Chapter 16

8 0 0
                                    

Despite of that drama this morning we still need to travel together, everyone is awkwardly silent but I think it's better like that since sariwa pa ang nangyari.

Nang makarating naman kami sa historical museum ay nag usap usap kami na mag hiwalay para mas marami ang makalap namin na impormasyon.

My roommate tried to ask me to go with her, but Waltz told her to leave me alone for awhile, thanks for his suggestion tho.

Naglakad lakad ako at tinitingnan ang bawat disenyo ng mga damit noong unang panahon, grabe para silang mga prinsesa kung manamit dati. Sa tingin ko kung mag susuot man ako ng ganyan ay hindi rin magtatagal dahil sa init ng panahon sa Pinas.

Nilibot ko ang buong place at umabot na ako sa labas, medyo mainit ngayon at hindi ko maramdaman ang hangin buti nalang dress ang suot ko kaya hindi ako gaano pinag papawisan. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko ang store ng icecream kaya agad rin akong nag decide na tumawid kaso bago pa ako makahakbang ay napasapo ako sa noo sa sobrang lakas ng pag kakauntog ko sa isang bagay... o tao?

Halata ang tigas ng kaniyang dibdib dahil sa masikip niyang kulay puting damit, agad kong inangat ang tingin ko at nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Lian na nakangisi.

Tsk Why is he here!? "Lian!?" naiirita kong wika.

Tumawa lang siya at umilling iling, ayan na naman siya parang nasisiraan ng ulo. Sayang naman medyo gwapo pa naman siya.. medyo lang naman.

Hindi siya nag salita at agad hinawakan ang kamay ko at dinala ako kung saan. Wala rin naman akong magagawa dahil ang lakas niya.

Dirediretso lang ang lakad namin at nilagpasan pa namin yung icecream, hmmp! Gusto ko ng icecream.

Huminto siya sa isang malaking puno na may bench sa gilid, agad kong hinila pabalik ang kamay ko na hinayaan naman niya. Sinimangutan ko siya bago mag salita.

"Ano ba Lian, bakit mo ako dinala dito?" Nagkrus ang kaniyang braso at sumeryoso ang itsura niya.

Nagsalubong ang kilay ko— tinitigan ko rin siya at bigla naman siyang nag pout,parang nagpipigil siyang ngumiti. "Mag isa ka lang, Ang roommate mo kasama si Waltz sa mantalang yung dalawang mag kasintahan naman ay mag kasama rin." Nice kasintahan ang lalim non ah.

Inirapan ko lang siya bago tumalikod at nag lakad, bahala siya dyan ang nonsense ng paliwanag niya.
Nakalayo na ako pero ramdam ko ang pag sunod niya sa akin.

Dirediretso lang ako ng lakad hangang sa marating ko yung bilihan ng icecream, I need something refreshing.

Umorder ako ng chocolate mint icecream na agad naman inasikaso ni Ate na panay ang tingin sa likuran ko. Duh, ate baka naman malusaw yang icecream ko kakatitig mo sa lalakeng 'to.

Matapos kong kunin ang icecream ay umupo ako sa isang bench malapit lang din sa museum, babalik ulit ako sa loob mamaya dahil baka tapos na sila pero ngayon siguro ay nag eenjoy pa naman sila.

Nakangiti akong kinakain ang icecream ko, hmm refreshing. Tumatawa si Lian na nakatayo sa harapan ko pero hindi ko siya pinapansin, bahala siya basta kakain lang ako.

"Baby ko talaga." tsk ayan na naman! Ang galing niya talagang mang inis.

Nag simula nang humangin at nililipad ang buhok ko kaya inayos ko muna ang mga hibla ng buhok ko.

"What Lian!?" naiirita kong sigaw.

Habang inaayos ko kasi ang buhok ko ay bigla niyang dinilaan yung icecream ko, tsk. Inaabot ko ito sa kaniya pero tinatawanan niya lang ako.

"Hays Jurelle, kainin mo na yan baka tumulo ulit." sabi niya sabay lapit ng icecream sa bibig ko kaya tumama ito sa labi ko.

Ah ganiyan pala ang gusto niya ah.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon