Chapter 28

10 0 0
                                    

Nang dumating ang linggo ay nagising nalang kami sa ingay ng aming magulang na nakikipag usap kila Lola, hindi ako sure kung ano ba amg pinag uusapan nila dahil inaantok pa nga ako.

"Ma!" I joyfully lean my face to kiss my mother. I missed her so bad, of course si Dad din naman but I just hugged him.

They prepared horses for us today, gusto nila Mama iparanas sa amin ang sumakay sa kabayo pero parehas kaming takot ni Jea—itong si Kuya lang yata ang excited at gustong gusto yan eh.

Pinag suot kami ng proteksyon at boots para kung sakali na malaglag kami ay hindi kami masasaktan. We planned to ride the horse around the village and go to the barn to see the animals. At dahil naman hindi pa kami marunong mangabayo ay may naka alalay sa amin ni Jea, Kuya had learned it when he was young kaya hindi niya need ng mag gagabay.

"Oh My! Bakit masyadong magalaw?" Looking at my sister, I screamed.

Nakakatakot kaya talaga, hindi ko alam saan ko siya hahawakan kasi baka magalit tapos tumilapon pa ako. Nang makarating na kami sa isang barn ay hindi na ako nag dalawang isip na bumaba sa kabayo, sana bike nalang—hindi naman sa hindi ko na enjoy ang pag sakay sa kabayo pero natatakot pa rin talaga ako.

Bumaba na rin sila at agad na lumapit si Lolo sa dalawang matanda na mukhang taga-pangalaga nitong farm. May mga baka at tupa dito at ang cute nila tingnan.

Agad akong lumapit sa isang maliit na tupa, baby pa lang siya at sobrang inosente niya tingnan. "Hi! Baby." sabi ko at hawak sa kaniya ng marahan, gladly it didn't get scared and run away.

Tinawag kami nila lola at pumasok kami sa loob ng barn, nandito ang mga inahing baka at kinukuhanan sila ng gatas, nanood at nakinig akong mabuti sa pagtuturo nila dahil interesado akong matutunan ito. Para naman hindi ako mamuhay prinsesa dito at marami akong magawa sa loob ng ilang taon kong pag stay dito.

Nagawa ko nang mabuti ang pag kuha ng gatas mula sa baka at tuwang tuwa sila mama dahil na gawa ko ito, maarte kasi si Kuya at si Jea naman ay hindi niya ito magawa ng tama dahil nagagalit yung baka. Tinawanan ko ito dahil sa pag lukot ng kaniyang mukha.

Ang saya talaga kapag kasama ang pamilya, parang kahit minsan nag kakapikunan pero sa kanila mo pa rin mahahanap yung tunay na care na kailangan mo.

Unlike our Mansion in Manila, This Mansion looks like a castle— almost. Kaya nga hindi maintindihan nung iba kung bakit gusto ko mamuhay ng normal kung parang prinsesa naman ako. First of all, I like to earn things by my own hard work. Ang panget naman na puro lang ako asa sa yaman na meron ang pamilya ko.

"The food is delicious, who cooked this? The new chef?" Dad asked after he put down his wine glass. Kahit dalawa lang sila lola dito ay may cook pa rin sila.

Pinunasan ni Lola ang kaniyang labi at tumingin nang diretso kay Dad, She always gives the aura of a queen— dunno why. "Yes, We hired a younger one." she said with a normal voice.

Tumango lamang si Dad at uminom ulit ng wine, nang matapos na kami ay agad niligpit ang lamesa at pumasok na rin kami sa loob.

I asked my mom if she could stay with us in my bedroom but she refused, may pag uusapan pa raw sila ni Dad. Hangang dito yata ay business pa rin ang kailangan nilang pag usapan, tumango na lamang ako at dumiretso na sa loob ng kwarto ko.

Wearing my sleepwear gown I lay on my bed, Matagal na akong napahinga sa pag tugtog. Mahirap pero kailangan ko na munang tiisin dahil kailangan ko rin ipahinga.

I scroll on my facebook account, kahapon ko nga lang nalaman na kahit pala dito ay abot ang internet but sadly hindi siya abot doon sa woods kung saan nandoon ang cottage ko.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon