Chapter 12

14 2 0
                                    

Balik na naman kami sa normal na pag aaral. Isang linggo na rin ang nakalipas at palagi na kaming busy dahil sa mga pinapagawa sa amin ng prof namin.

Malapit na rin kasi ang finals namin at talagang kinakabahan ako, isang linggo na rin akong hindi nakakapunta sa club room namin at hindi ako nakaka attend sa mga activities buti na lang at ayos lang dahil parating na rin ang Finals namin.

Linggo ngayon at nandito kami ni Angel sa loob ng Cathedral inaya niya kasi ako kahit hindi naman talaga ako katoliko.

Pero dahil gusto ko rin naman makita yung loob nito ay sumama na ako, tahimik ko siyang pinapanood na nag dadasal. Syempre tahimik lang ako alangan naman guluhin ko siya 'di ba?

Matapos nung pag dasal niya ay lumabas na rin kami, mamamasyal kami dahil kaninang umaga pa ako umattend ng service sa church at hapon na ngayon.Inaya ko siya na pumunta kami sa river side dahil gustong gusto ko talaga yung place na 'yon.

Papara na sana kami ng tricycle nang may koste na huminto sa harapan namin, nagulat ako ng bahagya pero napawi rin 'yon at napalitan ng ngiti. Si Waltz.

---

Dinala kami ni Waltz sa River Side at nalaman kong may dala dala siyang banig. Nilagay niya 'yon sa may damuhan at nag labas din siya ng malaking box, mukhang mag pipicnic kami ah.

"Nag text kaya ako sayo pero mukhang busy ka kaya hindi mo nabasa." Sabi niya na may halong pagtatampo pero mukhang biro niya lamang 'yon.

At dahil parehas kaming matakaw ni Angel ay binuksan na namin ang box at nag simula na tingnan ang pag kain, Umiling iling lang si Waltz sabay tawa. Ang cute naman niya.

Kumakain kami at nag tatawanan habang nanonood sa mga batang nag tatakbuhan, namimiss ko talaga maging bata.

Gabi na kaming nakauwi at hinatid kami ni Waltz sa tapat ng dorm namin. Nauna na agad si Angel hindi manlang ako hinihintay kaasar talaga siya.

"Napa saya ba kita Juls?" tanong niya sa akin habang titig na titig ang itim niyang mata sa akin.
Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya ng maayos at pati yung puso ko ay nag wawala na rin.

Tumango ako bago ngumiti "Oo, Waltz! Thank you." masaya kong sinabi. Nagulat ako nang bigla niyang kinurot ng mahina ang pisngi ko kaya naman biglang nag init ang buong mukha ko.

Shems, ano ba yan Waltz.

Agad na ako nag paalam at tawa lang siya ng tawa sabay iling, para siyang ewan hmmp.

---

It's our last day of examination, Mama called last night and she told me to prepare my clothes because she'll pick me up today after our exams.

Unlike the normal exam we'll be duing an practical exam today. We'll be singing the song that our prof chose for us. That's even harder!

Halos mangiyak ngiyak na ako nang tinawag ni Sir yung pangalan ko. I love singing but singing hates me. Tumingin ako sa mga kaklase ko at inabot naman agad ng prof namin yung papel ng kanta sa akin.

"Only Hope." basa ko dito

Hahh Thank God, I know this song.

I closed my eyes, Pakikinggan ko ang puso ko dahil nasa loob nito ang musika.

"There's a song that's inside of my soul ..."

Kaya ko pa.. ramdam ko pa yung tono ko tama pa ito. Kaylangan ko lang kumalma.

Dumilat ako at napatingin sa mga kaklase ko bago ko kantahin ang chorus.

"So I lay my head back down.. " at mukhang kinabahan yata ko kaya biglang nag iba yung tono ko pero mukhang hindi naman ito napansin ng prof ko hangang sa matapos ko ang kanta, Pumalakpak sila.

Tapos na ang lahat ng exams at nandito na ako sa harap ng dorm namin para hintayin sila Mama, miss na miss ko na sila. Hindi kasi sila nakakabisita dahil sa kumpanya.

"Mamimiss ka namin" sabi ni Waltz na nakasimangot. Ang cute niyang tingnan. Nakangiti ako dahil sobrang saya ko na uuwi ako pero bigla rin yun napawi dahil sa narinig kong nag tsitsimis na babae.

Tumatawa pa sila " Alam mo ba yung Jurelle lumipat pala sa atin yun dito kasi nga hindi talaga magaling kaya nahihiya na siya doon sa Academy."

"Oo nga, tinulungan nga lang din siya ni Waltz at Lian para sa mga kanta niya, Hindi talaga yun magaling."

"Malandi rin daw." sabay tawa.

Hindi ako makahinga ang sikip sikip ng dibdib ko, hinawakan ni Waltz ang kamay ko at inupo niya ako sa upuan bago umalis para sundan yung mga babae.

Kasama ko ngayon si Angel na nag aalala na rin sa akin, Hindi ko alam..

"Hindi siya magaling"

"Hindi siya magaling.."

"Hindi..."

Paulit ulit na umaalingaw ngaw ang sinabi nila sa tenga at utak ko ang tawanan nila. Nakarinig ako ng malakas na ugong na nakakabingi bago nag dilim ang paningin ko.

---

"Okay na po siya, pero may kailangan po kayong malaman." Narinig kong sabi ng isang boses na matanda na.

Nasaan na ba ako?

Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita kong nasa loob ako ng kwarto ko sa mansion namin. Babangon na sana ako nang may marinig akong ugong sa kabila kong tenga kaya napapikit ako.

Nawala ito kasabay ng "She won't be able to hear the right tone anymore"

Hindi ako bingi at hindi rin naman ako bobo para hindi maintindhan kung ano ibig sabihin nun.
Tumulo ang luha ko at napapikit nalang ako.

Kanina pa umalis yung doktor at nakita ko si Mama na inaayos ang mga damit ko, hindi tuloy ako nakapag paalam ng maayos sa mga kaibigan ko dahil nahimatay ako kanina.

Ayoko na rin muna isipin yung tungkol sa narinig ko kanina, nalulungkot ako at nasasaktan dahil matagal ko nang napapansin ito, hindi tama ang tono na naririnig ko, hindi ko mahanap para akong nawawala sa mga malalaking kulay itim na nota. Pero, hinding hindi ko isusuko itong pangarap ko.

Isang linggo akong nakapokus lang ang atensyon ko sa pag piano, Nakaligtaan ko na rin na dadating na ang lola ko. Medyo dinapuan ako ng kaba na baka pilitin ako ni lola na mamahala na lang sa business sa Switszerland, That's what she wants.

Dumating na nga ang araw na bumalik si Lola dito at kasama niya rin si Lolo. Niyakap ko silang dalawa kahit na kinakabahan talaga ako, buong akala ko ay mag iinvite pa sila Mama ng mga tao pero ang mga narito lang ay ang pamilya namin.

"How are you? Your Dad told me that you moved to Iloilo?" She asked with her serious voice.

Shoot, I'm nervous.

I nodded and smiled "Yes, Lola." huminga syang malalim at tumango rin."That's fine. Pag butihan mo."

We don't have the maid here, Sila Mama, Dad at kambal ko lang naman ang madalas na nandito,
Kaya kami na ang nag serve ng pag kain, We prayed before eating.

Nag eenjoy kami sa pag kukwentuhan nang biglang tumingin naman sa akin si Lolo "Hija, Kamusta na kayo ni Reo?" Tanong niya sa akin na nakapag pahinto sa akin sa pag kain ko.

"Uhm.. Hindi na po kami nakakapag usap,Lo." Marahan kong sinabi habang nakatingin kay lolo pero hindi diretso ang tingin ko.

Biglang sumingit si Lola "Oh, Obviously because you told him to stop bothering you." tumawa pa siya.

Nawawalan tuloy ako ng gana. Hinawakan ni Jea ang kamay ko kaya tiningnan ko siya at ngumiti lang ito sa akin.

Laging ganito sila Lolo at Lola, Kung hindi tungkol sa negosyo ay tungkol naman sa amin ni Reo. They like Reo for me. Buti nalang at hindi naman ganun sila Mama at Dad.

______________________________________



Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon