Chapter 6

21 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang mall malapit sa School, ang init kasi at kailangan ko rin libangin ang sarili ko para naman makaisip ako ng magandang plan para sa event na gagawin namin.

Mag kikita ulit kami mamaya ni Kat kat dahil partner ko naman siya sa isa kong report tungkol sa Filipino Music at kailangan namin mag interview ng mga tao, Pero dahil mamaya pa 'yon siguro mag enjoy muna ako bago ako ma stress.

Mga magagandang dress ang tinitingnan ko ngayon dito sa isang boutique, Napansin ko ang isang kulay red na dress na hangang tuhod lang ang haba at agad ko itong kinuha.

Mahirap na baka maunahan pa ako, mukhang last na color red pa naman siya. Sinubukan ko muna siya kung babagay sa akin at bumagay naman.

So, I decided to buy it.

Naglibot libot pa ako ng isang oras dito sa mall bago tumawag sa akin si Kat Kat para sabihin na magkita na raw kami sa isang ramen house.

Buti nalang at malapit lang ito sa kinatatayuan ko at hindi na ako nag lakad ng malayo.

"Kumain kana ba Juls?" bungad sa akin ni Kat kat.

She's really cute and nice. Simple lang naman si Katkat pero grabe nakakagaan talaga sa puso ang ngiti niya.

Ngumiti ako bago umupo sa tapat niya " Hindi pa nga eh" Tumango lang siya at tinawag niya yung waiter para makapag order na kaming dalawa.

Dahil mahilig ako sa maanghang ay umorder ako ng Hot Ramen.

"So, what is the plan?" Tanong sa akin ni Katkat habang nilalabas niya ang isang folder.

Actually napag isipan ko na rin kanina habang nag iikot ako. "First we'll decide on the name or the theme" Sabi ko habang nakatingin sa notes ko. Tumango naman siya.

"How about way back to 90s?" I asked while still thinking.

Napaisip din naman siya at bahagyang umiling "Kung ang ilalabas natin ay ang 90s song ng Filipino, then we should name this event in tagalog." Paliwanag niya sa akin habang nakahawak ang kamay niya sa kaniyang baba.

Tama siya, in that way we'll be having a Filipino theme kasi 'yon naman talaga ang goal namin "Balikan ang nakaraan?"

"Pwede naman yan Juls pero siguro mas better pag.."

Nagulat ako nang biglang umupo si Waltz at nag salita "Kung maibabalik lang."

Hmm! Catchy. tumango ako at sumang ayon din naman si Katkat kaya isinulat na namin ito agad.

"Nga pala, wala si Philip kasi inasikaso niya yung sa room natin para sa preparation ng event para hindi na raw tayo lumalabas ng campus.

Sakto naman na pag dating ni Waltz ay dumating na ang pag kain hindi ko napansin na pinag order na pala ni Kat kat si Waltz.

Nag enjoy na muna kami sa pag kain bago namin tinuloy ang usapan. Halos lahat naman na ay na i-notes na naming, sana madali lang ang pag ayos ng lahat ng ito.

"So yung Theme, 90s Filipino music tapos yung title ay 'Kung maibabalik lang' then we're going to check the venue doon sa plaza malapit sa simbahan." Pag basa ko sa nakasulat habang nakikinig lang sila.

Next naman na mag prepresent ay si Waltz "We're going to invite yung mga vloggers na nag cocover ng songs atleast 5 at sinulat ko dito sila Kristen, Justin at kukuha nalang ako ng tatlong singer ng school."

"Yung sa songs naman nag list ako dito yung nasearch ko kanina na best 90s songs. Kasama dito yung kanta ng Moonstar88 Torete, Hangang ngayon, Nandito ako, Meron ba, Pag dating ng panahon, Harana tapos tuloy pa rin." Binabasa na ngayon ni Katkat yung nasa notebook niya.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon