Chapter 2

64 7 0
                                    


Nakatingin ako ngayon sa harap ng apple laptop ko habang umiinom ng inorder kong kape, Nakatanggap kasi ako ng email mula sa school at ang nilalaman nito ay ang kurso ko at ang iba pang detalye.

Kanina pa talaga ako nakatutok dito dahil aayusin ko sana ang schedule ko pero sabi sa admin ng school ay hindi na raw pwedeng ayusin ito.

What to do? I’m not a morning person.I’m pretty sure that I’ll be late!

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko ‘di ba? Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang hindi pwede at ayokong isipin nila na brat ako.

Nakahiga na ako ngayon habang nakikipag-chat sa bestfriend ko nang biglang bumukas ang pinto ng cr at iniluwa nito si Angel na nakapantulog na,Tumili ito dahilan ng pagtayo ko.

“Ahhhhhhh!” Shoot! Nalaglag ang face mask ko dahil sa pag ka bangon ko.

Tumigil naman siya agad sa pag tili at humawak siya sa kaniyang dibdib na para bang inatake siya.

“Jusmiyo, Jurelle nagulat naman ako dyan sa facemask mo!”

Umupo nalang ulit ako at tinapon ko ang face mask ko na nalaglag na sa sahig.

“Ahahaha I’m so sorry, but seriously ako yata ang dapat na magulat dahil sa pag tili mo.”

Tumawa nalang din siya at umupo sa harapan ng salamin para mag ayos, She’s cute hindi dahil sa height niya pero mukha siyang 15 years old.

“Gusto mo ba sumabay sa akin bukas? Malapit lang naman yung building niyo sa building namin.” Tanong niya sa akin habang nag su-suklay siya.

Pinatong ko ang phone ko at tumingin sa kaniya “Ha? hindi tayo same building?”

Tumango lang siya at tumingin sa akin bago mag salita “Bachelor in Arts of Music ka ‘di ba? Ako kasi HRM”
Nag ‘ah’ nalang ako sa kaniya kasabay ng pag tango.

After a small talk we decided to sleep kahit na hindi pa naman ganun ka late.

---
Kinakabahan ako ngayon kasi ito ang unang araw ko dito.

“Uhm Excuse me? Ito ba yung room ng BAM?” tinanong ko yung isang babae na morena matagal siyang nakatingin sa akin bago siya sumagot.

“Oo”
Nginitian ko siya at nag pasalamat ako bago pumasok sa loob ng room.Woah! I love this, everyone seems normal. Naguusap sila at hindi ako pinapansin.

Yung iba nagkokopyahan pa yata at meron din kumakain ng hindi ko alam kung ano.

Nag hanap ako ng mauupuan ko sa harap at buti nalang ay meron pang bakante dito.

Kakaupo ko lang nang biglang lumapit sa akin ang isang nakasalamin na lalake.

I can say that he is good looking guy with his tan skin.

“Goodmorning! Ikaw ba yung transferee namin?”tanong niya sa akin na may ngiti sa labi niya. He’s nice, huh.

I nod as an answer and also smiles a bit.

“I’m Waltz, Class president. Tara ipapakilala kita sa mga kaklase natin”
He offered his hands but I’m hesitating to hold it pero wala na akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa harapan ng classroom.

“Guys! Ipapakilala ko sa inyo jowa ko ahahahahah” sabi niya na pinagtawanan naman ng mga kaklase namin , napansin niya siguro na nagulat ako kaya umubo siya at nag simula na siya magsalita ng seryoso.

“Siya yung transferee mag papakilala siya.” Matapos nun ay sinensyasan niya naman ako na magsalita kaya ngumiti ako at nag salita na rin kahit na nahihiya ako.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon