Chapter 5

20 3 0
                                    


Balik na naman ako sa normal na buhay ko dito sa school.

Hindi ko maipaliwanag kung nag enjoy ba ako sa three days na walang klase, dahil nasira talaga ang araw ko dahil doon sa bestfriend ko na parang hindi makaintindi.

Pero masaya naman ako atleast kasama ko si mama ng tatlong araw.

Hindi ko na nga lang din kinuwento sa kaniya ang nangyari at hindi ko rin pinahalata kasi baka mag alala pa siya and it’s good na after noong sagutan namin ay hindi ko na siya nakita.

I think that for now it’s better that way.

“Tulala ka na naman, Is there something bothering you?” Waltz Asked me worriedly.

We’re here inside our classroom at kakatapos lang ng quiz namin.

Good that I can answer almost everything.

“May iniisip lang ako.” Matamlay kong sagot sa  kaniya.

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko, Aba! nag pabraid pa ako tapos guguluhin niya lang.

“Kumain nalang tayo ng icecream, tara!” He excitedly said it, followed with chuckles.

Ayoko na sana sumama kaso hinila na ako ni Waltz kaya wala na akong nagawa.

Hindi naman sa nag iinarte ako pero what happened to me and my bestfriend did really affect me so much.

“Wag kana mag isip muna.” Natatawang saway sa akin ni Waltz sabay subo ng icecream sa bibig ko kaya dumikit yung icecream sa labi ko.

Napanguso nalang ako dahil sa ginawa niya, napakaloko talaga nitong si Waltz. Kinain ko na ang icecream at nag lalakad naman kami ngayon malapit sa fountain.

Pinag uusapan na kasi namin ang magiging plano para sa gaganapin namin na mini music festival dahil ito ang ipinagagawa sa amin, dito rin kukunin ang grades namin for this sem kaya naman medyo kinakabahan kami.

“I think we need to start planning tonight.” Seryoso nitong sabi.
I just nod at him while thinking about how I can make this event a successful event.

--
It’s six pm and I’m heading to the center canteen right now, doon lang kasi ang bukas kapag gabi.

It’s windy tonight and I can even hear the sky is roaring, Honestly it makes me scared. Dapat pala hindi ko nalang sinuggest na sa canteen kami.

Napatalon at napapikit ako sa gulat nang biglang may  humawak sa braso ko.

“OH MY GOSHHHHHH!”
Napadilat nalang ako at automatic kong napalo ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. Ang loko tinatawanan ako, mukhang ‘di na makahinga sa kakatawa.

“You look so funny!” Psh, Sama talaga ng ugali nitong si Lian.

Inirapan ko nalang siya at tinalikuran. “Get lost.”

Tumakbo na ako nang makita kong malapit na ako sa canteen at agad ko rin naman nakita si Kat kat na kumakaway.

“Kanina pa ba kayo dito? Sorry, I’m late.” Nakakahiya talaga nalate pa ako taga dito na nga lang ako sa loob, late pa ako.

Ngumiti sila sa akin at saka inabot sa akin ang mga pag kain. “Okay lang ‘yon Juls, kain na muna tayo.”

Maraming nakahanda at isa na doon ang paborito kong Sinigang na baboy, kaya naman nag sandok na ako at syempre hindi makakalimutan ang mag pasalamat sa Diyos.

Kumain  kami at nag kuwentuhan tungkol sa ideas ng bawat isa.
“I think every group is into something new.” sabi ni Philip bago niya isubo ang gulay.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon