Chapter 23

9 0 0
                                    

Araw araw niya akong sinusundo at tinuturuan at halos dalawang buwan na rin ang huli na umugong ang tenga ko, pero kahit ganun ay hindi pa rin ako nakakasali sa mga activities namin na kinakailangan kumanta.

Tanging mga kanta ko lamang na sinulat ang napapakinabangan.

"You should still be thankful, Hija." Sabi ng doctor ko na nakangiti.

Pumunta siya dito sa dorm para lang icheck ako at nang binalita ko sa kaniya ang resulta ng araw araw na pag tuturo sa akin ni Lian ay naging masaya siya.

Tumango ako at ngumiti " Opo, Doc. Sana po sa susunod ay makakanta na ako."

Huminga siya ng malalim at sumulat na ulit sa record ko.

Kahit na masaya ako sa nangyayari ay hindi ko pa rin talaga maiwasan maging malungkot at mangarap na makakakanta pa rin ako at magiging singer pa rin ako.

Hindi ko kasama si Lian ngayon dahil naging busy siya sa pag papasa niya ng requirements para sa ojt niya, mas nauna pa kasi silang mag ojt sa amin.

"Ayaw mo ba tanggapin talaga yung offer sayo ng lola mo?" Tanong ni Mama sa akin.

Nang makaalis kasi si Doc ay tumawag ako sa kaniya.

At ito ang bungad niya sa akin, huminga ako ng malalim "I'll consider it, Ma."

"Okay, sweetheart." Malambing nitong wika.

Of course masaya siya dahil hindi na ako close minded tulad ng dati.

Kinamusta niya pa ako at si Lian, hindi ko nga alam ano ang isasagot ko sa kaniya dahil syempre nahihiya rin naman ako sa kaniya.

Matapos ng kamustahan ay nagpaalam na rin siya dahil kailangan niya raw sunduin si Jea.

Nandito na ako sa room at nakatutok sa harap ng laptop ko, habang pinapatugtog ko ang mga cover ni Lian.

Hindi ko talaga alam kung ano meron sa boses niya na nagpapagaan sa puso ko. Kahit hindi kami nag kikita ay tinatawagan niya pa rin ako o kaya naman chat para lang icheck kung maayos ba ako.

Madalas pag gising ko ay may nakahanda na agad na pag kain kasama ang sulat niya.

Hindi ko inaasahan na yung dating nakilala ko na nakakainis ngayon ay yung taong nag papasaya sa akin. Pero kahit ganito na ang nararamdaman ko ay hindi ko pa rin maamin sa kaniya.

I'm not scared, My heart is ready but I just think that it still need time.

Matapos kong gawin ang report ko ay naisip kong magluto para naman sa kaniya.

It should be a give and take, gusto ko rin siyang alagaan.

Nakangiti at pakanta kanta ako habang niluluto ang adobo nang pumasok si Angel at excited na kumuha ng plato. "Sarappppp!!"

Natatawa akong sinandok ang baboy at nilagay yun sa plato niya.

"Ayan, konti lang ha." Pabiro kong sabi.

Sumimagot ito at pinagkrus ang kaniyang braso at halos malaglag na ang baboy sa plato niya kaya kinuha ko ito mula sa kaniyang kamay.

"Damot mo, Dai!"

Tumawa ako at sinandukan na siya ng kanin at dinagdagan ang ulam.

Nakangiti niya itong tinanggap mula sa akin at dumiretso na sa lamesa, aba at mukhang gutom na gutom.

Sana naman masarapan siya sa luto ko.

Hinanda ko na ang kulay white kong lunch box at nilagyan ito ng kanin at ulam. Nagtimpla rin ako ng tsaa at inilagay sa bote ko.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon