Chapter 40

3.5K 59 1
                                    

Mondraine POV,

"Mondraine!"
Sigaw ni Kenneth sakin sabay pasa ng bola kaya kinuha ko ito

Tumakbo ako papunta sa ring kaso hinarangan ako ni harold

Kaya nagdrible lang muna ako, gusto niyang agawin ang bola na nasa aking kamay kaso mas binilisan kopa ang pangdrible para mas malito sya at malibis akong tumakbo papunta sa ring at hinabol niya ako kaso huli na sya kasi naihagis kuna ito sa ring

*Shoot

2 points... Hahahaha

"Time out muna!"
Sigaw ni coach samin

Kaya mabilis kong kinuha ang aking towel at agad iyong pinahid sa aking katawan na subrang basa dahil sa aking pawis

_____________

Naging maganda namab ang aming laro ngayong araw na ito

At uwian na kaya naglalakad agad ako

Natanaw ko sa canteen si meanieyah at angel na naglilinis,sa hallway naman ay natanaw kodin si irene at jamich na naglilinis at mukhang nagbabangayan pa ito

Kaya tinignan ko ulit si meanieyah.  Pawis na pawis na sya,ang kanyang buhaghag na buhok ay mukhang nabasa nadin ito

At ganon din si angel. Napatingin ako sa aking towel

Nang lumingon ako ay nakita ko si jamilla na ang lapad ng ngiti habang may kausap sa cellphone

Buti pa sya masaya na,pero ako ito padin hindi maka move-on

Oo, hindi pa talaga ako naka move-on pero pinapakita ko lang sa ibang tao na mukhang masaya na ako,na mukhang naka move-on pero sa totoo lang nandito padin sa aking puso ang lungkot at pighati

Isang taon,kaya sino ang makakamove-on nang madali?

Madami din kaming mga memories at sa twing maalaala ko ito ay mapapaluha nalang ako

Haystttt

Nagtama ang paningin naming dalawa. Nginitian niya ako kaya pekeng ngiti din ang iginanti ko sa kanya

At nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa aking kotse

Pagdating ko sa bahay ay wala padin sila mama,hindi padin sila umuuwi kaya naisipan kung tawagan sila

Agad kong kinuha ang aking cellphone at dinial ang number ni mama. Agad din niya itong sinagot

"oh, hello mom"
Masigla kong sabi. Para di nila mahalata ang aking lungkot

"Hello din anak, kamusta na ka dira?" Oo marunong kaming mag bisaya . Nakatira kasi kami ng ilang buwan noon kila lola, bisaya kasi ang gamit nilang salita kaya natuto din kami

"Okay raman ma,kamo kamusta mo dira?"
Translation: okay lang naman mom,kayo kamusta kayo dyan?

"Okay rasad anak"

"Ma, kanus-a mo muoli?"
Tanong ko kay mama. Miss na miss kuna kasi sila ehh. Gusto ko din mabisita si Lola kaso bawal ehh...may klase,tas practice. Ilang araw nalang magaganap na ang regional contest

"Baka sa biyernes anak,para makakita kami ng laro mo sa linggo" kaya napangiti naman ako

"Sige mom,bye na...I love you"

"I love you din anak" sabay pindot sa end call


Meanieyah POV,

Pagkatapos ng aming klase ay agad akong kumuha ng Walis tingting, at trashcan..

Ganon din sina angel,irene at jamich. Sa pagdating namin sa canteen ay wala nang halos mga estudyante kaya sinimulan ko nang maglinis

Si jamich at irene naman ay nag-aaway,hindi ko alam kung ano ang dahilan. Wala nang halos na estudyante na dumadaan

Nagsimula nading maglinis si angel

Sh*t diko pala nadala motor ko

Pano na ako sasakay nito?

At mukhang matagal-tagalan pa kami dito dahil ang daming kalat

Mukhang malimit lang Din ang Jeep na bumabyahe dito kapag Gabi

Arghhhhhh!!

"Hoyt!! Bilisan mo nga dyang maglinis!"
Sigaw sa akin ni angel. Kaya sinunod ko naman yung sinabi niya. Pawisin akong tao kaya pawis na pawis na ako. Yung buhok ko ay nababasa nadin sa aking pawis

Tapos na Kami at kinuha ko yung cellphone ko sa aking bulsa at
Tinignan ko kung ano nang oras at shit 7:26 pm na

Unang natapos sila irene kaysa samin. Pero namaalam naman sila kay angel na umuna nang umuwi dahil lagot daw sila sa kanilang mga magulang

Dalawa nalang kami ni angel na nandito. Ganon nalang ang gulat ko ng may biglang humampas sa akin sa aking likod

Kaya lumingon ako at nakita ko si angel na nakangisi

"Ng dahil sayo! Naparusahan tayo!"

Tskkkkkkkkk

"Ako?"
Saad ko sabay turo sa aking sarili

"Hindi,baka ako"
Pamimilosopo niya

"Buti alam mo" kaya mas lalo itong nainis

Agad itong sumugod sa akin dala-dala ang walis tingting na nasa kanyang kamay

To be continued...






The COLD PERSON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon