Gumaan ang pakiramdam ko sa simpleng pag ngiti at pag sama niya sa akin kagabi, Hindi ko alam na meron pala siyang ganon na side.
Ipapasa ko na ang kanta ko ngayon kahit na hindi na ako nakapag record, hindi naman talaga kami ni required na mag record dahil kahit ang ipasa lang namin ay yung sinulat na kanta kasama ang chords.
Nagawa ko naman yun dahil sa tulong ni Waltz noong isang araw pero nastress lang talaga ako kagabi dahil may special grade talaga dito kapag narecord mo. Nalungkot lang siguro ako kagabi ng husto.
Tinulak ko ang pintuan ng faculty at bumungad sa akin ang prof ko na nakangiti habang nakasaksak ang earphones sa mag kabilang tenga nito.
Hmm.. He loves music so much like I do and I really admire him because of how good he is.
Hindi ko na siya tinawag at pinatong ko na lang yung papel sa ibabaw ng lamesa niya pero bigla nalang siyang dumilat at ngumiti ng mas malawak, tinanggal niya na rin ang kaniyang earphones.
"Ms. Mc Xielle? Grabe hija tuwang tuwa ako dito sa kanta mo." Sabi niya na halatang tuwang tuwa nga but wait did he just say my song? "Po?"
Tumawa siya at tinuro ang upuan sa harapan niya kaya naman agad akong umupo na naguguluhan pa rin. "Pinasa sa akin ito ni Lian, sinabi niya na siya ang pinili mo para kantahin ito. Grabe talaga hija nagustuhan ko ang kanta mo."
Wait.. What?
---
Nag paalam ako kay Sir agad nang matapos siyang magkuwento tungkol doon sa kanta ko, Masaya ako na nagustuhan niya ito at sinabing mataas din ang grade ko pero nag tataka pa rin talaga ako kaya ngayon ay naisipan kong hanapin si Lian.
Sa pag iikot ko ay nakita ko siyang nakikipag tawanan sa isang babae na maikli ang buhok at mukhang mas bata 'yon sa amin. Agad akong lumapit sa kaniya na hindi nag dalawang isip.
"Juls." Nakangisi niya akong hinarap.
Mukhang enjoy na enjoy siya sa pakikipag usap sa dalaga ah, Pag buhulin ko kaya kayong dalawa Psh. "Can we talk?"
Tumango lang siya na hindi manlang nag papaalam doon sa kausap niya. "Wow, Gentleman." bulong ko na hindi naman niya narinig, Good.
Nakatayo akong tuwid habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangisi pa rin at nakapasok ang kamay niya sa bulsa. Acting cool, huh. Napairap nalang ako.
"Thanks sa help mo but how did you even know the lyrics and melody?" I asked calmly.
Umiling lang siya at bahagyang binasa ang gilid ng labi niya, Psh! Ano ba yang kinikilos niya.
"I just simply remember the whole song kasi pinakinggan ko, that's it" At tumawa siya ng mahina.
Napatingin ako sa labi niya habang nakangisi lang siya, hindi naman ganun kapula ang labi niya pero sapat na 'yon para masabi mong healthy.
Wait wait wait, why am I even getting distracted with this guy? Huminga lang ako ng malalim at tiningnan siya sa mata- His brown eyes looks like a dark chocolate.
I don't know if how many minutes did I spend just staring at him but when I realized that I just turn around and walk away without saying a word, Ka sasabi ko lang kanina na hindi siya gentlemen dahil hindi siya nag paalam sa babae, ngayon ako naman ang aalis ng walang paalam.
Dumiretso nalang ako sa room na pinag lalagyan namin ng mga props para sa event, titingnan ko na muna kung ano pa ba ang kulang.
Hindi ko talaga alam kung excited ba ako o kinakabahan para sa mangyayari na mini concert, okay naman ang lahat dahil na ayos naman na namin, Hindi ko lang alam sa mga singers dahil hindi naman ako naka assign doon.
Niligpit ko ang mga nakakalat nang nakuha ng mga damit ang atensyon ko, lumapit ako doon at napangiti. I'm not sure if they bought these or just rented it. Isang dress na may mga bulaklak ang hawak ko ngayon para siyang dress noong panahon nila Mama nakita ko sa isang picture niya noong dalaga siya na ganito siya manamit.
