"Ilang buwan na ah?" tanong ni Angel habang sinasalpak sa bibig niya ang chips.
Nakasimangot ako at tumatango tango.Hmm, Ghost na ba tawag sa kaniya?
After that day, hindi ko na siya nakita. Nag tetext naman siya pero hindi yung tipong tulad ng dati.
Noong una ay nagpaparamdam pa siya pero ngayon hindi na talaga, I can't even reach his number anymore.Hindi ko alam bakit hindi ko siya matawagan.
Wala rin naman akong oras nitong nakaraan para dumalaw sa bahay nila dahil marami akong ginagawa bukod sa OJT ay may mga quizzes at school requirements din ako.
Natapos lang ako kahapon at ngayon na din ang last day ko sa Radio Station.
Next week ay finals na namin, kaya wala rin akong oras mag mukmok. Ni hindi nga rin ako nakakapag online pa sa facebook, sa messenger lang ako at laging tungkol sa school lang ang topic namin ng kaklase ko. Napapachat naman sila Mama at ang kambal ko pero hindi rin nag tatagal dahil busy rin naman sila.
Habang tumatanda ka talaga marerealize mo nalang na nagiging busy na ang lahat at yung oras umiigsi nalang.
Umiling ako at nag simula na mag review.
"Dai." Tawag sa akin ni Angel, rinig ko pa ang pag nguya nito.
Hindi ako tumingin at nag patuloy sa pag buklat ng libro "Hmm?"
"Ang sabi nga pala, meron tayong ball after nitong exam." Excited nitong kwento.
Huminga ako at nag highlight "For?" simple kong tanong.
Rinig ko ang pag subo nito at nguya bago nag salita "For what ka diyan, edi para sa mga nag tapos ng ojt nila."
Hmm, may ganun pa pala. Hindi ko yun alam " Okay."
Rinig ko ang pag buntong hininga nito at hinila ang notebook na hawak ko na ngayon. "Obvious ka naman masyado! Tapos niyo na yang subject na yan eh!" sigaw nito at tumawa pa.
Hinarap ko siya at hindi ko na namalayan ang patuloy na pag bagsak ng luha ko na tila ulan na hindi nag papapigil.
Yumuko ako at hinawakan ang sariling kamay "Wala akong maramdaman na sakit, pakiramdam ko nauubos na sa tuwing iniiyak ko o sadyang namamanhid lang ako kasi naiintindihan ko na posibleng nabusy o napagod lang talaga siya."
Niyakap niya ako nang mahigpit at hinayaan akong umiyak, sa pag kakataon na ito hindi ko alam kung nakatulong ba ang pag yakap niya o hindi dahil sa biglaang pag sakit ng puso ko.
Ngayon ramdam ko na, ramdam ko ang sakit. Nanlalamig ang puso ko at pakiramdam ko ay magiging yelo ito at madudurog na rin.
---
"Aba't kumain kana." sabi ni Angel na kanina pa ako pinapanood sa ginagawa ko.
Tinatapos ko ang kanta na kailangan kong ipasa.
Natapos na ako sa exam pero may nakita akong contest ng pag gawa ng kanta kaya agad kong naisipang sumali.
Wala naman sigurong masama kung ipagpapatuloy ko pa rin ang mga pangarap ko, kahit papaano magiging masaya ako. Kahit na sa bawat araw na hindi ko ramdam ang presensya niya ay unti unting nadudurog ang puso ko.
Minsan napapaisip nalang ako kung may mali ba akong nagawa? Nag sawa kaya siya agad sa akin? Hindi ko pa siya nasasagot ay bumitaw na siya. Ganon ba talaga yun? Na kapag nahulog na ang isa ay bibitaw na ang isa? Pero mas malala yata ito dahil sabay kaming nahulog sa isa't isa pero mukhang mas nauna siyang sumuko at hinayaan na lang na ako ang bumagsak, It hurts so bad.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...