"Kasi gusto ko kasing---"
Hindi niya natapos ang kanyang pagsasalita ng biglang tumulo ang kanyang mga luha"Wag kang umiyak...nasasaktan ako" pero imbis na tumigil ay mas lalo itong umiyak
Ano ba ang sasabihin niya at naiyak pa sya?
"Kung nasasaktan ka na nakikita akong umiiyak ay mas masasaktan ka sa sasabihin ko"
Sabay pahid niya sa kanyang luha. Hindi padin tumigil ang pagtugtog
"Babe, m-maghiwalay na tayo"
Mas lalo syang humagulgul"Babe wag kana mang magbiro ng ganyan"
"Babe seryoso ako,maghiwalay na tayo"
Kaya don tumulo ang mga luhang kay tagal kong pinigilan"Babe alam mo naman na mahal na mahal kita...Babe,bakit? May nagawa ba akong mali?"
Umiiyak kung sabi habang nakatitig sa kanya"Sawa na ako sa relasyong meron tayo,palagi kanalang busy,wala kanang time sakin"
Stupid reason!
"Babe alam mo naman na may practice kami diba? Kaya palagi talaga akong busy"
Saad ko sabay hawak sa magkabila niyang pisngi"BABE...Sorry kung noon pa kita niloko"
Aniya kaya bigla kung inialis ang aking kamay sa kanyang mukha. Bigla akong nainis sa sinabi niya"Ano!?"
Singhal ko sa kanya. At umiyak na naman syaTskkk
"Noon pa kita niloko nung mag 8 months palang tayo ay ka chat ko na noon si ashton at ako din ang nagpapunta sa kanya sa bar...babe sorry mas mahal kopa si ashton kaysa sayo at mahal din ako ni ashton"
Mukhang binuhusan ako ng malamig na tubig. Totoo nga pala talaga Ang Sabi nila na truth hurts
Kaya pala hindi na sya sweet sakin. Kaya pala bigla syang nag-iba kasi meron na pala syang iba
Ang sakit lang,ang sakit lang na malaman ang totoo
"Minahal kita ng todo,pero hindi ka parin pala nakontento"
Inis kung sabi habang pinapahiran ang aking mga luha"Babe sorry"
Aniya habang patuloy sa pag-iiyak"Diba ikaw ang may gusto nito? Kaya wag kang umiyak"
Inis na sabi ko"Babe sorry talaga"
"Sorry? Hahaha bakit sa kakahingi mo ng sorry mawawala ba niyan ang sakit at kirot sa aking puso?"
"Babe---"
"Tama na,umalis kana"
"Babe---"
"Umalis kana!!!"
Sigaw ko sa kanya kaya maski ang nagpatugtug ay napahintoNapaupo nalang ako habang Umiiyak. Ang sakit, ang sakit sakit
Sa mismong anniversary pa talaga niya ako hiniwalayan. Sana hindi nalang niya pinaabot ng anniversary
Umiyak lang ako ng umiyak. Walang silbi ang paggawa ko ng surpresa sa kanya. Nagsayang lang pala ako ng effort
Lahat nalang ba talaga ng taong mamahalin ko ay iiwan ako?
Ganito ba talaga ako kamalas sa pag-ibig?
"Bakit?"
Umiiyak na sabi koPinahid ko ang lahat ng luhang nasayang ko
Hindi ko dapat iniiyakan ang taong walang paki alam kung ano ang aking nararamdaman
Hindi ko dapat sinasayang ang aking luha sa babaeng manloloko
At naisipan kong umalis na kaya agad akong lumabas. Kada taong madadaanan ko ay tumitingin sa akin
Tumingin muna ako sa aking Relo at alas syete palang kaya naisipan kung pumunta muna ng bar
Agad akong pumunta sa aking kotse at agad pinaandar iyon at pinaharorot sa fidabe's bar
Nandito na ako ngayon sa labas ng bar at ang ingay sa loob. Papasok na sana ako ng bigla na naman akong hinarangan ng dalawang guard
Shit nakalimutan ko may guard pala
"Plss papasukin niyo ako"
Pagmamakaawa ko sa dalawa"Diba ikaw yung---"
"Oo ako nga yun.. kaya pls lang papasukin muna ako"
Kaya nagkatinginan ang dalawang guard sa akin. Mukhang nakumbinsi ko naman sila"Sige pumasok kana"
Haystttt buti nalang at pinapasok ako. Magkahalo-halong amo'y ang aking naamoy. Agad akong pumunta sa counter at nag order
"Isang vodka"
Saad ko"Wait lang po sir"
Sabi niya sabay kuha ng isang vodka"Ito napo sir"
Aniya sabay abot sakin ng aking inorder kaya kinuha ko itoKaya binuksan ko agad ang aking inorder At sinimulan nang inumin
First time kung uminom kasi bawal pa kasi sa akin pero ngayon gusto kung magwala
Gusto kung uminom hanggang sa makatulog ako,gusto kung uminom para makalimutan ko sya,gusto kung uminom hanggang sa maubos ang aking perang dala
Nang maubos na ang aking ininum ay nag order na naman ako. Nakaubos na ako ng tatlo. Medyo lasing na talaga ako
Nung tinignan ko ang dance floor umikot-ikot na ito sa paningin ko. Biglang may lumapit sa akin na isang babae
"Heyyy,lonely boy...do u want to have some fun?"
Malanding sabi nitoTinignan ko sya at ang kanyang suot ay napakaikiling short at sando na halos kita nayung kaluluwa niya
Naiirita ako sa mga malalandi
"Tskkkkkkkkk"
Singhal koUmupo ito sa aking hita. Ang landi talaga kaya dahil sa aking inis ay tinulak ko ito kaya napahiga ito sa floor
To be continued...
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
ActionIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...