FY 2

2.2K 74 0
                                    

*knock knock*


"Xyxy!" Rinig na rinig ko ang kalakasan ng boses ni kuya na nagmumula sa labas ng kwarto. Gigisingin nanaman ako neto. Hmp. "Xyxy!" Muli niyang tinawag ang pangalan ko at patuloy parin siya sa pag kakatok ng pintuan ng kwarto. "Xy-" 'Di niya natapos ang sasabihin niya nang buksan ko bigla ang pintuan.


"Kuya gising na ako, you don't need to yell na, okay?" irita kong pagkakasabi.


"Wala akong pakialam, kakatok ako at sisigaw sa ayaw at sa gusto mo. Kuya mo ko aba, baka nakakalimutan mo?"


Inis na inis akong nakatingin sa kanya at ramdam kong pinipigilan niya lang ang kaniyang tawa. Ugh kairita.


"Teka nga, ba't mo nanaman ba ako ginigising ngayon? linggo naman ah." Napakamot lang siya sa batok niya at biglang ngumiti.


"May naghihintay sayo sa baba." Pabulong niyang sabi. Si Marcus nanaman to, for sure.


"Kuya, paakyatin mo nalang dito sa kwarto ko si Marcus. Ano ba kayo parang mga tanga."


"Hindi naman kasi si Marcus yung naghihintay."


"Sino ba kasi yan?" Nakaka curious na ah. Wala namang ibang pumupunta sa'kin ng ganitong oras kung hindi si Marcus.


"Aba ewan ko sa 'yo, bumaba kana para malaman mo."


"Lalaki ba yan?" He just nod. WTF?! Sino naman kayang lalaking pupuntahan ako ng ganitong oras?


I rapidly closed the door and went to the bathroom.


'Sino naman kaya yung pupunta sakin na lalaki bukod kay Marcus?'


'Si Marcus lang naman bumibisita sakin ng gantong oras ah!'


'Wala naman akong ibang friend na lalaki.'


'Aish, sino ba kasi yun?'


'Wait!'


'Baka si ano.'


'Sinong si ano?'


'Baka si Kard.'


'The photographer?'


I nodded. "Oo yung cute na photographer." Bigla akong napasigaw nang mapagtanto kong kausap ko na pala ang sarili ko. Ano ba tong nangyayari sa 'kin?


I wore my clothes and walk throughout the door. Dahan-dahan akong bumababa sa hagdan habang sinisilip kung sino ba talaga yung naghihintay sa 'kin. Ano naman kaya gagawin nung photographer na yun dito? Aish. Nang makaapak na ako sa sahig ng living room bigla na lamang akong napatalon sa gulat.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon