Chapter 80

2.9K 42 0
                                    

Nakasakay na ako ngayon sa Jeep ... ang mga tao naman na aking kasabay ay napapatingin sa akin

Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ang aking kamay

Ngunit imbis na umuwi ako sa bahay ay dumiretso ako sa fidabe's bar

Pinapasok ako ng dalawang guard kasi mukhang namukhaan naman nila ako

Agad kong naamoy ang amo'y sigarilyo,alak,at ibat iba pang pulutan

Ang daming tao...may nakita naman akong naghahalikan

Tskkk...PDA masyado!

Ahhh nalimotan ko pala....bar ito,bar ito ng kaibigan ko

"Isang beer"
Sabi ko sa bartender habang ang aking paningin ay naka fucos lamang sa mga taong nagsasayaw

"Sige po maam"
Sagot naman nito habang tumalikod na sa akin

Gusto kong magwala,gusto kung maglasing,ngunit hindi pa pwede kasi masyado pa akong bata at baka ano pang mangyari sakin dito

Naghintay muna ako ng ilang segundo bago dumating yung order ko

"Heto napo maam"
Sabay lapag ng isang beer sa aking table

Kaya agad ko itong binuksan at sinimulang lagukin

Bigla na namang may tumulong luha sa aking mga mata

Diko akalain na magagawa niya akong hiwalayan...akala ko kasi ay mahal niya talaga ako...Pero mukhang ginamit lang pala niya ako para gawing panakip butas kay jamilla

Kaya agad kong pinahid ang aking luha

Tumigil ka sa kakaiyak meanieyah dahil ..Di dapat iniiyakan ang isang tao na ikaw mismo ang sinayang!
Sigaw ng aking isip

Lumagok na naman ako

"Pwede bang samahan kitang maglasing miss?"
Nangibabaw na tinig sa aking harap kaya ng dahil sa aking gulat ay mabilis kong naangat ang aking ulo

Tinignan ko head to foot ang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay nasa 20 ito

"Hindi ako maglalasing---at isa pa gusto kung mapag-isa"
Saad ko habang nakatingin sa kanya

Ngunit imbis na umalis ang lalaking ito ay umupo ito sa aking harapan

Tskkk

Mabilis kung naubos ang aking isang beer at ganon din sa kanya.. ngunit vodka yung iniinom niya

Muli akong nàg-order at ganon din ang lalaking aking kaharap

Hindi pa naman ako lasing

Paglapag ng aking beer na aking inorder ay agad ko ulit itong binuksan at ininum

"Maghinay-hinay kalang dyan sa pag-inom mo dahil hindi tayo nagpabilisan dito"
Saad ng aking kaharap kaya tinignan ko ito habang tinaasan ng aking isang kilay na animoy sinasabi na 'ano bang paki mo?'

Natawa nalang at nang maubos ko na naman ang isang beer....order lang ako ng order na tila walang paki sa aking babayarin...nakaubos na ako ngayon ng limang bote  at mukhang tumalab na ito sa aking katawan dahil nung tumingin na ako sa dance floor ay umiikot-ikot na ito na tila isang roller coaster

Tinignan ko naman ang nasa aking harapan ngunit dalawang bote palang ang naubos nito

Bigla syang lumapit sa aking tabi ngunit hindi ko nalang sya pinansin

The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon