After that day we've been only texting but not seeing each other, he looks so busy but I will just only visit him in his dorm and give him food.
Wala rin akong ibang ginawa kundi mag focus sa pag aayos ng papers ko para sa ojt ko, dapat nga ay hindi na ako mag ojt pero dahil sa hindi ko na tinuloy ang pag manage sa mga singers ng school ay kinailangan kong mag ojt tulad ng sa mga kaklase ko, ang pinag kaiba lang ay binawasan na ng prof namin ang oras ng akin dahil tumulong naman nga ako sa singers at sa pag sulat ng mga kanta nila.
Sa totoo lang kung tatanungin ako ay sasabihin kong nalulungkot ako, I'm not seeing his smile.
We always talk only for awhile and later on he'll tell me na need na niyang ibaba ang call.Next year ay fourth year na kami, kaunting tiis na lang ay makakagraduate na rin ako, but unfortunately I'm still confused. Kaya ko pang sumulat ng kanta pero paano naman yung pangarap kong kumanta? Wala na ba talaga akong ibang paraan para matupad ko 'yon?
Huminga ako ng malalim at ngumiti bago ko tinulak ang isang itim na pinto, pag kapasok ko palang ay napayakap na ako sa folder na hawak ko dahil sa lamig.
Nandito ako sa isang radio station para mag pasa ng files ko, mag sisimula na ako dito mag ojt bukas at medyo excited na kinakabahan ako.
Hindi na umuugong ang tenga ko at normal ang lahat simula nung pumasok ako at naturuan na rin ako ni Lian sa mga instrumento, kahit na hindi ko man 'yon kailangan dito ay hindi pa rin mawala sa isip ko na tinuruan niya ako at medyo okay na ako. Hindi nga lang ako makapag patuloy sa pag kanta, but at least I'm feeling better.
Huminga ako muli at lumapit na sa matandang nakaupo. " Ito na po yung files ko at nandyan na po yung letter galing sa UDSA."
Ngumiti ang matanda at tinanggap ang inaabot ko.Kinausap ako nito at ipinaliwanag lahat ng kailangan kong gawin dito at matapos non ay nag paalam na rin ako.
Nagugutom na ako at balak kong kumain doon sa river side na lagi namin pinupuntahan dati.
Simula ng umakyat kami sa panibagong taon ay nakasanayan ko ng kumilos nang wala sila, hindi naman nakakalungkot mag isa nakakaenjoy pa nga pero namimiss ko sila. But I do understand that they have a lot of things to do.
Tulad ni Angel na halos dalawang beses nalang umuwi sa isang linggo dahil sa sobrang busy nito ay doon na sa hotel natutulog. Masaya ako para sa kaniya dahil alam kong nagagawa niya na ang pangarap niya.
Nakangiti kong tinatanaw ang mga batang nag hahabulan sa maliit na foot bridge, nakasalampak ako dito sa damuhan at nakapatong ang mga binili kong pag kain sa damo.
Pumikit ako at dinama ang hangin, ang sarap talaga sa pakiramdam. I stayed like that for awhile when suddenly a warm hands touches my closed eyes.
Gusto kong dumilat pero may nag takip ng mata ko, madali ko itong hinawakan at inalis, nag madali akong tumayo at hinarap ang taong nagtakip ng mga mata ko.
"Lian?" nagtataka kong tanong.
He laughed and gave me a tight hug. It's a longing and warm hug, ayaw kong humiwalay sa kaniya.
Hindi ko mapigilan ang mainit na likidong bumubuhos na mula sa aking mata. "I didn't see you for 2 weeks."
Ramdam ko ang mas pag higpit ng kaniyang yakap, ngunit kahit mahigpit ay ramdam ko ang pag kakumportable ko.
Umupo kami at pinunasan ko ang luha ko, tumawa siya at lumapit sa akin para halikan ang aking noo. I'm torn between smiling and poting, but I chose to stay still and feel his lips.
"I miss you so bad." matipid ngunit ramdam na ramdam ko ang sinseridad nito.
"Ihahatid kita bukas sa radio station, Gumising ka ng maaga." Sabi niya na may pang aasar pa sa tono.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...