Fresh air touches my skin and all I do is feel it, Only sounds of the birds and waves that I hear.
Sometimes, it is good to be alone.Limang araw na ako dito sa resort, Bago pa ako tuluyan umalis noong isang araw ay hinintay ko na muna si Angel na bumalik sa dorm. Kinausap ko siya at nag paalam ako ng maayos, I even tell my parents that I'll be on a vacation.
Hindi katulad ng usual na bakasyon namin every sem this time is the shortest one, malapit na kasi kaming grumaduate at ang bungad sa amin ng unang sem ay ang thesis namin.
"Stop thinking about school for now." sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim.
Hindi ko alam kung maga na ba ang mata ko sa gabi gabi kong pag iyak, siguro hindi naman mali kung nararamdaman ko pa rin ang sakit? Questions keep on messing my mind and it can't be answered yet. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.
Naglalakad ako sa dalampasigan at dinadama ko ang hangin, It's summer kaya mainit pero dahil sa tulong ng hangin ay hindi ako nag papawis at hindi ako gaano naiinitan.
"Kuya, pabili ng buko." I said with a warm smile.
Masarap talaga ang buko dito, araw araw na yata ako umiinom nito tuwing mag lalakad ako.
Inabot ko ang fresh na buko at nag bayad na.
Kahit papaano ay nababawasan paminsan minsan yung bigat na dala dala ng puso ko, Maybe I just really need to find out how to think more about things that would help me to feel good not things that will only hurt my heart.
---
"So, How's your Summer Vacation?" marahan na tanong sa akin ni Tita habang binababa ang tasa ng kape.
Matapos ang isang linggong pag iisa ay naisipan kong dito na muna ako tumuloy kay tita, lagi siyang wala kaya ako na ang nagbabantay ng bahay.
Tumango ako at ngumiti "It's great, tita."
Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan ako, halata niya ba ang namumugto kong mata? Hope not.
Okay, ilang araw na ang nakalipas pero umiiyak pa rin ako. I thought I already run out of tears, but no patuloy lang ako sa pag iyak sa tuwing naalala ko siya.
Alam kong gusto mag tanong ni tita pero kahit tanugin nila ako ay hindi ko kayang magkwento, I don't want Lian to look bad. After all I don't know the real reason yet.
Biglang may tumawag sa kaniya at naiwan akong mag isa dito sa likod ng bahay.
Presko ang hangin dito kahit na summer dahil sa mga halaman at puno na nakatanim dito sa garden, mas maliit siya sa garden namin sa masyon pero presko dito dahil iba pa rin kapag nasa probinsya ka.
Tumayo ako at lumapit sa duyan, umupo ako at pinikit ko ang mata ko.
Mabuti nalang at may magagandang place tulad nito, para gumaan ang pakiramdam mo. Sa maraming bagay na masamang nangyayari ay lagi pa rin may magandang bagay, kaya dapat kahit na gaano kasama ang araw mo ay titingin ka pa rin sa magandang side.
Kahit na nadurog at nasaktan ang puso ko, at least humihinga pa ako at pinagpala ako ng Diyos dahil marami pang taong nag mamahal sa akin. Napangiti ako sa na isip ko.
I think that even though this vacation didn't really totally wipe my tears but at least it helped me to get better.
"So, you think makakatakas ka sa amin?" natatawang wika ng isang matinis na boses.
Dumilat ako, At napangiti nalang sa kambal ko na nakasuot pa ng shades. Nice artistahin, ha. Maikli na ang buhok niya, hindi tulad ng dati na parehas kaming medyo wavy at hangang bewang ang buhok ngayon ay hangang balikat niya nalang ito.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...