"What a nice choice" sabi ko sa sarili bago ibalik ang dress.
Nang matapos akong mag tingin ng gamit ay napag pasyahan ko na bumalik sa dorm para gawin ang mga assignment ko.
---
"Waltz!" Sigaw ko nang makita ko siya na nakatayo sa harap ng dorm namin. Agad akong lumapit sa kaniya na may ngiti sa labi.
Nakangiti siya ng malawak at agad na kinuha ang kamay ko "I'm so happy for you!" sabi niya.
Mukhang nalaman niya na ang tungkol sa kanta, Ngumiti lang ako sa kaniya at mag papasalamat na kaso bago ko pa maibukas ang bibig ko ay agad niya akong niyakap na siyang kinainit ng buong mukha ko.
What's wrong with me? Nag kasakit ba ako dahil sa pag papaulan ko noong isang araw?
"Are you free right now?" Tanong niya nang humiwalay siya sa yakap at nakangiti pa siya.
Tumango nalang ako sa kaniya dahil hindi pa talaga ako makarecover sapag iinit ng mukha at ngayon ramdam na ramdam ko ang puso ko na umaalog alog.
Matapos ang pag tanong at pag tango ko sa kaniya ay nag aya siyang lumabas kaya naman ay nandito kami ngayon sa river side na malapit lang naman sa school. Sobrang ganda at hindi ko mapigilan ang sarili kong mag tatakbo na parang bata, tawa lang nang tawa sa akin si Waltz habang nakasunod siya sa akin. "Grabee Waltz! Mag iilang months na ba ako dito pero ngayon lang ako nakapunta dito?" I happily said almost screaming.
Hindi pa madilim at may araw pa rin kahit na mag 5 pm na, sa tingin ko mas maganda dito kapag gabi. May naka palibot kasi na green na green na grass sa river at ang tinutuntungan naming ngayon ay malawak na footpath , bawat gilid nito ay may mga poste ng ilaw. Medyo mahangin din dito.
Mag kasabay na kaming nag lalakad ni Waltz ngayon at hindi talaga matanggal sa labi ko ang ngiti.
Dumiretso kami sa isang restaurant, dumaan pa muna kami sa hagdan at sa gilid nito ay mayroon pang pabilog na balcony."Angdali mo talagang pangitiin." sabi niya habang nakatingin sa akin. Natawa naman ako bago pumili ng pagkain namin. Ang pinili ko ay sinigang na bangus na siyang kinagulat nitong lalakeng kasama ko pero tinawanan ko lang siya.
"Ikaw, kung makareact ka kanina hahah." sabay iling ko.
Ngumiti naman siya nang malawak at tinitigan niya ako "You're really simple yet elegant."
"Well, Thank you." biro kong pag yayabang.
Nag kwentuhan kami at nag tawanan, naikwento niya sa akin na simula bata ay mahal niya na talaga ang pag tugtog pero hindi niya raw ginustong maging singer o isang star. Gusto niya raw mag karoon ng eskwelahan para sa musika. Grabe talaga itong lalakeng ito gusto niya talagang ibahagi sa ibang tao kung ano ang kakayahan niya.
Dumating na ang pag kain namin at hindi ko na napigilan ang sarili ko na kumain ng marami dahil ang sarap talaga ng sinigang.
Open area itong restaurant at tanaw na tanaw namin ang ilog dahil sa unti unting pag sindi ng mga ilaw, sobrang ganda at ang kulay ng langit ay kulay orange na.
Gusto ko pa sana mag libot dahil sa sobrang ganda ng tanawin kaso may tumawag kay Waltz kaya hinatid niya na ako agad dito sa dorm.
"Pasesnya kana at may kailangan akong gawin." Sabi niya medyo naka pout pa ang labi.
Natawa ako at mahina kong pinisil yung kamay niya kahit na yung pisngi niya talaga ang gusto kong pisilin. "Ayos lang 'yon Waltz, Thank you so much!"Nag paalam na ako sa kaniya at aalis na sana ako dahil tinataas niya na yung salamin ng kotse niya pero may sinabi siya na kinagulat ko "I want to know you more, Jurelle." ngumiti siya at nag maneho na paalis, hindi ko manlang siya na sagot. What does that mean tho?
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...