Chapter 51

3.3K 68 3
                                    

Meanieyah POV,

Dahil sabado ngayon ay pumasok ako sa trabaho sa keshua restaurant

"Hi meanieyah" nakangiting bati ni kheireen

"Hello kheireen"

"Bakit nga pala---- hindi ka nakapasok noong mga nakaraang Gabi?"

"Binigyan kasi kami ng parusa ni maam nica na syang principal namin...pinalinis sa amin ang canteen"

"Ahh ganon ba?"

Tinanguhan ko nalang sya

Agad na akong nagsimulang maghugas ng mga kinainan ng mga costumers

Pagkatapos ay nag map naman sa sahig. Bigla na namang lumapit sa akin si kheireen

Diba jowa to ni Joshua?

Matanong nga

"Kheireen"

"Oh bakit?"

"Diba ikaw ang jowa ni Joshua?"
Kaya tumango naman sya

"Oo,bakit?"

"Wala lang tinatanong ko lang"

Kaya medyo napakamot sya sa kanyang ulo

"Ehhh bakit nagtratrabaho ka pa dito kung jowa mo naman pala ang may-ari?"

"Oo jowa ko sya pero hindi ibig sabihin non na bibigyan na niya ako ng pera----kaya ako nagtratrabaho dito ay para may pambayad ako sa aking tuition fee"

Ehh nasan ba ang kanyang mga magulang?

"Eh nasan ba ang iyong mga magulang?"

Kaya medyo lumungkot yung mukha niya sa tanong ko

"Namatay na sila"

"Patawad-------"

"Okay lang"

Medyo pilit niyang ngiti

"Ehh, San ka ba nag-aaral?"

"Sa heighn university...nakikita pa nga kita minsan don eh---- kaso nagtransfer ka...Bakit ka nga pala nagtransfer?"

Ehh bakit hindi ko sya nakita?

"Mahabang kwento"

Sabi ko habang patuloy na nag mamap sa sahig

Biglang dumating si joshua

"Hi babe"
Nakangiting bati ni Joshua kay kheireen

Tinignan ko si kheireen at mukhang kinilig ito dahil namula na ang kanyang mukha

"Ohh hi meanieyah"
Baling na bati niya sa akin

Pero ginantihan ko lang sya ng isang malawak na ngiti

"Babe,mamasyal na tayo---kaya magbihis kana"

Sanaol

"Sige...Maiwan muna kita meanieyah---mamasyal pa kasi kami"
Pamamaalam naman ni kheireen

"Sige"

At tuluyan na nga syang umalis

"Kumusta na pala kayo ni mondraine?"
Biglang tanong ni Joshua

"Okay naman"
Habang nagpatuloy lamang sa pag map

"Hmmm---may gusto kaba kay ---mondraine?"

Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa napaka bully nayon!

"Wala"

Wala kong ganang sagot

"Ehhh kang harold?"

"Anong kay harold?"
Naguguluhan kung tanong

"May gusto kaba Kako kay harold?"

"Wala...kaibigan lang talaga kami---"

"Okay"

Ang swerte ni Joshua kay kheireen dahil mabait ito at masipag

"Oyy meanieyah nakalimutan ko palang sabihin sayo,--- Manood ka ng laro namin bukas ahh"

"Hindi pa ako sigurado"

Kaya medyo nag-iba ang expression ng mukha nito

"Dalhin mo nalang din si jelen para maging maganda ang laro ni Kenneth"

Kaya nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"May gusto ba si Kenneth kay jelen?"

Kaya biglang nanlaki yung mata niya

"Oo,pero wag mong sabihin ahhh! Kung hindi lagot ako kay Kenneth"

"Tskkk. .."

" Basta manood kayo huh?"

Hindi pa nga sigurado ehh...Ang kulit

"Hindi pa nga sigurado"

"Babe! Tara na!"
Sigaw ni kheireen

"Sige alis muna kami"

Tumango na lamang ako

At nagpatuloy sa aking ginagawa

________________

Gabi na akong nakauwi sa bahay

Bukas pala ay ang regional na contest na ng basketball

Haystt wala akong gana manood ng laro nila bukas

Kasi mukhang nasisiguro ko naman na sila yung mananalo eh

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko agad ito

Unknown number

Sinagot ko ito

"Hello love"

Peste

Sa panono palang,alam kuna kung sino

Si mondraine---ano naman kaya ang kaylangan nitong gunggung nato

"Hoyyy!"

"Ano ba--wag ka ngang sumigaw"
Inis kung sabi

"Sorry love...Hindi ka kasi sumasagot ehh"

May pa love² pang nalalaman ang peste

"Oh...Bakit tumawag ka?"
Walang gana kung tanong

"Di pwedeng namiss lang kita?"
May halong pang-aasar ang boses nito

"Kung wala kang importanteng sasabihin sa akin---wag kang tumawag...distorbo kalang"

Hindi na ito sumagot

Ano na naman bang pakana nitong mondraine nato

"Hoyyy!"
Malakas na sabi ko

"Gusto ko lang naman sana kitang yayain na manood sa laro namin ehh...Pero mukhang distorbo lang pala ako sayo--- sorry..."

*Tot*tot*tot*tot*tot*

Sabay end call

Kalalaking tao O.A masyado....tskkkkkkk

Bahala sya,hindi ako pupunta! Napaka O.A ng punyeta. Duhhhh, nakakainis. Bahala sya, wala akong paki sa laro nila.

Subrang antok at pagod kuna kaya naisipan ko nalang na matulog na.

To be continued...

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon