Chapter 22

8 0 0
                                    

Ang bilis natapos nung bakasyon at ni wala rin kaming napuntahan katulad ng last time na umuwi ako sa bahay.Busy na naman kasi sila Dad matapos ang birthday namin ni Jea, but we both understand that—they just really need to take care our company.

One year nalang at gagraduate na rin ako,Third Year na ako and I'm still having a hard time on what to do with my Lola's offer to me. Although may pangarap ako but I need to face it that it's kinda impossible because of my condition.

"Nahihilo ka ba kapag may ugong?" tanong ng doctor ko.

Matapos kong bumalik sa dorm kahapon ay pinasundo ako ni Mama dito para mag pa check sa doctor ko, Usually naman they would come and check me sa Iloilo but I guess he's busy rin naman kaya sabi ni Mama na ako na ang pumunta mismo dito sa clinic.

Tumango ako "Opo, pero hindi naman po araw araw yung ugong sa tenga ko."

Tumahimik ito at sinulyapan ang records ko na hawak niya. "That's good but how about the tone? Nakukuha mo na ba?"

Umiling ako, Oo nakakarinig pa ako minsan nakukuha ko yung tono at tamang note nito pero hindi 'yon dahil sa narinig ko pero kundi sa pag tanda ko gamit ang piano at ang instinct ng puso ko.

Nagsulat na siya at tumayo. Wala akong ibang gamot para dito kundi ang gamot pampawala ng sakit sa ulo ko. Pero ang gamot para muli kong marinig ang tamang tono o kung ano man ang meron sa tugtog ay wala na.

---

"So, ano na kayo?" intriga sa akin ni Angel na kanina pa sinasalpak sa bibig niya yung inorder ni Lian na pizza.

Tumawa ako at nag patuloy sa panonood "Ewan?"

Agad kong sinulyapan ang phone ko na nag ring. He's calling me.

"Oh sagutin mo na." sabi ni Angel at tumawa bago sinubo ulit yung pizza, wow ah inubusan na ako.

Sinagot ko ang tawag at agad nag salubong ang kilay ko sa narinig.

"Hello,Jurelle." Pilya nitong wika.

She's not Lian..

"Hi? Who's this?" mahinahon kong tanong.

"Guess who?" at tumawa ito.

Tsk, Someone's wasting my time.

Umirap ako bago pinatay ang tawag, this won't work with me, duh.

I know that she's with him and I don't feel like eating right now because of her.

Agad na akong tumayo at lumabas ng room, hindi ko na pinansin ang pag tawa at pang asar sa akin ng kaibigan ko.

Dirediretso ako papunta sa music room , I'm not really sure but while she's talking I heard the sound of piano.

Tsk, kung akala niya ay mag papatinag ako sa ginawa niya ay nag kakamali siya.

Ngumiti ako nang makarating ako sa music room at nakita ko siyang pinapanood si Lian na nag papiano, She's not even alone with him. Kawawa ka naman pag seselosin mo ako pero hindi mo manlang siya masolo.

Lumapit ako kay Hazel, I can now recall her name.

"Hi." Nakangiti kong bati at nakipag beso sa kaniya.

Nag angat ng tingin si Lian at nakita ko ang pag ngiti ng mga mata niya, inirapan ko lang siya at hinarap si Hazel na nakanganga.

"Bakit ka nandito?" tanong nito na naiirita na.

Nginitian ko siya at kinuha ko ang phone ni Lian sa kamay niya "Thanks sa pag tawag sa akin, I'll take care of him na."

Inirapan niya ako at tumayo, pumadyak pa siya bago ako iwan doon. Napatawa ako ng mahina at hinarap si Lian na nag tataka.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon