Kanina pa ako dito sa harap ng dorm ng lalake at nahihiya na ako dahil kanina pa nila ako pinag titinginan naririnig ko rin ang mga bulungan nila na ako raw 'yon, I don't understand but this feels so weird.
Siguro tatlong oras na rin akong nag hihintay sa kaniya dito pero wala pa rin siya hindi ko rin naman alam kung ano ang number niya pati facebook niya ay hindi ko na hiningi sa kaniya. Minsan talaga ay may pag ka shunga rin ako eh.
Nakasubsob na ako sa dala kong bag ngayon dahil inaantok na ako pero biglang nagising ang utak ko nang marinig ko ang boses niya at agad naman akong tumingala pero nakita kong kasama niya ang isang magandang babae na may magandang hubog ng katawan.
"Babe, wait is she the girl? Yung stalker mo?" Sabi ng magandang babae at tinuro niya ako.
kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tumayo ako at hinarap ko si Lian na nakangiti."Hey Lian! Kanina pa kita hinihintay." may sasabihin pa sana ako pero bigla niya naman itinaas ang kamay niya na parang pinapatigil ako.
"I know, lagi mo naman akong hinihintay. Stop Stalking me okay? You see my girlfriend na ako." Sabi niya na may ngisi sa mukha .
Matapos niyang sabihin ito ay hindi ko na napigilan na itulak siya dahil na rin sa sobrang inis ko "What!? Pina punta mo ako dito tapos sasabihin mo yan? The fudge is wrong with you?" at iniwan ko na silang dalawa doon.
Nakakainis siya sana naman aware siya, sinayang niya lang ang oras ko na dapat ay ginagamit ko para sa project namin. Akala ko ay tutulungan niya ako pero mali ako.
"Ang sama talaga ng ugali niya!" Inis na sigaw ko sabay sipa sa lupa.
Napaharap ako ng biglang may humatak sa braso at nagulat ako nang makita ko si Waltz na tumatawa. Buti pa siya hindi siya mukhang stress.
Tahimik niya lang akong dinala sa isang bench malapit sa dorm. "Ano problema Jurelle?" he asked with a cute little smile on his lips.
"Paano ba naman si Lian pinag lalaruan yata ako." sabay iling ko. Tumawa lang siya sa akin at inabot ang isang papel agad ko naman itong binasa.
Napalundag nalang ako sa saya at napayakap sa kaniya "Halaaaa! May venue na tayoo!" patili kong sinasabi sa kaniya. Hope his ears won't get damage.
Kinuwento niya sa akin na tinulungan kami ng kuya ko at pati na rin ng kakambal ko tungkol sa venue at nagsorry na rin ako sa kaniya dahil wala talaga akong naitulong pero sinabi niya naman saakin na marami raw akong naitulong, sana nga.
Umuwi ako ng dorm na sobrang naiinis pa rin sa ginawa ni Lian sa akin, nalaman ko kasi na kaya ako pinag uusapan kanina ay dahil nag post daw si Lian sa facebook na stalker daw ako pero sabi naman ni Angel ay agad niya itong binura. Tsk, kahit na!
"Alam mo ganiyan talaga yan maloko, pero kaya mo yan." Angel cheered me up before leaving the room.
Sana nga kayanin ko. Pinili ko nalang na maligo para mag handa dahil nag text sa akin si Waltz kanina para sabihin sa akin na pupuntahan namin ang venue. Medyo gumaan ang nararamdaman ko dahil nalaman ko na ngayon kaunti nalang ang iisipin namin.
Kotse ang dala ni Waltz ngayon dahil lahat pala kami ay kasamang pupunta doon. Grabe talaga itong ginawang tulong ng kapatid ko sa akin, kapag nakita ko sila ulit ay ikikiss ko sila haha.
Nag tagal ng kalahating oras ang byahe namin kahit na mabilis naman ang takbo ng kotse. I think Waltz is really cool when he is riding a motorcycle but he is even cooler now.
"Huy! kanina ka pa naka tingin kay Waltz baka naman matunaw na yan." bulong sa akin ni Katkat na nasa likuran ko. Natawa nalang ako at bumaba na ako dahil nandito na pala kami.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...