Chapter 14

10 2 0
                                    

"Tapos alam mo ba dai sobrang ganda doon.." kanina pa siya nag kukwento at hindi mapigilan simula kaninang umaga.

Nag liligpit siya habang sinasabi sa akin kung gaano kaganda at kasaya yung mga nangyari sa pinuntahan nila, wala nalang din akong nagawa kundi pakinggan siya at matawa. Paaano ba naman ang daldal niya haha.

Nakaupo ako sa kama ko habang yakap ko ang bear na binigay ni Jea sa akin, miss ko tuloy siya.
"Ikaw naman." sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ha? ayos lang naman ako." sabay ngiti

At talagang binatukan niya pa ako, inirapan ko siya ng pabiro.

"Okay naman, tumutok ang ako sa pag susulat ng kanta ko at nag piano." hindi ko maiwasan na mag tonong malungkot.

Niyakap niya ako at kiniliti bago sumigaw "Huyyy! 'di mo kinukwento! May nakakita raw sa inyo ni Lian nag dedate kayo!" tili niya at pinapalo niya ako.

Wait? Hinawakan ko ang kamay niya at nag tataka ko siyang tiningnan "Hindi kami nag dedate, Saan mo yan narinig?"

Tumawa lang siya at nag kibit balikat "Lumilipad na balita dai."

My gosh! Ayokong mababalitaan yung ganun tungkol sa akin! Nagkumot na ako at nahiga na lang.

Bahala na, mag papahinga ako dahil bukas may pasok na kami.

---

Hindi na ako kinulit ni Angel kaya nakatulog naman ako at ngayon pag kagising ko ay wala naman siya dito sa room, Pumasok na siguro yun.

Mamaya pa kasi ng hapon schedule ko today, first subject palang namin "Voice" na agad. Kinakabahan ako. Bumangon na ako at nag hanap ng makakain sa ref buti naman at meron salad hehe.

Nag simula na akong kumain at nanood ako ng music lesson, yan lang ang lagi kong ginagawa.

Nang matapos ako sa music lesson na pinapanood ko ay nag exercise muna ako bago dumiretso na sa cr, siguro diretso muna ako sa music room para mag piano.

Gitara lang naman kasi ang nadala ko dito sa Iloilo at nandoon sa Mansyon ang piano ko.

Halos kalahating oras ang tinagal ko sa pag aayos ko at 10 am palang ngayon, suot ko ang puting blouse at above the knee red mini skirt namin since it's not wash day today need namin na naka uniform.

Tinali ko ang kalahating buhok ko at hinayaang naka lugay ang kalahati pa, hindi rin ako nag lalagay ng make up kundi ang red lipstick dahil nga maputla ang labi ko.

I walk pass every student, I'm not going to care whatever they say.

Walang tao dito sa music room at nag lakad na ako agad patungo sa gitna kung saan naka puwesto ang piano, hinawi ko ang palda ko at umupo na.

Pumikit ako at dinama ko muna ang puso ko bago ko pinatong ang mga daliri ko sa piano.

"We were both young when I first saw you

I close my eyes and the flashback starts I'm standing there..."

Feeling the song inside my heart, it seems like every note, tone and melody is right. When it comes to music it is not my voice or ears that I trust but my heart.

I put my fingers on every key where I think it should be. My heart and my hands is the only part of my body that is moving right now, My ears can't hear the right tone and my lips is not even singing.

I open my eyes slowly when I suddenly hear someone clapping, I didn't look but instead just sit there looking at my hand.

"Ang galing mo na." sabi ng boses na nag patalon sa puso ko.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon