Chapter 17

12 0 0
                                    

Tinatapos namin ngayon ang final report namin para doon sa Historical Places na pinuntahan namin. Ngayon ko rin balak na kausapin na si Angel dahil halos dalawang linggo ay parang nahihiya siya sa akin, hindi ko rin naman siya makausap ng maayos dahil busy ako sa inaayos kong kanta para kay Lian para sa nalalapit na event ng school. Isa pa 'yon na problema ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil noong isang araw lang ay umuugong ang tenga ko, halos araw araw na akong pumapasok na maga ang mata ko kakaiyak ko.

I can't stop myself from crying— not because my head hurts but it's because of my heart, it breaks whenever I feel helpless. I can't hear the music with my ear and my heart is in pain. How am I supposed to even write a song properly and guide Lian?

Speaking of Lian, hindi ko siya nasasamahan sa mga gig and practice niya these past 2 weeks dahil nga sa marami rin silang ginagawa kaya naman nag sosolo na muna siya sa pag practice, pero hindi niya ako tinitigilan sa pag tetext niya.

Natagalan siguro ako sa pag tulala at halos malaglag ako sa upuan dahil sa biglaang pag dampi ng malamig na kung ano sa pisngi ko.

"Whaaat!?" Patanong at may halong gulat sa tono ko.

Natawa naman ang kung sinong loko sa gilid ko, hindi ko siya tiningnan at hinayaan na lang na tumabi sa akin. Wala ba siyang gagawin ngayon?

He opened the botteled juice and gives it to me.

Hindi ko ito kinuha dahil tinatapos ko na ngayon itong tinatype ko, kaya naman huminga siya ng malalim. Ha! bahala ka diyan.

"Lian." Pag sasaway ko sa kaniya nang nilapit niya sa labi ko yung juice.

Hindi niya 'yon tinanggal kaya sa halip na mag matigas at makipag talo ay uminom na lang ako.

Matapos kong uminom ay biglang nagtitili si Katkat na ikinatalon ng puso ko, My gosh! Papatayin ba ako nito sa gulat?

"Huy! Bakit?" Nakakunot kong tanong sa kaniya.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin sila sa akin lahat at pulang pula na ang mukha ni Katkat na parang kinikilig.Umiling lang ako bago mag type na ulit, malapit naman na akong matapos. Isang paragraph nalang.

Tahimik na ulit ang lahat at ilang sandali ay natapos na rin ako.

Nag angat ako ng tingin para makita sila na mukhang tapos naman na at nakatingin pa rin sila sa amin ni Lian, What now?

"Tapos ka na ba?" Tanong ni Lian sa akin nang makita niya ako na nag aayos na ng mga gamit ko.

Obviously, Lian tapos na ako. Gusto ko sanang mamilosopo kaso 'wag na lang kaya tumango na lang ako.

"Ano, uhm.." Biglang nag salita si Philip na parang nag aalinlangan pa. Para siyang unggoy na hindi mapakali na ewan. Oopss sorry Philip.

Nagkatinginan sila at parang nag uusap pa gamit ang mga mata nila, tingnan mo mga 'to parang ewan din eh.

"What?" tanong ko na may ngiti at isa isa ko silang tiningnan, natatawa na talaga ako.

Isa isa na silang tumayo, kumapit si Kat kay Philip at yung dalawa naman ay nag liligpit ng mga ginunting namin na papel kanina.

Narinig kong pumalatak si Lian bago pasimpleng tumingin sa kanila at umiiling pa, mukhang timang naman mga kasama ko ngayon.

"Ano kasi.. nautusan kami kahapon na kami raw muna mag bantay doon sa mga bagong estudyante." Sabi ni Waltz na parang hindi rin niya maintindihan sinasabi niya.

Tumango lang ako bago ngumiti.

Nag paalam rin si Angel sa akin pero bulong lang at agad na silang nawala. Something fishy.. hmm Hinarap ko si Lian na inosenteng nakangiti.Aba! I'm sure he's up to something

Voice For This Melody  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon