Chapter 13

13 2 0
                                    

Isang linggo nalang at matatapos na ang bakasyon ko, Nakakalabas naman ako kasama ang kambal ko at masaya ako dahil doon. Busy naman sila Mama pati narin sila Lolo at Lola tinutulungan din sila ni Kuya kaya madalas kaming dalawa lang sa bahay ni Jea.

Tulad ngayong araw na ito.

Nakaupo si Jea sa kama habang nanonood ng kung ano sa kaniyang laptop ako naman ay nag susulat ng kanta dito sa lamesa.

Pumikit ako ulit para mag concentrate ngunit napadilat ako bigla at muntikan na rin akong malaglag sa upuan ko dahil sa pag tili nitong si Jea.

"Ano ba Jea! Nakakagulat ka." Pasigaw kong saad. Ngumiti lang ang bruha at tumakbo pa punta sa akin at niyugyog niya ako.

"Sis! Sis! Watch this." excited niyang inabot sa akin ang laptop niya na nakakunot noo ko naman hinarap.

I played the video.

Wait... This is familiar not only the person who is singing.

"That's My Song!" sigaw ko.

Tumango tango lang si Jea at feeling ko matatanggal na ang ulo niya.

Halaa! Naiwan ko yung notebook ko sa dorm at akyat dorm lagi itong si Lian , Ibig sabihin kinuha niya ang kanta ko?! Gusto ko sana mainis pero umaapaw sa tuwa yung puso ko dahil sa dami ng view at comments na nag sasabing yung kanta raw ang lalong nag hahaplos sa puso nila at mukha itong nangungusap sa kanila.

Pinanood ko ito hangang sa huli at nakita ko ang nakalagay na pangalan ko na ako ang sumulat, napangiti ako ng todo at hindi ko na maipaliwanag ang umaapaw na saya at encouragement na nararamdaman ko.

Sabi ko hinding hindi ako susuko.

---

"Anak, pasensya ka na at hindi ka namin masyadong nabigyan ng oras nitong bakasyon." malungkot na sabi ni Mama habang inaayos ang buhok ko.

Nandito na ulit ako sa dorm, Back to normal.

Matapos kong mag paalam at halikan si Mama ay agad naman siyang umalis, mag isa lang siya dahil hangang ngayon ay busy pa rin sila Dad.

Excited akong papasok sa loob ng building nang biglang may humawak sa braso ko kaya naman ay agad ko itong hinarap "Hmm?" mahinahon kong tanong

Dalawang babae na mukhang mas bata pa sa akin ang nasa harapan ko ngayon at mukhang nag tutulakan pa sila. "A-ate tawag po kayo sa faculty ng Bachelor of Arts." Sabi nito at tumalikod na.

Tumango ako kahit na hindi naman nila ako nakikita na at nag lakad na rin ako, buti nalang at naipatong ko na yung gamit ko doon sa baba ng building safe naman siguro.

Nakarating kami sa faculty namin dito sa lumang building. Pumasok na sila sa loob at agad ko na rin naman silang sinundan.

"Oh Hija!? Bakit nandit-" Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya at tumingin na siya sa dalawang batang babae.

Lumapit ako sa table ng Dean at umupo ako sa upuan dahil itinuro niya na ito. "Pinapatawag daw po ako?" Tumango tango siya at tumingin uli doon sa dalawa bago umiling

"Sabi ko tawagin niyo pero hindi agad agad, hindi niyo manlang pinagpahinga si Miss Mc Xielle."
Naguguluhan ko siyang tiningnan, bakit ba kasi ako pinatawag dito? Ngumiti nalang ako at naghintay sa sasabihin ng Dean.

"I wanted to ask you a favor and also it's an opportunity for you too." sabi niya sa seryosong tono pero nakangiti siya. Tumango lang ako ng marahan at nakinig na muli.

"I want you to be a writer for our school singers, you know what I mean right?" He said while holding a pen and his other hand is getting a paper.

Tumango ulit ako bago ko siya sagutin "Opo."

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon