Chapter 9

21 3 0
                                    

Natapos na rin namin sa wakas ang mga props at design na kailangan namin sa gaganapin na event. Kasalukuyan nag pa-practice ang 4 na singer na nakuha namin, hindi ako makapag focus dahil sa akin talaga nakatingin si Lian, Ano na naman kaya ang problema nito?

Lumabas na muna ako ng room namin para sana bumili ng makakain pero nagulat ako nang makasalubong ko si Angel na maraming bitbit kaya agad ko rin naman siya tinulungan at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng room namin. "Kumain na muna kayong lahat pinag luto ko kayo." nakangiti nitong saad at ibinigay niya sa amin ang mga nakabox na pagkain.

Hindi ko na napigilan at napangiti ako ng todo kahit na pagod na pagod ako,ikaw ba naman ang may supportive na kaibigan hindi ka ba ngingiti?

Nandito ako ngayon sa may fountain sa harap ng building namin para magpahangin, sobrang napagod kasi ako doon sa mga ginagawa namin. Matapos ng ilang minuto na nakaupo lang ako doon ay may nag text sa akin na classmate ko na pinapatawag daw kaming lahat ngayon sa classroom kaya naman agad na rin akong pumunta doon na hindi ko manlang nasasabihan ang mga kagrupo ko, For sure they already know it too.

Akala ko ay may klase kami ngayon dahil sa schedule naman talaga ng subject namin na ito ngayon pero tinawag pala kami para bigyan ng project. Composing ang subject namin ngayon at isa ito sa hilig ko.

Nag papaliwanag ngayon si Sir Marino isa sa pinakamagaling namin na prof "This will help your final grades.So, I hope you'll do your best"

My eyes is on the board and I'm enthutiast to do it soon. Sinusulat ko ang bawat key points na sinasabi ni Sir nang may naramdaman akong kumakalabit sa akin kaya agad ko rin naman itong hinarap "Bakit Waltz?"

Ngumiti siya bago bumulong sa akin na siyang nag pakalabog sa puso ko "Do you want to do it together? I mean the instrumental."

Tumingin lang ako sa kaniya bago tumango ng dahan dahan nang makita naman 'yon ni Waltz ay ngumisi lang siya at humarap na muli sa prof namin.

Ano ba yan bakit ba kasi ang ganda ng ngiti niya? Yung labi niya na kulay peach na parang ma-

Wait, I shouldn't be thinking like that, inalis ko na rin yung tingin ko sa kaniya at nakinig na lang muli.

Natapos ang halos isang oras sa pag papaliwanag ni Sir. At hindi naman 'yon nasayang dahil marami rin naman siyang nabigay sa amin na tips sa pag susulat ng kanta, gusto ko na tuloy agad magsulat ngayon.

Dumiretso ako ka agad sa kwarto ko para makapag sulat na,buti nalang at practice lang naman ng mga singer na kinuha namin para sa project kaya hindi ko na kailangan pumunta doon sa room na nilaan para sa project namin.

"Mukhang busy ka na naman ah." Malambing na tinig ang narinig ko habang ginagalaw ko ang gitara, sinusubukan ko kasing gumawa ng melody muna pero parang hindi ko talaga makapa yung tono.

I pout looking at Angel while she's infront of our tv right now, Probably watching her favorite melodrama again. Hindi kaya siya nag sasawa?

"Angel, lalabas muna ako pero may alam ka bang magandang tambayan dito?" Tanong ko sa kaniya habang kinukuha ko yung cellphone ko.

Magsusulat ako ng kanta sa ibang lugar. Umalis na ako agad nang sabihin sa akin ni Angel kung saan magandang tumambay.

Tinahak ko ang daan na tanging maliliit na ilaw lang ang nakikita ko, sa maliit na park ako pupunta dito sa pagitan ng dorm namin at ng canteen. Hindi ako natatakot dahil mukha naman safe dito.

It's breezy here, The blowing wind is making my hair dance with its rhythm. I remove the leaves that make its way to sit on the bench. Is it going to rain? I hope not.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon