Each day I ignore the sounds that keeps on ringing in my head, it hurts so bad that it feels like there's a broken speaker inside my head. I cried in pain but I never stopped playing the guitar."There's a song that's inside of my soul
It's the one that I've tried to write over and over again
I'm awake in the infinite cold.."
Pikit mata kong kinakanta ito habang dinadama ang strings gamit ang daliri ko, ngayon lang ako nakakanta na walang ugong sa aking ulo, ngayon lang ulit.
Tumutulo ang mainit na luha mula sa aking mata at patuloy lang ako sa pag kanta, binuksan ko ang bintana kaya damang dama ko ang hangin na nakikisabay sa pag kanta ko.
Nang matapos ko ang kanta ay dumilat ako at pinatay ang camera ko na nakatutok lamang sa gitara ko, ilang buwan na rin akong nag rerecord at ito lang ang pinaka maayos kong record.
Gusto kong lumaban, dahil naniniwala pa akong kaya ko pa at dahil nandyan pa rin sila mama na naniniwala sa akin.
I reached for the cup of tea on my mini table near my bed and I look at my surroundings, It's nice to be here seeing green trees and hearing the sounds of nature.
Humigop ako ng tsaa at nag patugtog, natuto akong mag focus sa sarili ko. Ang hirap makalimot, dahil sa bawat memorya na meron kayo nandoon ang mga emosyon at nararamdaman mo para sa kaniya— hindi naman sa nanghihinayang lang pero ang sakit isipin na yung binuo naming dalawa parang ako lang yung nag keep.
Nag dadrama na naman ako, pinalis ko ang luha ko at tumayo na. I'll go to the mansion.
---
"Elle! It's good you're here, I'm about to call you." Bungad ni lola sa akin na nag pagulat sa akin dahil iba ang expression niya parang nag aalala na siya.
Lumapit ako sa kaniya sa sofa "Why lola? Did something happen or do you need me?"
Umiling siya "No, It's just you've been staying inside your cottage a lot and your sister called me. I'm kinda worried." Paliwanag nito at hinawakan niya pa ang mag kabila kong braso na para bang tinitingnan mabuti kung may nangyari ba sa akin.
Bago pa ako makapag salita ay tumunog ang phone ko at ang pangalan ng kapatid ko ang nakita ko, tumatawag siya mula sa messenger.
"Ano ate!?" Pag bungad nito kaya lumayo ako kay lola dahil pakiramdam ko ay may pag uusapan kami.
Huminga ako nang malalim dahil akala ko makakapag salita na ako ngunit mali pala.
"Ganyan ka nalang ba? Hihinto na rin mundo mo?" – Jea.
"Hmm?"- sagot ko
"Hindi ka na raw lumalabas sa cottage at simula 'yon noong araw mismo na kumalat yung picture nila Lian."- Jea.
"Jea.. tao ako, nasasaktan ako" kalmado kong tugon.
"Nasasaktan ka, tapos ano? May magagawa baa ng araw araw mong pag mukmok diyan?" seryoso at madiin nitong saad.
Unti unting tumulo ang luha ko, She hit it! Nag pipigil ako pero her words pushed me.
"At least, ngayon nailalabas ko na kung ano talaga nararamdaman ko." Walang emosyon kong wika pero patuloy pa rin ang pag tulo ng luha ko.
"Twinnie naman! You should go on, life is not all about that man! Please naman, I hate seeing you like this, please." Pakikiusap nito.
Wala akong ibang magawa kundi yumuko dahil hangang ngayon ay parang sariwa pa rin yung sugat sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...