Nitong nakaraang linggo ay lagi kaming mag kasama ni Lian, Araw araw ko siyang pinapakinggan sa pag kanta niya at kabisadong kabisado ko na ang bawat pag taas at baba ng kaniyang boses. Hindi ko na rin maalis ang mala-anghel niyang boses na nag hehele sa akin tuwing gabi. Yeah, I know it sounds like I'm over reacting but that's true, His soft voice makes me calm everytime. I feel like tomorrow every girls or even boys will scream because of his voice. They might even faint.
Panay ngiti ni Lian habang kinakanta niya ang huling part, hindi tulad ng ginagawa ko tuwing kumakanta, Sa halip na pumikit siya para maramdaman ang kanta ay mas gusto niya pang idilat ang kaniyang mata at iparamdam ang bawat emosyon na dinadala ng awitin na kaniyang kinakanta.
Nag kunwari akong hindi siya pinapansin at tumingin lang ako sa phone ko, Actually lagi ko 'to ginagawa. Nahihiya kasi akong harapin siya dahil alam kong namumula lagi ang pisngi ko tuwing naririnig ko ang boses niya kasama pa ang mga mata niyang parang nangungusap.
"Oh.. Tapos na ako mag practice, pasyal na tayo." Umupo siya sa tabi ko at umiinom na ng maligamgam na tubig. Kahit pa gusto niya raw ng shake kanina ay hindi ko siya pinayagan, pasaway kasi si Lian madalas.
Umiling ako bago siya hinarap at nakita kong nakangisi na siya, yung ngising parang timang.
"Bawal Lian, Bukas na ang event sa school kaya please lang makinig ka." Mahinahon kong pakiusap.Kanina pa kasi yan bago pa kami pumunta dito sa bahay nila, nag aaya siyang mamasyal pag katapos ng last practice niya.
"Sige." Malamig niyang tugon at tumayo na.
Bahala ka diyan Lian. Alam kong nag iinarte lang siya at mamaya mangungulit na naman.
Sa halos tatlong buwan kong manager kuno ni Lian ay kilalang kilala ko na siya, paano ba naman ay yung kilos niya ay madaling hulaan. Minsan kapag cold siya hindi ko lang siya papansinin ay kusa na siyang lalapit sa akin para kulitin ulit ako. Lagi siyang nag hahanda ng maligamgam na tubig at minsan may tsaa yung sa akin para raw kumalma ako.
Ilang saglit akong nag hintay doon sa music room at bumalik na ulit si Lian na kagat ang kaniyang labi na papalapit sa akin, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na tumawa.
" 'Wag ka nga tumawa diyan." malumanay niyang wika at umupo doon sa lamesa at uminom ng tubig.
Tumayo ako at hinawi ang bintana. "Gabi na Lian, balik na tayo sa school." sabi ko na hindi siya nililingon. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko na siya at nakita ko siyang sinisimangutan ako. Tingnan mo 'tong lalakeng ito, ang gwapo pero nilulukot yung mukha niya.
Umiling ako bago lumapit sa kaniya at hinila ko siya patayo. "Sige, Tara sabay na tayo kumain."
Tinitigan niya lang ako kaya medyo nahiya ako, Sino ba hindi mahihiya kapag tintigan ng isang makisig na prinsipe?
---
Akala ko ay hindi na siya ngingiti dahil mukhang seryoso ito sa kaniyang pag tatampo, pero nang ayain ko siya ulit na kumain sa labas ay tuwang tuwa ito.
Hindi matanggal ang ngiti ni Lian na siyang nakakapag paakit sa mga estudyanteng naglalakad dito sa mall.
Mukhang nakikilala siya ng mga ito dahil kanina pa siya kinakalabit at nag papapicture sa kaniya.
Buti naman at hindi siya nag sungit at malawak pa ang ngiti habang kinukuhaan siya ng picture.
"You look so happy." I said in a mocking tone.
He didn't answer but instead he grab my hands and look at me with his playful smile.
Sira talaga, umiling lang ako at hinayaan na lang siya.
BINABASA MO ANG
Voice For This Melody (COMPLETED)
Romance" Music has been part of me. The dream that I always want to reach But how can I reach it if something is holding me back? I was afraid to step on the stage Scared to open my lips But then you came to rescue me. Wait- Did you really help?" ...