Chapter 18

11 0 0
                                    

Maaga ang klase namin ngayon dahil nilipat ito sa umaga para mahaba ang preparation ng taga Bachelor in Arts dahil karamihan sa amin kumuha ng mag aayos ng event, And yeah kasama na ako doon at ako ang mag aasikaso kay Lian. Yung apat naman ay may kaniya kaniyang manager ewan ko ba kasi kung bakit ako pa ang nilaan para sa lalakeng 'yon.

Tanghali na at agad din na nag aya itong mga kaibigan kong kumain bago pa namin gawin ang mga naka assign sa amin.

Nag lalakad kami patungo sa Canteen ng campus namin nang biglang tumunog ang phone ko at dahil hindi ko ugaling pag hintayin kung sino man ang nagtext o tumawag sa akin ay agad ko itong sinagot.

"Hello?" patanong kong pag bati.

"Where are you?" Malambing nitong tanong.

It's Lian and I don't know what's wrong with that kind of voice, Bakit parang nag lalambing siya.

Umiling nalang ako sinagot ang tanong niya "Papunta sa canteen, why?"

"Alright..." rinig ko ang mahina niyang tawa at naiimagine ko ang pag ngisi niya.

Pero wait? Nilayo ko ang phone ko sa tenga at nagulat ako nang may humablot nito na agad ko rin naman inirapan.

"Hi, Jurelle." Nakangisi siya habang hawak ang bag niya na sinabit niya lang sa isang balikat at ang isa niyang kamay ay hawak ang phone ko.

Umiling iling ako bago kinuha ang phone ko sa kaniya.

"Ano na naman ang trip mo?" Mahinahon kong tanong.

Tumaas ang isang kilay niya sabay ng pag ngisi niya, Oh..now I can't deny that he's really gorgeous.

"Ikaw." saad niya na ganon pa rin ang itsura.

Iwan ko na kaya siya? Pakiramdam ko kasi pag nag tagal ako dito tatalon na puso ko papunta sa kaniya.

Tsk. Nilagpasan ko na siya ngunit mabilis niya naman hinila ang kamay ko.

"Lian, Let go." Mahina kong pakiusap.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit lately nag kakaganito ako kapag kasama ko siya, malakas yung pintig ng puso ko pero minsan naman ay parang mabagal ito at hindi ako makahinga ng maayos.

Naglakad siya ng dahan dahan at inayos niya ang hawak sa kamay ko, kung kanina ay mahigpit ngayon naman ay gentle ang pag kakahawak niya.

Hindi na ako nag salita at napapansin ko nalang ang mga babaeng tinuturo kaming dalawa at yung iba naman ay nakikita kong nakanguso na parang nalulungkot.

Of course, alam kong sikat si Lian hindi lang dahil gwapo siya pero dahil sa mala anghel niyang boses.

Dinala niya ako sa harap ng school, ayoko na talaga makipag talo sa kaniya kaya sumunod lang ako nang hindi nag sasalita ganon din naman siya ni hindi manlang sabihin kung saan kami pupunta.

Nakita ko ang kotse na lagi niyang ginagamit, huminto ito sa harap namin at agad naman akong pinag buksan ng pinto ni Lian. Tumingin muna ako sa kaniya at ngumiti lang siya.

Shoot.. Lian no don't smile, I'm having a hard time breathing right now. Yung ngiti niya ay maaring maging dahilan ng paghinto ng hininga. He has that adorable smile.

Pumasok na ako at sumunod naman siya.

Sa wakas nabasag na ang katahimikan dahil sa pag tanong ni kuyang driver niya (yata?)

"Aba at ginawa mo akong driver Gil ah!" Asar na sabi nung lalake sa harapan na tumawa naman.

Hala? Hindi niya driver.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon