Nang bumalik sa dorm si Angel ay hindi mawala sa labi niya yung ngiti niya na nakita ko kanina, kaya inaasar ko siya pero nag babago talaga ang itsura niya, she looks guilty.
Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niyang research dahil ipapasa niya na raw yung topic sa Monday, grabe kababalik palang namin sa klase pero meron na sila agad na research.
Nag simula na akong mag sulat ng kanta dahil ramdam ko yung urge na mag sulat ngayon.
Napipilitan ba ang 'yong pag ngiti..
Sa tuwing sa akin ika'y naka tingin..
Habang sinusulat ko yung kanta ay parang may bigat akong nararamdaman, medyo may kirot.
Pero bigla rin yun nawala nang mapag tanto kong bagong notebook ang sinusulatan ko ngayon!That guy didn't give my songs notebook back! Tumayo ako at lumabas kahit na suot ko yung red sleeping dress ko ay hindi ko pinansin, Bakit ba kasi hindi ko yun naalala kaninang mag kasama kami? Hays.
Without hesitating I dialed his number and in just a second he answered."Hello." Paos na boses niyang sagot.
Is he sleeping? I don't care."Bumaba ka at dalhin mo yung notebook ko." Seryoso kong saad.
Nag hintay ako sa may bench sa tapat ng dorm nila, I don't care kung makita ako ng kahit sino at mag tsismis na naman, yun naman ang gusto nila.
Bumaba siya na naka..Uh..He's topless and only wearing his black shorts.
Lumapit siya sa akin at halatang kagigising niya lang dahil namumula ang kaniyang mukha at gulo pa ang buhok niya.
Napalunok ako at nilahad ko na agad ang kamay ko.
"Notebook." I look away.
Hindi siya sumagot at naramdaman ko ang kamay niya na mainit. Shems gusto kong tumili ! Why is he giving me his hands.
"I said, my notebook." madiin kong wika.
Narinig ko siyang tumawa at bumulong bulong pa bago ko maramdaman yung notebook ko na agad ko naman niyakap. "Thanks."
Tumalikod na ako at naglakad na pero bago pa ako makalayo ng husto ay narinig ko siyang tumawa at sumigaw. "Goodnight Baby!"
Psh, kaasar maharot na nga feeling cool pa siya.
---
Nasa loob kami ngayon ng klase namin at nakikinig lang ako sa prof ko, pinapaliwanag sa amin ngayon kung paano gumagana ang chords sa lalamunan.
Ang sayang pag aralan yung mahal mo talagang gawin, para sa akin mas gusto kong piliin kung ano ang mahal ko. Dahil music ang nag papatibok ng puso ko at ito ang kasiyahan ko.
Last subject na namin at pinag grugrupo nila kami. Hindi na sana ako gugrupo kila Katkat para iba naman ang makasama ko kaso kami ang pinagrupo ng prof namin.
Dahil may kasamang arts ang music course namin ay talagang may minor subject pa rin pala talaga kami na tungkol sa culture at iba't ibang arts.
Ayos lang naman, basta 'wag math dahil mahina ako don.
"Yung grupo niyo Jurelle, I assigned you guys to go to some historical places in our City." Seryosong saad ng prof namin na nakasalamin. Medyo nakakatakot siya.
Kailangan daw kasi namin kumuha ng information tungkol sa arts at music noong panahon ni Rizal. I'm so excited to go to a historical places, never pa kasi akong nakakapasyal sa ganun.
Siguro sa Manila, dinala ako nila Dad noong bata pa ako pero doon lang.
"Pwede mag sama?" Tanong ni Waltz na unti unting namumula.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Lãng mạn" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...