Nandito ako ngayon sa harap ng building namin at nakasuot ako ng kulay purple na above the knees na dress, Hindi naman sa pinag handaan ko ang lakad namin pero ganito talaga ako manamit simula bata pa ako.Tiningnan ko ang paligid ng area at masasabi kong sobrang fresh talaga tingnan dahil sa mga puno at bulaklak na nakatanim sa gilid.
I was smiling when I noticed a car entering the gate, It’s really familiar to me. Huminto ito sa harap ng kabilang building at lumabas mula dito si Reo!
Gosh! Ano ang gagawin ko?Agad agad akong pumunta sa may likuran ng building ng dorm namin at tinawagan ko si Waltz para sunduin ako dito, Hindi ko na sa kaniya muna na ipaliwanag ang nangyayari dahil kinakabahan talaga ako.
Ilang minuto lang nang makita ko na paparating ang isang motor dito malapit sa akin at nakita ko si Waltz na bumaba at agad niyang sinuot ang helmet sa akin.
Hindi ako sanay sumakay sa motor pero dahil kailangan ko na nga umalis lalo’t lalo na nang makita kong napansin ni Reo na may tao dito sa likod kaya naman agad na akong sumampa sa motor kahit na nakasuot pa ako ng dress.
Pinaandar ni Waltz ang motor niya nang mabilis dahilan para mapakapit ako sa kaniya.
Shoot! Napapikit na lang talaga ako dahil sa takot kong malaglag.
Ilang minuto lang naman ang binyahe namin at huminto kami sa isang asul na bahay, hindi siya ganun kalaki pero masasabi kong may kaya ang nakatira dito.“Baba kana Jurelle.” Sabi niya sa akin Ngunit hindi ako marunong bumaba at mataas din ito! Nang mapansin niya siguro na nag aalangan akong bumaba ay bumaba na siya at nagulat nalang ako nang bigla niya akong binuhat at ibinaba.
I’m shocked and I can’t even say anything but smile a bit. Don’t talk to me nahihiya ako.
But then he smiles and speak. “Mukhang hindi ka sanay sa motor ah.”
“Ah, O- Oo!” naglakad na siya papunta sa gate at pumunta siya sa garage habang ako ay nakasunod lang sa kaniya,Binuksan niya ang pinto para sa akin at pinapasok ako sa loob nito.
“Kotse ko ‘to regalo nila Mama.” Sabi niya sa akin na may ngiti sa labi niya pero kita ko na medyo malungkot ang mga mata niya.
“Nasaan parents mo?” Tanong ko na may pag aalangan habang inaayos ko pa ang pag upo ko dahil naupuan ko pala ang laylayan ng dress ko at umaangat ito.
Pinaandar na ni Waltz ang kotse niya at nag focus siya sa pag mamaneho at hindi siya nag salita siguro for 10 minutes.
Nang tumigil ang kotse tsaka lang siya tumingin sa akin at sinagot ang tanong ko na ikinagulat ko
“They’re already gone, Yung sinakyan nilang plane bumagsak.”
Tumango ako and I reached for his shoulder and tap it.
--
“Wow!” Napakaganda ng nakikita ko ngayon, white sand with blue color of sea.
Parang magkadikit na ang langit sa tubig dahil sa pag ka asul nito.Fresh air is hitting my skin and I love it.
Buti nalang talaga at naka denim short ako sa loob ng dress kaya hindi ako masisilipan.
Umupo kami sa sand at nakatingin lang kami ni Waltz sa tubig at alon. It’s Relaxing.
“Dito ako pumupunta kapag gusto kong makinig ng tugtog.” Saad niya na ikinapagtaka ko.
Paanong tugtog? Tumingin ako sa kaniya na may pag tataka sa mukha.
“Tugtog? Dito?”
Tumango siya bago mag salita muli nakatingin pa rin siya ngayon sa dagat “Oo, Nature’s sound is music too.” He smiles turning his gaze to me.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...