Chapter 20

8 0 0
                                    

Nagising ako na masakit ang ulo ko at nararamdaman ko ang tela na dumadampi sa ulo ko, unti unti akong dumilat at nakita ang seryoso niyang mata.

Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang kilay niyang nakasalubong at ang mata niyang kulay tsokolate, ang sarap niyang tingnan.

"Bakit kasi hindi mo tinitingnan yung iniinom mo, huh?" Marahan ngunit naiirita niyang tanong.

Ano ba itong saya na nararamadaman ko. "Uh..Hindi ko napansin." mahina kong tugon

Pinatong niya ang tela sa isang lalagyan at inayos niya ang buhok ko na nasa harap ng mukha.
"Next time, be careful." Malambing ang pag kakasabi niya at ngumiti siya bago tumayo.

Hindi pa rin ako makabangon dahil mabigat ang pakiramdam ko. That's my first time drinking alcohol. Wine lang ang natikman ko dati pero konti lang yun.

Pinanood ko siyang papalapit na muli sa akin na bitbit ang plato. Dahan dahan akong umupo habang yakap pa rin ang unan at tinitingnan siyang pinapatong ang pag kain sa maliit na lamesa sa harapan ko "Thank you." mahina kong wika.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang kumakain ako."Ubusin mo yan Jurelle, Mama cooked it for you."

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nag cecellphone na kaya kumain na lang ako. Nang matapos ako ay kinuha niya na 'yon at naghugas ng pinggan. "Lian, ako na diyan."

Umiling lang siya at nag patuloy sa ginagawa, Ang seryoso at tahimik niya parang umuurong tuloy ang dila ko. Mukha kasi siyang galit.

Nanahimik lang ako habang umiinom ng gamot na binigay niya sa akin, nang makita ko siyang tapos na at palapit na sa akin ay umayos na ako ng upo at tumingin na lang sa phone ko.

"Babalik na ako sa dorm." seryoso niyang wika bago lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

Ang hilig niyang pakeelaman ang ulo ko, Gusto ko sana siyang irapan kaso 'wag na lang mukhang galit eh. Tumango na ako at nag thank you na ulit bago siya umalis.

---

Tatlong araw akong hindi kinikibo ni Lian at hindi ko alam ang gagawin ko. "Girl! Nakakainis na eh! Hindi niya ako kinakausap tapos ang sungit niya." naiirita kong sabi habang pinapalo yung unan ko.

Paano ba naman nag kikita kami ni Lian sa studio pati na rin doon sa club, lumalapit siya sa akin at tinutulungan naman ako sa mga ginagawa na activity pero hindi siya yung tipong nangaasar.

Tsk, ano ba yan. I hate to admit this but I kinda.. miss him.

Umirap si Angel at binatukan ako "Dai! Kalma! Gumawa ka na ba ng paraan bago ka mainis diyan?" tanong niya sa akin na nag paisip sa akin.

She's right, hindi ko rin naman kasi tinatanong si Lian at hinahayaan ko lang siyang ganon.

Umiling ako at tumawa naman si Angel "See, Mag sorry. Nagalit yun sa amin na hindi ka binantayan noong party."

Wait what? I literally open my mouth wide and nod.

Now I know, He's angry and I didn't say sorry. Pero bakit ako mag sosorry hindi naman kami or what?

Hmm, Pero still he's my friend and I should say sorry because I made him worry. "hmm" tumango ako at tumawa naman ang roommate ko bago nag seryoso ang tingin niya sa akin.

"That's love." she tried to whisper it but I heard her.

Still don't understand that though.

Nandito ako ngayon sa harap ng dorm ng mga lalake at pinag titinginan na nila ako, I brought salad and tea for Lian.

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon