Lokong Waltz hindi ko talaga siya maintindihan, kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa akin tapos bigla ngingiti. Nag lilipat kami ngayon ng mga gamit na kailangan namin para sa dadating na event.
Napapagod ako kahit hindi naman talaga mabigat ang mga binubuhat ko kumpara sa dalawang lalake pero nakakapagod pa rin dahil naka dalawang balik na kami dito sa place na pag gaganapan, ang layo kaya nito.
Buong maghapon lang kaming nag aayos ng place at ngayon halos makumpleto na ang decoration.
Lumibot na muna ako dahil wala naman na akong maitutulong dahil nag bubuhat na lang sila ng mga speakers sa stage at si Kat kat naman ay nakaupo doon sa gilid .Ang sarap ng haplos ng hangin sa balat ko dahil ang lamig nito, amoy na amoy ko rin ang bulaklak at fresh na dahon.
Thirty seats ang naihanda namin dito sa open na hall, may mga makukulay kami na telang iniligay sa bawat silya. Ginawa namin ang best namin na mag mukha itong throw back concert dahil nga sa theme na napili namin. Nag kabit din kami ng makikintab na decorations at sinabit namin ito para mas maging makulay ang paligid. Ang stage ay napapalibutan ng bulaklak na gawa sa tela na nilgyan rin namin ng kumikinang na glitters pero mas malaki ito, I don't know what is that. Sobrang makulay ang paligid at mukhang kulang nalang ang kulay ng musika.
---
Nakita ko si Katkat na nag aayos ng pagkain namin kaya agad ko na rin siyang nilapitan at tinulungan.
Binaunan kami ng pag kain ni Angel at sobrang saya ko talaga dahil nag luto siya ng sinigang na bangus, favorite ko na talaga 'yon."Ayos naman na ang lahat kaya pwede na tayong kumain, mukhang pagod na pagod na sila." Sabi niya na nag pout habang naka tingin kay Philip, Wow haha inlove.
Nang matapos na kami sa pag hain ay agad naman nilapitan ni Katkat si Philip, Sila ba? Umiling iling at napatawa sa iniisip ko, huminto lang ako dahil lumapit na si Waltz at kahit na halatang pagod siya ay nginitian niya ako.
I unconsciously touch my cheeks because I feel like it's burning, And why do I feel like my heart is jumping?
Umupo nalang ako at nag simula na akong mag sandok ng kanin para sa mga kagrupo ko, dumating na rin kasi yung dalawa na mukhang nag haharutan pa. Seriously?
Naging tahimik ang lahat dahil na rin siguro sa pagod at gutom kaya naka focus lahat sa pag kain, uh pwera na lang sa dalawa na nag susubuan na. Napa tingin ako kay Waltz na nasa harapan ko dahil binaba niya ang kutsara niya, Tapos na siguro siya?
"Guys, Dahil malayo itong place at bukas na bukas na gaganapin yung event nag pabook ako ng dalawang room para sa atin." Sabi niya na kinagulat namin.
Akala ko kasi babalik kami sa kaniya kaniyang bahay at syempre ako sa dorm at bukas ay maaga nalang kami pupunta dito. "Paano yan? Wala manlang akong dalang damit." I said with a worried tone. Napangisi naman yung dalawa, why tho?
"Meron naman akong nadala Juls, pwede kang humiram muna sa akin." Nakangising saad ni Kat.
Aba at mukhang ako lang hindi prepared? Baliw ba sila syempre paano naman yung undies ko 'di ba?Matapos kami kumain ay nakaisip na ako ng paraan, nakakahiya man pero siguro ayos lang sa kaniya dahil nag pupumilit din naman siyang sumama sa akin kanina.
I dialed her number and she answered it immediately as a sign that she's not busy
"Hello Angel."
"Hi Dai! Miss mo na ako?" pag bibiro niya na kinatawa ko. Loka talaga 'to.
"Funny haha. Anyway, Favor please?" Malambing kong wika at naka puppy eyes pa ako kahit hindi naman niya nakikita.
Sinabi ko sa kaniya yung problema ko at sinabi naman niya na tutulungan niya ako, gustong gusto niya talagang pumunta dito sa place dahil alam niyang maganda dito.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...