Chapter 7

22 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa harap ng classroom nila at nag hihintay ako, ngayon ko lang nalaman na sa Broadcasting pala siya.

Sa totoo lang kinakabahan ako kasi alam ko naman na 100 percent ay hindi siya papayag. Pero it's better to try 'di ba?

I flinched when I saw his classmate coming out, I'm so nervous. My gosh.

"Bakit ka nandito?" Tanong ng isang malamig na boses.

Tinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Lian na nakatingin sa akin ngayon at biglang nag smirk ang loko.

"Uh Hi.. Pwede ba kitang makausap?" Nag aalangan pa ako pero kailangan talaga namin 'to kaya tinanong ko na sa kaniya.

Kaso hindi niya ako pinansin at dirediresto lang siya sa pag lalakad, Tsk. walang modo talaga.

Halos tumatakbo na ako dahil sa bilis niyang maglakad tapos bigla siyang hihinto kaya ayan yung mukha ko tuloy sumubsob sa dibdib niya dahil bigla rin siyang humarap "Stop following me." madiin nitong sabi.

Hays. Fine! Tumalikod ako at pumunta nalang muna ako sa canteen. I need to eat na muna.

--

Paupo palang ako sa upuan dito sa canteen nang biglang tumawag sa akin si Jea at agad ko naman itong sinagot.

"Where are you sissy?" She excitedly asked.

"Dito sa Canteen ng Campus why?" I answered while reaching for my food.

"Okay. Bye." She laughed before ending the call. Naloloka na naman yata.

Spaghetti with cheese burger ang inorder ko sa Canteen and it's good that it tastes really great kahit hindi naman siya ganun ka mahal tulad ng mga kinakain namin sa malls.

Paubos na ang burger ko when suddenly someone pushed my back, What?!

Agad ko itong nilingon pero nabigla naman ako dahil nakita ko si Jea na nakangiti at katabi niya si Kuya.

"Surprise!" She said sounding so happy.

I just hugged them and My tears came out from my eyes. Hindi ko napigilan na maiyak siguro napapagod nalang ako sa mga ginagawa ko.

It's good to have them around.

Inubos ko na muna yung burger ko dahil sayang naman hehehe at pag katapos ay dumiretso kami ng mga kapatid ko sa dorm, buti nalang at pwedeng pumasok ang lalake dito kapag kamag anak mo, kung hindi siguro kailangan ko pa silag dalhin sa mall.

"So how are you?" tanong sa akin ni kuya habang may inilalabas siya sa isang bag bago niya ito inabot sa akin.

It's a small teddy bear, natawa tuloy ako dahil iniisip pa rin talaga ni kuya na baby girl nila pa rin ako.

"Thanks Kuya, I'm good. Sobrang napapagod lang." I answered trying to smile widely but I failed.

Lumapit sa akin si Jea at niyakap niya ako "Ayan! sissy power." at tumawa siya.

Kahit kelan talaga si Jea ang sweet sweet kahit na minsan din ay loka loka siya. Tumayo si kuya at niyakap kaming dalawa.

"Elle mag stay pala kami dito ni kuya for 2 days, nag book kami ng hotel malapit lang dito." Sabi ni kuya sa akin na ngayon ay naka upo na ulit.

Nag pout ako bago sumagot "Aw, mukhang hindi ko kayo mahaharap dahil kailangan na namin asikasuhin yung event. Sorry!"

"That's fine sissy, pupuntahan ka namin dito okay?" At niyakap niya ako ulit.

Tumango lang ako sa kanila. Nag kwentuhan muna kami ng ilang minuto bago sila nag paalam sa akin na ilalagay na muna nila mga gamit nila sa hotel na tutuluyan nila.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon