka daw...tskkk

"Bitch hindi ako sinuka kasi ikaw ang mukhang sinuka"
Walang ganang sabi ko

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng ganyan!"
Singhal niya

"Hahahaha"
Tawa ko

"Umalis na kayo kasi kukunin kona tong kaaway ko"
Maawtoridad kung saad

"Tskkkk tara na mga girls? Baka mahawaan pa tayo sa kapangitan niya"

Kung makapagsabing pangit akala mo naman kung gaano kaganda

Tuluyan na silang umalis kaya ginising ko si mondraine

"Hoyyyyy!Hoyyy!"
Yugyug ko kay mondraine

Ngunit hindi ito nagising. Ang bigat niya kaya di pwedeng buhatin ko sya kaylangang magising sya

Kaya nag-isip agad ako ng paraan kung paano sya magising

Ahhh alam kuna

May laman pa ang isang botelya ng vodka kaya kinuha ko ito at binuhos sa kanyang mukha

Medyo malamig pa ang vodka. Kaya bigla syang nagising. Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya

"Bakit moko binuhusan?!"
Inis na sabi niya

Ngunit nakatitig lamang ako sa kanyang mukha ...gwapo din pala sya,may matangos na ilong,kissable lips at maputing mukha

"Alam mo bang malamig yun!?"
Singhal niya sa akin ngunit nakatitig padin ako sa kanya

"Hoyyyyy!! Baka matunaw ako dyan sa kakatitig mo!"
Sigaw niya

"Tskkk feeler masyado"
Sabay iwas ng tingin

"Anong sabi mo!?"

"Wala"

"Bakit kanga pala nandito?"
Bigla niyang tanong

"Sinusundo ka"
Walang gana kung saad Kaya biglang nanlaki yung mata niya

"Siguro may gusto ka sakin noh?"
Saad niya sabay halakhak

Ang hilig mag imagine nitong gunggung nato

"Wag ka ngang mag imagine"
Walang reaksyong sabi ko

"Hahahaha" tawa na naman niya

"Nakakatawa ang reaksyon mo"

"Tskkkk"

Hindi na naman pala ito lasing ehh

Agad na akong lumabas at mukhang sumunod naman sya. Kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad

"Hoy wait lang! Hintayin mo naman ako oh!"
Sigaw niya ngunit di ko lang sya pinansin

Nararamdaman kong tumakbo sya kaya mas binilisan kopa ng biglang natapilok ako dahil may bato kaya natumba ako ng biglang may sumalo sa akin kaya natumba ako sa mga bisig niya

Nagkatitigan kami mata sa mata

At nang makarecover na kaming dalawa ay bigla niya akong binitawan kaya tuluyan akong natumba sa damuhan

"Hahahaha"
Biglang tawa niya

Tskkkk

Kaya agad akong bumangon at nagsimula nang maglakad papunta sa aking motor

Hindi ko na sya pinansin kasi pagod na ako gusto ko nang matulog

Agad akong umangkas sa motor ko at nagdrive. Narinig kolang tinatawag niya ang pangalan ko. Bahala na sya, mukhang naalimpungatan na naman sya eh. Mukhang kaya naman niyang mag drive at umuwi mag-isa.

Kaya nagfocus nalang ako sa pagdrive. Sa pagdating ko sa bahay ay pumasok agad ako

Naligo muna ako kasi ang lagkit na ng katawan ko. Pagkatapos ay sinuot ko yung cotton short tas sando

At kinuha ko muna ang aking cellphone at agad tinext si harold

'Iniwan ko lang si mondraine don sa labas ng bar,hindi na naman yun lasing ehhh kaya ayun iniwan ko'
Text ko kay harold

Hinintay ko ang reply ni harold pero hindi sya nagreply baka natulog na

Kaya naisipan ko na namang matulog tutal pagod na pagod na ako at Subrang antok kuna kaya pinikit kuna ang dalawa kung mata

Kumusta na kaya sila mama at papa?

Sino kaya yung naglagay ng sulat sa aking locker?

Yan ang mga katanungan na sumagi sa aking isipan bago tuluyang natulog


To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon